抖阴社区

Beyond the Hate List

By tinybobble

3K 52 0

To protect her heart from falling for the wrong person, Ayi created a hate list-a reminder to never fall too... More

Beyond the Hate List
Characters
Chapter 1: Horoscope
Chapter 2: Ayi's Hate List
Chapter 3: Transferee
Chapter 4: Partners
Chapter 5: Hater
Chapter 6: Stains
Chapter 7: Special Task
Chapter 8: Nice Guy
Chapter 9: Ice Kingdom
Chapter 10: Two-Face
Chapter 11: Secret Care
Chapter 12: Men Behind
Chapter 13: Sympathy
Chapter 14: Awkward Feeling
Chapter 15: Shutter
Chapter 16: Sketch
Chapter 17: Terrified
Chapter 18: Letter
Chapter 19: New Him
Chapter 20: Plan
Chapter 21: Song Book
Chapter 23: Soup
Chapter 24: Closer
Chapter 25: Fake Name
Chapter 26: Saviour
Chapter 27: Feel Safe
Chapter 28: Crumpled Paper
Chapter 29: Unlocked Door
Chapter 30: Tablets
Chapter 31: Shake Hands
Chapter 32: Three Webs
Chapter 33: Meeting
Chapter 34: Familiar Face
Chapter 35: Visitors
Special Chapter: Tag Team for Liling
Chapter 36: Suit
Chapter 37: Reflections
Chapter 38: Frame
Chapter 39: Offer
Chapter 40: Notes
Chapter 41: Painting
Chapter 42: Beyond
Chapter 43: Bracelet (Final Chapter)
Author's Note

Chapter 22: Turn Off

68 2 0
By tinybobble

AXI'S POV

"Oy, hindi lang ano lang... uhmmmm. Kasi ano ehh, ang pangit mo kasing kumanta, kakaantok! Halika na nga!"

Sabi sa'kin ni Ayi sabay walkout. Hahaha, halatang guilty. Pero sana naman eh maramdaman niya na ang bawat letrang kinanta ko ay para talaga sa kanya. Sana mapansin niya 'yon kahit konti lang.

Kriiiiiiing kriiiiiiing!

Lalabas na sana ako para sundan si Ayi, kaso biglang tumunog ang cellphone ko.

Nang tinignan ko... oh? Hindi naman dito nanggagaling ang ring ah?

Nilibot ko ang paningin ko at nakita ang cellphone ni Ayi na naiwan sa couch. Ahh, ang babaeng 'yon talaga oh!

Kinuha ko ang phone at tinignan kung sino ang tumatawag.

Incoming call...
Raychan

Wala na akong masabi kundi... bad trip!

Ano? Sasagutin ko ba? Syempre oo! Para malaman ng lalaking 'to kung sino ang kalaban niya!

---

on the phone

Ray: Hello, Ayi? Uhm, galing ako sa office. Hinanap kita pero wala ka raw eh. Saan ka ba ngayon? Gusto mo, puntahan kita?

Nakakairita ang kumag na 'to! Pwe! Ganyan siya manligaw? Ganyan ang diskarte niya? So wack!

"Wag kang mag-alala, she's with me."

Ray: A-Axi!? Magkasama pa rin kayo?!

Nagulat siya, huh? Hahaha. Pero in fairness, kilala niya agad ang boses ko.

"Yeah. So please, don't disturb us. Clear?!

Ray: Fuck you-

end of call

Hahahaha! Alam kong nanggigigil na siya ngayon sa inggit! Bagay lang 'yan sa kanya.

---

Lumabas na ako sa videoke room para puntahan si Ayi, pero... ang kaso? WALA NA SIYA!

Aba, hindi man lang ako hinintay?! Ang hilig talaga mag-walkout nun, tsk! Nakakainis, oh! Pero ano pang magagawa ko?!

Lakad lang ako nang lakad habang patingin-tingin sa paligid. Saan ba nagpunta ang stupid na 'yon? Ano bang pumasok sa kukote niya at iniwan ako basta-basta? Nandito pa naman sa'kin ang phone niya, tsk!

Napalingon ako sa Customer Service area.

Biglang pumasok sa isip kong lumapit sa CS.

---

Ngumiti ang clerk."Hello sir, good afternoon! Ano pong maipaglilingkod ko?"

"Nawala kasi yung girlfriend ko dito sa mall. Pwede bang makigamit ng PA system? Kailangan ko na siyang makita agad! Nag-aalala na ako!!!"

Baka napano na ang mahal ko, huhuhu!

"Ah-ah... mga ilang oras na po ba siyang nawawala, sir? Bago lang po ba kayo sa lugar na 'to? Wala po ba siyang cellphone para i-text niyo na lang? Tanga ba ang girlfriend niyo?"

Aba, pinapainit nito ang dugo ko, huh!!!

"Bakit, may time limit ba ang pagkawala ng isang tao? Ano 'to, police station? Kailangan pang umabot ng 24 hours bago i-declare na missing? Kailangan bang bago lang kami sa lugar na 'to para maligaw? Eh ang laki kaya ng mall na 'to! Kahit limang dekada ka nang nandito, maliligaw ka pa rin kung magkasalisihan kayo!

At hindi ba pwedeng naiwan niya sa'kin ang cellphone niya, kaya hindi ko siya makontak!?

At higit sa lahat, sa tingin mo magkakaroon ako ng tangang girlfriend? Sa pagmumukha kong 'to? Huh? Pinagtitripan mo ba ako, Miss? Hindi siya tanga! Bobo lang siya!!!"

---

"Waaaaaah!!"

Inalog ko ang ulo.

Ano ba 'tong mga pumapasok sa utak ko?!

Wag na nga lang akong pumunta sa CS-baka magkatotoo ang imagination ko! Mapagkamalan pa akong weirdo! Ahaist! Nasaan ka ba naman kasi, Ayi?! Nababaliw na ako rito! Please, magpakita ka na!

---

Pagdating ko sa may food court, sawakas nakita ko na siya.

Lalapitan ko na sana siya kaso... napako ang paa ko nang makita ko kung sino ang kasama niya.

Si Raychan.

At hawak-hawak pa ni Ray ang kamay niya! Huh?! At parang ang lagkit pa ng tinginan nila sa isa't isa?!

Bigla akong nakaramdam ng panghihina.

Yung tipong maiiyak na ako... kaso hindi pwede! Kasi lalaki ako! Mapagkamalan pa akong bading dito, eh.

Pero ang sakit pa rin.

Di nagbabago ang sakit na nararamdaman ko simula noong araw na nakita ko silang magkasama... hanggang ngayon. Bakit...

Halos buwan na rin naman ang lumipas, ah.

Pero kahit na nalaman kong hindi pa sila ni Ray, nai-insecure pa rin ako. Kasi hindi pa rin nawawala ang posibilidad na maging sila, di ba?! Dahil nga sa ang bagal ko!

At the worst thing is... Ayi would never fall in love with me that quick. Kasi she hates me a lot.

Kailangan ko munang mabago ang paningin niya sa'kin para mahalin niya ako. Kaya nga ako nagbago, 'di ba?

To make her the happiest girl in the world.

Pero paano kung bago ko magawa lahat ng 'yon, huli na pala ako?!

Eh gano'n naman pala, Axi, eh! So why are you just standing there?! Take a step and make a move!!!

Sige! Susundin ko ang sigaw ng puso ko!

Kung aatras ako ngayon, parang sinabi ko na rin na hindi ko kayang ipaglaban si Ayi!

Hindi na ngayon!

Nilapitan ko sa Ayi na kunwari wala lang ang asungot na Ray sa paligid. "Haisst, Ayi naman! Kanina pa kaya kita hinahanap! Ano bang trip mo at iniwan mo 'ko dun, huh? Hindi mo ba alam, pinag-alala mo ako?"

Nanlaki naman ang mata niya. "Nag-alala ka sa'kin!?" O_o

"Oo naman, Ayi. Alam mo namang mahal na mahal kita, 'di ba?"

Hinawakan ko ang kamay niya. Mas nabigla pa siya lalo.

Parang nag-freeze siya. Nagulat talaga siya. Natameme bigal sa sinabi ko.

"Aheem."

May nagpapansin sa tabi namin.

Alam niyo na siguro kung sino.

"Oh, bro! Andiyan ka pala? Di kita napansin, huh. Anong meron at napadpad ka rito sa mall?"

Sarcastic kong tanong sa kanya.

Sige lang. Mamatay ka sa inggit ngayon.

"Bwahaha! Tinatanong pa ba 'yan? Naramdaman ko kasing nandito si Ayi ko, kaya pumunta ako rito."

Sabay hawak din siya sa kabilang kamay ni Ayi.

Nag-evil smile pa siya sa'kin!

Aba, hindi talaga siya magpapatalo!

AYI'S POV

"Oo naman Ayi alam mo namang mahal na mahal kita diba?"
Sabi ni Axi sabay hawak sa kamay ko at dahil diyan parang nanigas ang buong kalamnan ko.

Hindi ko alam ang sasabihin! Parang ang sarap sa pakiramdam nung sinabi niyang mahal na mahal niya ako. Pero bakit ngaba niya nasabi yan?! Sincere ba siya o baka may ibang dahilan lang?!

Waaah oo nga Ayi wag kang maniwala siguradong wala lang yan!!! There's another story behind it. Woohoooo pero ang hirap huminga.

Kakalasin ko na sana ang kamay ko sa pagkakahawak ni Axi eh kaso mo nagulat ako nung hinawakan din ni Ray ang isang kamay ko!

At mukhang mag aaway pa ang dalawa kasi ang sama ng tingin nila sa isa't-isa! Anong nangyayari?!?!?!

"Halika na Ayi." Hintak ni Axi ang kamay kong hawak-hawak niya.

Pero hinigit naman ako ni Ray pabalik sa kanya! "Sakin siya sasama!"

Parang napipikon na si Axi nako patay tayo diyan baka mag-away talaga sila! Bwisit naman kasi wala ba sila na ibang paglilibangan bukod sa awayan?!

Hindi na ako makagalaw sa sobrang higpit ng pagkakahawak nila!

"Ano ba?! Pwede kung mag-aaway kayo wag niyo kong idamay?!" At winasiwas ko ang dalawa kong kamay. Natauhan naman sila sa ginawa ko.

Lumapit sakin ng bahagya si Ray. "So-sorry Ayi nasaktan ka ba?" Sabay tingin sa kamay ko.

As if ang bait-bait niya. Ewan ko ba matapos ng mga nakita at narinig ko kanina para bang hindi na siya ang Ray na nakilala ko. Parang nagbago sa isang iglap ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Sorry Ayi, sana hindi napahigpit ang pagkakahawak ko sayo."
Lumapit din si Axi sakin. At ito namang isang to bigla namang bumait! Ahhhhh nakakairita na silang dalawa!!!

"Okay lang ako kaya pwede ba lumayo muna kayo sakin!!! Konting katahimikan naman!"

Iniwanan ko silang dalawa na nakatayo.doon. Ang gulo na nga ng isipan ko ngayon dadagdagan pa ng mga ungas na to! Bahala kayo magbugbugan diyan!

AXI'S POV

This is what I am saying! Sira na ang plano kong pasayahin si Ayi dahil sa pesteng epal na to! Nakakainis!

"Ayos ka rin eh noh?"
Biglang nagsalita tong si Ray. Tinignan ko lang siya ng masama.

"Kung kailan ako nanliligaw kay Ayi saka ka naman dumidiskarte! Are you trying to compete with me? If that so please back off!"

Nanlilisik ang mga mata niya na siyang nagpainit sa dugo ko.

"Diba dapat ako ang magtanong sayo niyan?! Mas nauna ko siyang nakilala, mas nauna ko siyang minahal! Kaya wala kang karapatan para pigilan ako!"

"This is not about the first, this is all about the last!"

"Exactly! Then I will make sure that I will be also her last!"

"I'll never let that happened!"
Napayukom siya na parang nanggigigil na sakin.

Napangisi ako. "Well good luck!"

Hindi ko hahayaang mapunta sa iba ang babaeng minahal ko simula pa nung umpisa! Lalo na sa taong kagaya nito!

"AXI!"

Nabigla ako nung may tumawag sakin galing sa likod. At hindi ako maaaring magkamali, boses ni Ayi!

Oh shit narinig kaya niya? Did she heard everthing?!

Dahan-dahan akong humarap sa kanya na yung tipong sinasabi ko sa sarili na THIS IS IT. Ang panahon na mismo ang gumawa ng paraan para malaman niya ang totoo kong nararamdaman para sa kanya.

Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko nung makita ang mga ngiti niya. Ibig sabihin ba nito, she will give me a chance to prove my sincerity?

Lumapit ako sa kaniya. "A-ayi?"

Oh nauutal pa ako nakakabading to!

Tapos pagkasabi ko niyan she held her hand towards me while smiling ohhhhh this is really heaven!

I slowly grab her hand and look at her eyes.

"Anong ginagawa mo?"
Nagtatakang tanong niya sakin kaya parang natauhan ako.

"Huh anong ibig mong sabihin?"

"Ito oh? Anong drama to?" Sabay taas nung kamay niya na which is hawak-hawak ko.

"Narinig mo naman diba/"
Naputol ang sasabihin ko nung bigla siyang napabitaw sa kamay ko.

"Wala akong balak makipagbiruan sayo Axi kaya akin na."
Iniabot niya ang palad sakin.

Napakunot naman ako ng noo.

"Anong akin na?"

"HAY NAKO... AKIN NA ANG CELLPHONE KO!!!" Sabay hablot ng cellphone na hawak-hawak ko at nag walk out na naman!

So yon lang yon?! Akala ko ito na yung hinihintay ko! Bwisit talaga! Waaaaaahhh. Dahil lang pala sa cellphone!

"Hahaha Mr. Daydreamer hahahahaha."
Tawang-tawa naman tong si Raychan habang naglalakad papalayo. Anong Mr. Daydreamer ang pinagsasasabi niya?!

Napasampal ko ng mahina sa ulo.

Kainis naman! Para akong nabagsakan ng langit at lupa plus ng mga bulalakaw na may kasamang apoy!!!! Nakakahiya!

Continue Reading

You'll Also Like

37.7K 799 16
"There is no fear in love. But perfect love drives out fear, because fear has to do with punishment. The one who fears is not made perfect in love...
8.6K 1.4K 110
[COMPLETED] Edited Version: Our Seventeen (Ongoing) /story/187254349?utm_medium=link&utm_source=android&utm_content=story_info...
1.4K 316 51
Pano kung isang araw sa mismong special day mo ay malaman mo ang di inaasahang balita na ikakagimbal mo. Haharapin mo ba ito o magkukulong ka na lang...
7.8K 312 48
Love series#1 Iisang tao na mabubuhay sa dalawang katauhan, kailangan mo ng magising sa katotohanan, kailangan mong maibalik ang iyong nakaraan para...