Canary Octavia Alclaro
Dahan dahan ay iminulat ko ang mata. Pilit na binabalewala ang sakit ng tama sa ulo ko. Ramdam ko ang bigat ng katawan ko at medyo nahihirapan na rin ako sa pag hinga.
Kahit na nanghihina ay bumangon ako dahil nag aalala ako kay Yohan. Inilibot ko ang paningin at nakita si Yohan na nasa tabi ko. Umiiyak ito habang nakatingin sa 'kin.
Bigla ay para akong nagkaroon ng lakas para gumalaw. Agad akong umupo at pinunasan ang mukha n'ya. Humihikbi na yumakap s'ya sa 'kin habang marahan ko namang pinupunasan ang pisngi n'yang basa ng luha at may mga talsik ng dugo.
"Can-can ko..." Parang nanakit ang dibdib ko dahil ramdam ko ang bigat at sakit sa boses n'ya. Agad ko s'yang niyakap ng mahigpit at saka tumingin sa paligid.
Puro mga lalaking nakahandusay ang nasa sahig. May ilang baril rin na naiwan.
Tumingin ako sa unahan matapos makarinig ng tunog. Nadatnan ko ang tatay ni Doktora na nakaupo at pinapanood kaming dalawa.
Agad kong niyakap ng mahigit si Yohan at saka s'ya pinatingala sa 'kin. Tinitigan ko ang naluluha n'yang mata at nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko dahil dito.
Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko sa pinagdadaanan n'ya ngayon. Noon ay kuntento na ako sa pag bantay sa kanya. Hindi ko inaasahan na ganito ang magiging kapalit ng muli kong paglapit.
"Baby... I need you to trust me, okay?" Bulong ko habang marahang inaayos ang buhok n'ya. Lumuluha s'yang tumango tango kaya hindi ko napigilan na halikan ang noo n'ya.
"I'm sorry, Yohan..." Emosyonal kong bulong at saka bahagyang lumayo sa kanya.
Nakangiti s'yang umiling at saka tumingkayad at mabilis na hinalikan ako sa labi.
"I love you, Can-can..." Bahagya akong napatitig sa kanya bago ngumiti at tumango.
"I love you, too, Baby." Marahan ko s'yang inilagay sa likod ko at saka seryosong humarap kay Mr. Vargas.
Nakapan de-kwatro ito at naiiling na pinapanood kami. Kita ang disgusto sa mata n'ya kaya napaismid ako.
"Hindi ko inaasahan na, sa babae ka pala papatol, Iha. Ang mga kabataan nga naman ngayon, wala na sa ayos ang pag iisip." Iiling iling n'yang sabi kaya ngumisi ako.
"Hindi ko rin inaasahan na ang hinahangaan nilang matapang at tapat na pulis ay isa palang manloloko." Ismid ko sa kanya at ngumisi. "Bakit pa nga ba ako nag tataka? Sa mukha mo pa lang ay kita na ang sagot."
Kita ko ang pagdaan ng inis sa mukha nito bago ito tumayo at marahang lumakad palapit sa 'min. Ramdam ko ang pag hipit ng kapit ni Yohan sa gilid ng damit ko kaya hinawakan ko iyon at marahang hinimas.
"Kung ako ang magulang mo? Hindi ko kakayanin ang nakikita ko ngayon... Babae at babae? Ha! Anong maibibigay n'yo sa isa't isa? Wala! Kung magiging ganyan ang anak ko, mas mabutin pang tumakas na lang ako kesa harapin ang kahihiyang dala n'ya. Hindi ako nag anak para lang pumatop s'ya sa sarili n'yang kasarian."
Mas lalo akong napangisi sa sinabi nito. Tingin ko ay si Doktora ang tinutukoy n'ya dahil wala na naman s'yang ibang anak na babae kundi si Doktora lang.
Napailing ako at natatawang tumingin sa kanya.
"Edi tumakas ka na ngayon..." Ngisi ko pa at kumunot naman agad ang noo n'ya. Halatang hindi naintindihan ang ibig kong sabihin.
Bobo talaga.
"At sa tingin mo ay gugustuhin kong magkaroon ng ama na katulad mo? Ano ako? Tanga?" Ismid ko dito at saka pasimpleng kinapa ang bewang ko. Tinitignan kung may baril pa ba akong mailalabas.

YOU ARE READING
Towards Better Things (Month Series #2)
RomanceLiving alone for the past years of her existence. She doesn't care what would happen to her next.All she wanna do is to mess around for she thinks she doesn't have even the slightest purpose in the world she lives in. Canary Octavia Alclaro spent al...