"SH*T, IKAW?!" Sigaw niya, sabay turo sa'kin.
Yes tama nga yan dapat magulat ka!
"Oh? Magkakilala na kayo?" Nagtatakang l tanong ni Dad at napabitaw sa balikat ko.
Lumapit 'tong ungas sakin, "Bakit, boss? Hindi ba naikwento sa inyo ng magaling n'yong anak?"
Napakunot ng noo si Dad, "Ano bang nangyari?"
"Kasi sinuntok ako niyan nung nakaraan! Tingnan n'yo 'to!"
Tinuro niya ang pasa sa mukha niya.
Bagay nga sa kanya, eh.
"Alam mo ba na pinapahanap kita sa mga katropa ko para makaganti sa pagpapahiya mo sa akin sa mall!"
Nangigigil na sabi niya na halos maamoy ko na ang mabaho niyang hininga dahil sa sobrang lapit ng pangit niyang mukha sakin.
Pero hindi ako gumalaw kasi baka isipin niya takot.
"Hahaha, I told you, my son is extraordinary."
Tinawanan lang siya ni Dad tapos umupo sa silya at nagyosi.
At mas lalo pang sumama ang tingin niya sakin.
"Mawalang galang na, boss, pero-"
BOOGSH!
Bigla na lang akong sinuntok sa kanang pisngi! Ni hindi man lang ako nakapaghanda!
Naramdaman kong pumutok ang labi ko, kaya hinawakan ko gamit ang hinlalaki. May dugong kumapit. Lakas nun, ah.
"Nice to meet you, bro." Sabay ngiti ng
Matapos niya akong suntukin, "Nice to meet you!?" Napakayabang! Nakaganti lang ng suntok, akala mo kung sino!
"Hahaha! Nice punch, Ray. Pero hindi 'yan tinatablan ng anak ko!"
At natawa pa si Dad, ha!? Ibang klase talaga siya. Pero binaling ko na lang ang atensyon kay Ray the Bipolar.
"Pagkaharap mo si Ayi, kung sino kang mabait! PWE!"
Sabi ko sabay talikod.
"Haha, siyempre naman! I want her, eh, and I think she likes me too."
Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.
"She likes you!? Eh paano pa kaya kung malaman niya ang tunay na baho mo? Magugustuhan ka pa kaya niya!? TWO-FACE!"
"The question is, will she believe you?"
"Gagawin ko ang lahat para maipalayo siya sa'yo!"
"Don't worry, bro, I feel you. Alam kong nagseselos ka lang." evil smile
Sabi niya, at hindi na ako nakapagsalita pa. Tumalikod na lang ako para tapusin na ang usapan. Hindi ko maatim na makipagtalo sa isang bobo na katulad niya!
"So this is all about Ayi, huh? So, may the best man win," sabi ni Dad bago ako tuluyang lumabas.
Nagulat naman si Tubig nang makita ang bibig kong may dugo at sugat. Bago ka kasi makapasok sa kwarto ni Dad, dadaan ka muna sa kwarto ng secretary niya.
Bumalik ako sa office ko at nagulat nang makita si Ayi na nakalean sa ibabaw ng mesa. Teka, nakatulog siya!? At ano naman kaya ang ginawa nila maghapon at mukhang napagod 'to!? Nag-videoke na naman!?
Nang makita ko ang mukha ni Ayi habang natutulog, biglang nag-flashback sa utak ko 'yung...
─── FLASHBACK ───
[NOW PLAYING: Crush by David Archuleta]
"Axi, para sa'yo oh, gawa ko 'yan."
Nakangiti siyang inabot sa akin ang bracelet na gawa sa isang makapal na plastic na mukhang sinulid. Hindi ko alam ang tamang tawag, pero sa narinig ko, nilon ata ang tawag doon. Uso kasi ngayon, kaya kinahiligan niya.

BINABASA MO ANG
Beyond the Hate List
RomanceTo protect her heart from falling for the wrong person, Ayi created a hate list-a reminder to never fall too easily. But when a boy who checks every box on that list is always within her range - her rules start to crumble. *** There's more than what...
Chapter 10: Two-Face
Magsimula sa umpisa