抖阴社区

Chapter 6

256 16 3
                                    

Canary Octavia Alclaro

"Ate, may putok po ba kayo?" Gulat akong napatingin sa makulit na babaeng katabi ko. "I mean, nagtitinda po ba kayo ng putok?" Pilit ko'ng pinipigilan ang tawa ko habang nakatingin sa mga nakadisplay na tinapay sa harap.

"Gaga ka, Teh. Ayusin mo kasi tanong mo." Sambit ng kaibigan n'ya.

"Ang ibig ko kasing sabihin, ay kung may putok ba s'ya?" Napapikit ako sa sinabi n'ya at saka huminga ng malalim. "Na tinda." Agad na dagdag n'ya at saka ngumiti ng inosente sa babaeng parang nailang bigla.

"Ang ibig ko sabihin—" napatigil s'ya at saka inis na napakamot sa pisngi.

"Sige, kaya mo 'yan."

"Kung may tinapay ba sila. Na tinda. Putok na may tinapay. I mean, tinapay na may putok." Putol putol na sabi n'ya habang parang iniisip kung tama ba ang sinabi. "Put—" Napahilamos s'ya at saka parang naiinis na tinignan ang mga tinapay. "Basta!"

"She's just asking for the bread that is usually called putok." I uttered, looking at the girl who seems to feel so uncomfortable.

"Iyon, oo, tama ka. Tinapay na may putok." Muli na naman akong napangiti ng maliit sa sinabi n'ya.

"Ang pangit pakinggan, Gaga." Asar sa kanya ng kaibigan.

"Bakit? Tatawagin ba 'yon na putok, kung walang putok?" Nakangusong sabi n'ya kaya muli ko'ng pinigilan ang ngiti.

"Ha?!" React naman ng kaibigan n'ya.

"Bahala ka sa buhay mo, leche ka." Sagot naman n'ya kaya pasimple akong napailing dahil nagsisimula na naman silang mag-asaran.

"Yes po, meron. Hehehe." Napatingin kami sa tindera nang magsalita ito. Una n'yang inasikaso si Kulit at sumunod naman ako. I chose to buy the sliced bread that I usually get everytime.

Pagkatalikod ko ay nasa harapan ko na ang magkaibigan at parehong pinapalagay sa bag nila ang tinapay ng isa't isa.

"Ang galing, Ate. Paano nila nalaman na may putok ka?" Napanganga ako sa narinig mula sa likod ko, boses ito ng batang kasama ng tindera sa bakery. Sa halip na lumingon ay itinutok ko ang paningin sa magkaibigan. Natigil si Agi sa paglalagay ng tinapay ni Kulit sa bag at bigla silang nagkatinginan. Halatang narinig din ang sinabi ng bata.

Nahulog pa ang plastic ng tinapay sa sahig kaya napabuntong hininga ako at saka ito dinampot nang makalapit sa kanila at saka ito marahang nilagay ng maayos sa bag ni Kulit. Sinigurado ko'ng sarado ito bago sila talikuran.

Nakaupo ako ngayon habang inililibot ang paningin sa mga pasyenteng dumadaan. May mga matatandang naka-wheel chair. May ibang bata na may cast sa braso man o sa binti. Ang iba naman ay halatang dumadalaw lang.

Tumayo ako at ipinatong sa front desk ang na-fill up-an na information sheet ng lalaki kanina na dala ang kanya kaibigan.

Dala ang clip board na naglakad ako habang pinapanood ang ibang pasyente na pilit naglalakad kahit may cast ang isang binti. Ang iba namang kagaya ko ay malugod na tinutulungan ang mga ito.

Napangiwi ako at saka nagpatuloy sa paglalakad.

"Can!" Nangibabaw ang boses ng tumawag sa 'kin mula sa likod.

And who could that be? None other than, Yohan.

Bumuntong hininga ako at saka humarap sa kanya. Nakangiti itong nagtatalon papunta sa 'kin habang humihingi ng paumanhin sa mga matatandang nagulat sa pag-tawag n'ya.

"Sorry po, Lolo, Lola. Hehehe. Na-carried away lang." Ngiti n'ya sa mga ito. Bago pa man s'ya makalapit ay tinulungan muna n'ya ang matandang hindi maigalaw ng maayos ang wheel chair n'ya. Nakangiti silang tumango matapos iyon magawa at saka nagpatuloy sa paglapit sa 'kin.

Nag cross ako ng mga braso habang may nakatagong ngiti sa labi.

Ba't mo tinago?

Kasi ayaw ko ilabas.

Napangiwi ako ng magsimula na naman akong kausapin ang sarili. Ewan ko ba. Pati isip ko ay nakaka-kontrahan ko na.

Masyado kasing nakaka-wala sa wisyo ang ka-cutan nitong babaeng 'to.

"What?" Tanong ko ng makalapit s'ya.

Masigla n'yang inilagay sa harap ko ang pamilyar at kulay pink na lunch box na bitbit n'ya kanina pa. Tinignan ko kung may pangalan sa labas ang takip at ng makumpirma ay napangiti ako ng maliit.

"For you! Sabay tayong mag lunch mamaya." Napangiwi ako at napatango tango.

Desisyon talaga.

Napangiti ako ng palihim.

"Gawa 'yan ng Mommy ko. Masarap 'yan. Kainin mo mamaya."

"Bakit?"

"Anong bakit?" Tanong n'ya sa 'kin.

"Bakit mo ulit ako binibigyan n'yan? Isinoli ko na 'yan diba?"

"Wala lang! Gusto ko lang! Basta! Kainin mo na lang. Ang daming tanong eh." Isang tanong pa lang ang ginagawa ko ay naiinis na s'ya.

Paano pa kaya kung ang kakulitan n'ya ang gayahin ko at ipakita sa kanya. Baka mabaliw s'ya. Tsk.

Kinuha ko ang lunch box na nakapag palaki ng ngiti n'ya?

"Saka ano pa lang ginagawa mo dito? Kanina lang, nakita kita duon sa kabila ah? Hinahanap na pati tayo ni Doktora." Bago pa man makasagot ay biglang may humawak ng braso ko at saka pumulupot duon. Agad akong napa-atras at saka napatingin sa kung sino man iyon.

"Mazy?" Nakataas ang kilay na tanong ni Yohan at saka napatingin sa braso kong hawak ng babae. Dali dali ko itong tinanggal at saka napa-urong papunta kay Yohan.

"Hi! Anong ginagawa n'yo dito?" May ngiti sa labi na tanong nito habang palipat lipat ang tingin sa 'min ni Yohan.

"Ah! Wala lang, pabalik na nga kami kay Doktora eh." Sagot naman ni Yohan.

"Ah... Ganon ba? By the way Can-can. Can I invite you for a lunch?" Napakunot ang noo ko sa sinabi at itinawag n'ya sa 'kin.

Close ba kami?

"Mazy, hindi Can-can ang pangalan n'ya. Canary, C-A-N-A-R-Y." May ngiti namang sabi ni Yohan sabay sukbit ng kamay nya sa braso ko.

"Yeah, I just wanna call her that way. It's her nickname right? I heard you called her Can-can yesterday." Nalilito pa itong ngumiti bago dumikit sa 'kin kaya pilit kong hinabaan ang pasensya ko.

Nangunot ang noo ko sabay tingin kay Yohan. Nakasimangot ito ngunit agad ngumiti ng tignan s'ya ng babae.

"Ayaw mo ba ng tinatawag na Can-can?" Natatawang tanong pa nito at akmang isusukbit din ang kamay n'ya sa braso ko ng pasimple akong hilahin ni Yohan. Na ipinagpasalamat ko dahil kung ako ang gagawa ng aksyon ay baka naitulak ko na ang babaeng ito.

Lintik! Masyadong feeling close! Kahapon ko nga lang nalaman na nag-eexist pala s'ya!

"Ayoko." Sagot ko sa tanong n'ya.

"But I wanna call you that. It's cute. Can I? Please?" Pa-cute na sabi pa nito.

Ano bang akala n'ya? Na nakakatuwa s'ya? Hindi! Nakaka init s'ya ng ulo. Konti na lang, tatamaan na sa 'kin 'tong babaeng 'to eh.

"Ayoko." Mas mariin na sabi ko kaya parang naiilang s'yang nag-iwas ng tingin.

"O-oh... By the way, don't forget about our lunch, okay?" Tumingin pa ito kay Yohan at saka sabay silang ngumiti ng malaki sa isa't isa.

"See you!" Pahabol pa nito at saka nagmamadaling naglakad palayo.

"F-ck you."

Napatingin ako kay Yohan ng sabihin n'ya iyon habang seryosong nakatanaw sa papalayong babae.

Grabe, katakot naman ang cute na makulit na 'to.

Towards Better Things (Month Series #2)Where stories live. Discover now