抖阴社区

Chapter 5

265 16 0
                                    

Canary Octavia Alclaro

"Just stay there, wait for me. Magbibihis lang ako." Bilin ko sa kanya na ngumuso lang at komportableng umupo sa sofa.

"Behave." Pahabol ko pa bago tumalikod at maglakad papunta sa kwarto ko.

"Bahave? Ano ako? Bata?" Rinig ko pang reklamo n'ya kaya napangiti ako.

Tumuloy ako sa kwarto at saka naghanap ng komportableng damit. Humihinga ng malalim para maghanda sa matagal tagal na sabakan sa pag-harap sa napakataas na energy ng batang makulit sa labas.

"Can-can! Bilis na! Gutom na 'ko eh!" Napatawa ako ng mahina nang marinig ang sigaw nito mula sa labas.

Lumabas ako ng kwarto at nakita s'yang inililibot ang paningin habang nakanguso. Akala mo ay inosenteng bata na bago lang nakalabas ng bahay.

"Hungry?" Tanong ko at tumayo s'ya saka nakangusong lumapit sa 'kin.

"Yes, po." Mataray na nginiwian n'ya ako matapos sabihin iyon. Parang sinisisi ako dahil sa nararamdaman na gutom.

"Follow me." Nagsimula akong lumakad papunta sa kusina at tatalon talon naman s'yang sumunod.

"Wow naman, Pare! Bigatin ka talaga! Parang hindi nadadapuan ng alikabok miski itong basurahan mo! Iba ka talaga!" Manghang sambit n'ya matapos makita ang loob ng kusina.

Marahan pa n'yang pinadaan ang mga daliri sa bawat gilid ng counter. Napailing ako at napabuntong hininga.

Kung umakto s'ya ay parang ngayon lang nakakita ng ganito. Eh mas malaki at marangya pa nga ang bahay na tinitirahan n'ya kesa sa condo ko.

Naalala ko kung gaano ka-moderno at kaganda ang bahay nila. Sa gate pa lang ay mahahalata na ang estado ng buhay nila.

"Ang daming foods! Waaa!" Sabi n'ya ng buksan ko ang pantry kung saan naka stock ang mga pagkain na buwan buwan ko binibili.

"What do you wanna eat?" Tanong ko matapos humarap sa kanya na naglilibot sa kusina ko.

"Hmm? Ipagluluto mo 'ko?"

"Oo, anong gusto mo?"

Sa halip na sagutin ako ay gulat s'yang napaharap sa 'kin.

"Marunong ka magluto?"

"Malamang, tatanungin ba naman kita kung hindi ako marunong?" Nag cross ako ng mga braso nang makita kung paano s'ya bumungisngis.

Pwede naman s'yang tumawa ng hindi ganyan ka-cute.

Tsk!

"Sungit!"

"Ano nga ang gusto mo?" Pilit kong hinahabaan ang pasensya dahil wala naman akong magagawa kundi sundin s'ya.

"Hmm, chicken! Fried chicken please?" Nakangiti n'yang tanong at saka lumapit sa counter para ipatong ang dalawang siko at ilagay sa kamay ang chin n'ya.

Nagsimula akong mag luto habang s'ya ay hindi matigil sa pagdaldal sa likod ko. Kung ano anong kinuwe-kwento n'ya hanggang sa umabot ito sa pagiging bata n'ya. Akala ko nga pati ang pagkapanganak m'ya ay ikwekwento pa rin n'ya.

Gosh! I can't believe I'm letting her to make me do this. I haven't cook for someone in my whole life. Not until now. Never been called Pare until she does. I have never met a girl who would sulk in front of me not until I met her.

Tsk!

Pasalamat talaga s'ya at natutuwa ako sa kanya.

"Ano 'to?"

Napatingin ako sa kanya at nakitang may hawak s'yang transparent na garapon.

"It's a sourdough starter."

Nangunot ang noo n'ya at saka tumango tango. "Hmmm, pamilyar 'yang dough-dough na sour na 'yan." Pinigilan ko ang matawa sa sinabi n'ya. "Anong ingredients n'yan? Bakit nakaganyan lang at puno na?"

"It's a mixture of measured flour and water. I'm feeding it with the double measurements every 12 hours." Napatango tango s'ya at saka tinitigan ang garapon.

"It's alive." Muntik na n'ya mabitawan ang garapon kaya napalapit agad ako sa kanya na agad na maingat na hinawakan ng mariin ang garapon sabay dahan dahang ibinaba sa counter.

"Careful, baka mabasag at masugatan ka pa." Munti s'yang ngumiti sa 'kin at saka napailing. Alam ko'ng napansin na naman n'ya ang accent ko kaya uminit ang pisngi ko. "What I mean is, that starter is active, and that's good. Hinahalo 'yan sa harina na may saktong measurements at pati na rin ang tubig, to make a bread."

"Ahhh, akala ko ay buhay talaga 'yan at may kung anong uod." Sabi n'ya at parang kinikilabutan na niyakap ang sarili.

Nginiwian ko s'ya at saka umiling.

"Talagang nag med ka pa sa lagay na 'yan?"

"Eh... 'Yun ang gusto ko eh. Hehehe."

Matapos magluto ay inihain ko na sa kanya ang ulam pati na rin ang bagong lutong kanina.

Sinabayan ko na rin s'ya at kahit naman pala anong daldal n'ya ay natitigil din s'ya basta't may pagkain sa harap. Hindi matanggal ang ngiti sa labi n'ya at kulang naman ay pumalakpak ng mabusog.

"Waaa! Chakit ng t'yan ko, Can!" Reklamo n'ya habang hinihimas ang tiyan n'ya. Ikaw ba naman ang maka tatlong ulit ng kanin eh. Sinong hindi mabubusog duon?

Maliit na ngumiti lang ako sa kanya at saka nagsimulang magligpit.

Magsisimula na sana akong maghugas pero bigla n'ya akong marahan na itinabi at s'ya ang humarap sa mga plato.

"Ako na! Expert ako dito! Ako ba naman lagi nag-uurong sa 'min. Tsk! 'Yung mga kapatid ko, lagi daw sila nag-uurong kapag wala ako. Kaya sa gabi pagkatapos ng hapunan, ako ang in-charge." Ngiwi n'ya at saka nagsimulang mag hugas.

Napailing na lang ako at saka kumuha ng malinis na basahan para tuyuin ang mga platong nabanlawan na n'ya. Tinitigan ko s'ya at napansin kung gaano ka cute ang lahat ng galaw n'ya.

Parang bata.

Pati ang pagkuskos n'ya sa pinggan ay ramdam kong madiin. Parang lahat ng dumi ay gusto n'yang matanggal pati na rin ang mismong kulay ng plato.

Matapos maghugas ay binuksan ko ang cabinet na nasa taas. Tiningala ko ito at saka dinampot ang kulay pink na lunch box. Lihim akong natawa ng makita na naman ang pangalan na nakalagay dito.

"Oh, lunch box mo." Parang nagkaron ng kinang sa mga mata n'ya ng iabot ko iyon sa kanya.

"Thank you! Waaa! Namiss ko 'to! Ilang araw ka rin nawalay sa 'kin ah!" Pagkausap pa n'ya dito kaya napailing ako.

"Alam mo bang katabi ko pa 'to matulog?" Nanlaki ang mata ko ng sabihin n'ya iyon at saka napatingin sa kanya.

The fvck?

"Joke! Hehehe! Sino ba namang baliw ang magtatabi ng lunch box sa pagtulog?" Bigla n'yang bawi habang yakap yakap ito.

Ikaw, syempre.

"Sige na, ihatid mo na 'ko." Demanding na sabi nito sabay talikod kaya napaawang ang labi ko.

"Seriously, girl?" Mahinang tanong ko habang nakatingin sa papalayong likod n'ya at saka sumunod.

"Can-can, gusto ko sa susunod ipag-luto mo 'ko ng carbonara." Dagdag na sabi n'ya pagkatapos sumakay sa kotse ko.

At nag-request pa!

Ang tibay!

Towards Better Things (Month Series #2)Where stories live. Discover now