抖阴社区

Chapter 52

144 6 1
                                    

Canary Octavia Alclaro

Nagising ako dahil sa magkakasunod na tunog ng makina sa tabi ko. Agad kong nakita ang ilang aparato na nakakabit sa 'kin.

Nahihilo pa ako at hindi rin masyado makagalaw dahil sa mga nakaturok sa katawan ko.

Napansin kong nakakahinga na ako ng maluwag dahil sa suot na oxygen mask. Nanghihina man ay pinilit kong iminulat ang nata ko dahil gusto kong makasiguro kung maayos lang ba ang girlfriend ko.

Hindi pa man ako nakakagalaw ay may narinig na agad akong pamilyar na boses.

Si Silas.

Ang pagbangon ko ay hindi ko nagawa dahil sa narinig.

"Doc, wala na po ba talagang paraan?" Nangunot ang noo ko.

Anong paraan? For what?

Huminga ako ng malalim at saka mariin na pumikit.

"Silas, dati pa man ay sinabi ko na ito sa 'yo. Your daughter's sick, at pwedeng bumalik ang leukemia n'ya any time... I'm sorry, Silas. But, let me ask you this, do you notice any signs? Like, bleeding or having bruises easily? We already did several treatments about this problem, for years, Silas. You know that."

Bigla ay parang nanlamig ang buong katawan ko. Hindi ko alam ang susunod na gagawin. Basta ay nakinig na lang ako sa pinag uusapan ng dalawa.

Hindi malaman kung anong magiging emosyon.

"Nito na lang ulit kami nagkasama, dahil matagal kaming hindi nakapag kita. M-mukhang maayos naman s'ya sa mga nagdaang araw, maayos naman ang p-pamumuhay n'ya kaya..." Narinig ko ang pag hinga ng malalim ni Silas. Hindi nito matuloy ang sasabihin.

"I'm sorry, but all we can do about it right now is for her to go through treatment again. Leukemia is not curable right now, Silas... And if we don't get things in place this early, I'm sorry. But it will only take months for your daughter to..."

Bigla ay para akong nabingi. Napakatinis na tunog na lang ang naririnig ko na dinagdagan pa ng nakakarinding tunog ng makina sa tabi ko.

Ang unang pumasok agad sa isip ko ay si Yohan.

Paano na si Yohan? Iiwan ko na naman ba s'ya?

Habang iniisip ang nakangiti at magandang mukha ng girlfriend ko ay parang nagkaroon ako ng lakas tumayo. Mabagal na inalis ko lahat ng mga nakatusok sa balat ko.

Pati ang oxygen mask na gumagabay sa pag hinga ko at inis kong ibinato.

Gusto kong malaman kung nasaan si Yohan. Kung okay lang ba s'ya. Kung ano ng ginagawa n'ya ngayon.

Agad silang napatingin sa 'kin. Parang alam agad nila na narinig ko ang usapan nila. Natahimik ang buong kwarto at tunog na lang ng makina ang maririnig. Nanatili silang may naaawang mata na tumitig sa 'kin.

What?!

I don't fvcking need that look. I just need my girlfriend...

Kunot ang noo na ibinaba ko ang mga binti. Nagtaka ako dahil hindi ko man lang maayos na maigalaw ang mga ito.

Sa ginawang iyon ay parang hingal na hingal agad ako.

Pilit akong gumalaw at akmang bababa ng maramdaman ang panghihina ng paa ko. Bigla ay binalot ako ng inis at basta na lang hinugot ang swero ko at saka ito hinila bago ibato.

"Fvck it!"

I can't help but to yell out of my frustrations. I can't even properly move my legs. I can't barely feel my feet.

Towards Better Things (Month Series #2)Where stories live. Discover now