Canary Octavia Alclaro
"Jusko! Ano't basang basa kayong dalawa?! Gusto n'yo bang magkasakit? Hala, pasok!" Agad na dumalo ang Mommy ni Yohan sa 'min kasama ang ilang katulong bago pa man kami makapasok sa pinto.
Kunot ang noo nito at animong alalang alala habang hindi malaman kung hahawakan kaming dalawa o pupunta kung saan.
Hinawakan ko ng mariin ang uniform kong sinuot ko bago lumabas ng sasakyan para labanan ang lamig ng hangin.
Agad naman kaming inabutan ng isang matandang babae ng tuwalyang puti. Ibinalot ko ito sa katawan habang nakatingin lang sa mag-ina.
"Manang? Pakihanda ang guest room please. Yohan Baby, pumunta ka na sa kwarto mo at mag ayos, pahiramin mo muna ng damit si Baby C." Aligagang sabi pa nito at saka ako binalingan.
"At ikaw naman Anak... I'll accompany you to the guest room, Okay? Let's go." Inalalayan pa ako nito sa balikat at saka sinamahan sa taas kung nasaan ang guest room.
Napalingon pa ako kay Yohan na kasabay namin pag taas at ngingiti ngiti pa.
Napailing ako ng palihim at saka sumunod sa Mommy nila.
Purong puti ang loob ng kwarto at halatang alagang alaga. Beige ang kulay ng bed sheet at may malaking sofa na nasa harap nitong kama na nakaharap naman sa malaking TV.
Mahaba at makapal ang kurtina na kulay beige at may malambot na carpet sa gitna.
Binuksan ng Mrs. Fernandez ang isang puting pinto at bumungan ang magarang comfort room. May malinis at puting puti na sink. May cabinet sa baba at taas nito.
May isang parte na naka glass wall at sa loob nito ay may malaking shower. Sa isang gilid naman ay may malaking bathtub na pinaliligiran ng kulay ginto lines sa bawat kanto.
Binuksan ni Ginang ang itaas na cabinet at bumungad ang naglalakihang bote ng mga shampoo at conditioner pati na rin body wash.
Sa gilid naman ng sink ay may mga naka hanger na ilang puting bathrobe.
"Here, Baby C. Maligo ka na ha? Baka magkasakit ka pa. Ilalagay ko na lang sa kama ang mga damit na ibibigay ni Yohan, okay?" Nakangiti nitong sabi kaya agad akong tumango.
"Salamat ho..."
"Naku! Okay lang, ano ka ba."
Lumabas s'ya matapos maibigay sa 'kin ang lahat na mga gagamitin ko.
Hinubad ko ang lahat ng damit at saka pumunta sa tapat ng shower. Nakapikit na inihawak ko ang dalawang kamay sa pader at saka ilang beses na lumunok.
Kunot noong inaalala ang takot na mukha ni Yohan kanina.
Inihilamos ko ang kamay sa mukha at saka sinuklay pataas ang buhok. Mabigat ang paghinga habang dinadama ang maligamgam na inilalabas ng shower.
Matapos maligo ay tumitig ako sa sarili sa harap ng salamin. Tinititigan ang mga peklat sa dibdib ko. Napanguso ako ng maliit habang iniisip kung anong magiging reaksyon ni Yohan kapag nakita n'ya ang mga ito.
Baka mandiri s'ya dahil marami at may pagkamalalim ang iba. Napabuntong hininga ako at saka pinadaan ang daliri sa bawat peklat.
Hindi naman ako nag-sisisi na ganito ang nangyari sa dibdib ko. Parte na ito ng pagkatao ko.
At isa ito sa dahilan kung bakit nakatayo pa aio ngayon sa harap ng salamin. Kung wala nito, baka nabaliw na 'ko.
Napangisi ako at napailing.
Bakit ko nga ba iniisip ang magiging reaksyon ni Yohan tungkol dito?
Bakit Canary? May plano kang ipakita ang dibdib mo kay Kulit?

YOU ARE READING
Towards Better Things (Month Series #2)
RomanceLiving alone for the past years of her existence. She doesn't care what would happen to her next.All she wanna do is to mess around for she thinks she doesn't have even the slightest purpose in the world she lives in. Canary Octavia Alclaro spent al...