Sabi ni tito kaya agad akong bumalik sa room para ibigay ang phone kay Ayi. Lagot na naman siya sa papa niya nito!
AYI'S POV
Kakatapos ko lang mag-ayos ng flyers nang biglang pumasok si Axi.
"Oh." Sabay abot ng cellphone niya sakin.
"Ibibigay mo sakin 'yan?!"
"Kahit kailan talaga mahina ang pick-up mo. Your dad is on the line, he wants to talk to you!"
Biglang bumigat ang pakiramdam ko.
Kinuha ko na lang ang phone na walang reaksyon.
"Oh, pa?"
Mr. D: Ano na naman ang ginawa mo, Ayi?! Oras ng training mo, nasa lakwatsa ka at nakikipagsayawan pa sa isang pervert na lalaki habang kumakanta ng nonsense na kanta?!
Nung sinabi niya 'yan, bigla akong nakaramdam ng galit kay Axi kaya tinignan ko siya ng masama. Grabe, sinumbong niya talaga ako kay papa!? Bwisit! SUMBUNGERO SIP-SIP!!!
"Eh, pa, sabi ni madame, free kaming umalis at lumabas dito! At saka hindi kami obligadong tumulong sa mga office works kaya namasyal na lang ako!"
Mr. D: Ah, ganon ba? So do you think tama ang ginawa mo?! You should have initiative in whatever tasks assigned to you! OJT ka diyan, hindi ka staff! Nandiyan ka for training para matuto! Hindi para magpabaya kasi di naman oblige?!
"Sorry, pa."
Mr. D: Alam mo, diyan nga kita in-assign para mabawasan ang problema ko sayo. Pero ganon pa rin pala! Kahit san ka ilagay, gagawa at gagawa ka ng kalukuhan! Di mo na ako binigyan ng kahihiyan!
Pagkasabi niyan ni papa, automatic na tumulo ang mga luha ko.
Mr. D: Kaya dahil sa ginawa mo, bibigyan kita ng special task.
"Special task?!"
Mr. D: At the end of your internship, you need to perform a demonstration in front of me, Axi, and all of the committees. A demonstration which explains your understanding about the company.
Pagkasabi niya 'yan, napahinto ako sa pag-iyak at parang nagulantang ang buong kaluluwa ko!
"Ano pa?!! Bakit kailangan kong gawin 'yan?!"
Sabi ko sabay punas ng mga luha gamit ang kamay.
Grabe, di ko makakayanan 'to! Ako gagawa ng demonstration sa harapan nila??!! Nahihibang na ba si papa?! Hindi ko 'yon kaya!
Mr. D: Para magtanda ka! Kaya it is your choice kung magfo-focus ka sa internship mo o bagsak ang grade mo!
"So ibig sabihin?!"
Mr. D: Ako ang magbibigay ng grade sayo! Your school gave me a full authority about it and knowing me, being biased isn't in my vocabulary.
"WHAAT?! Pero dapat si Madame kasi siya naman talaga ang critic ko!"
Mr. D: Sino ba ang boss of all the bosses?! Baka nakakalimutan mo, I am not just your father, I am also your boss!
"Pero pa, alam mo namang hindi ko kaya 'yan diba?! Pinapahirapan mo ba talaga ako?!"
Mr. D: Kung mag-aaral ka lang, magagawa mo 'yan! Andiyan naman si Axi to guide you, kaya magseryoso ka na, Ayi! Hanggang may oras ka pa!
"Pa, this is too much. I will do everything except for this."
tot tot tot
"Hello pa! Hello?!"
Tsk, out of line na siya, binabaan ba naman ako ng telepono?!
"BADTRIP!!! AHHHHHH!!!! NAKAKAINIS BWISIT!"
Padabog kong tumayo, hawak-hawak ang ulo. Grabe, ito ba talaga ang gusto niya?! Eh di bahala siya! WALANG DEMO NA MAGAGANAP, WALA!!!
"Ayi!"
"Tumahimik ka!!!"
Sigaw ko kay Axi at nagulat naman siya dun.
"Hoy, why are you acting like that?! Ano na naman bang kasalanan ko sayo?!"
Tinignan ko siya ng masama. "Ano?! Sigurado ka bang hindi mo alam ang ginawa mo!? Nagsorry na nga ako kahapon pero sinumbong mo pa rin ako! Kung gusto mong gumanti, edi sana pinakain mo na lang ako ng isang dosenang burger o kahit lagyan mo pa ng lason! Mas tanggap ko pa 'yon! Pero ito? Si papa na 'to, Axi, si papa na 'to!"
Alam naman niya na pagnalaman ni papa 'yon, papagalitan ako, talagang kinakalaban niya ako!
"Ha?! Di mo alam ang mga sinasabi mo!"
"Paano ko naman malalaman eh wala nga akong alam diba?! Kasi bobo ako!!! DIBA?! DIBA?!"
Napataas ang boses ko kaya nanlaki ang mga mata niya.
"Pwede ba, wag mokong sisigawan dahil hindi ako binge!"
Lumapit ako sa kaniya at napatingala sa mukha niya.
"Oo nga, tama ka. Walang deperensya ang tenga mo! Pero ang puso mo meron!!!"
Tumalikod ako tsaka lalabas na sana pagkatapos kaso bigla niyang hinigit ang kamay ko.
"Bitawan mo ko!!!"
Nagpumiglas ako at akmang lalabas na ulit, pero hinigit na naman niya ako.
"Ano ba?! Pwede wag mo na akong pakialaman!? HAYAAN NIYO NA AKO!"
"Ang cellphone ko."
Ha?
Natigilan at napatingin ako sa kamay na hawak-hawak ang cellphone.
Ay...
Ang cellphone lang pala ang dahilan kung bakit pinipigilan niya akong lumabas! Tsk, teka eh ano pa'ng aasahan ko sa lalaking 'to?!
"Oh! Sak-sak mo sa baga mo!" Sabay sub-sub sa dibdib niya yung cellphone! Nakakainis talaga sila! Sarap nilang pag-untugin ni papa!

BINABASA MO ANG
Beyond the Hate List
RomanceTo protect her heart from falling for the wrong person, Ayi created a hate list-a reminder to never fall too easily. But when a boy who checks every box on that list is always within her range - her rules start to crumble. *** There's more than what...
Chapter 7: Special Task
Magsimula sa umpisa