Canary Octavia Alclaro
"Canary!" Nagulat ako matapos biglang hawakan ni Agi ang kabilang braso ko. Naglalakad kaming tatlo ngayon sa parking lot para pumasok sa klase namin.
Bigla ay hinila ako ni Yohan palapit sa kanya at saka hinarap si Agi na may kunwaring malungkot na mukha.
"Hoy, Akin lang s'ya, Agi." Mariing sabi nito habang inilalagay ako sa likod n'ya.
Kunot noo naman akong nakatitig sa dalawa na nagsasamaan na ng tingin ngayon.
"Akin s'ya Yohan. May anak na kami!" Gigil na sagot ni Agi sabay turo sa 'kin na ikinalaki ng mata ko.
What the?!
Anong nangyayari? Anong anak? Ano na namang trip nitong dalawang 'to?
"Wait—" Naputol ang pagsasalita ko dahil bigla akong sinamaan ng tingin ni Yohan.
"Hindi ako makapaniwala na pinatulan mo s'ya, Can! Hindi na kita kilala! Hindi na ikaw ang Canary na pinakasalan ko!" Animong naiiyak na pinaghahampas ni Yohan ng mahina ang dibdib ko kaya dali dali ko s'yang pinigilan.
Kasal? Anong kasal eh hindi pa naman kami kinakasal.
"Kahit anong gawin mo, hindi na mababago nun na iniwan ka ni Canary, Yohan." Tila nang-aasar na sabi naman ni Agi kaya biglang natigil si Yohan sa paghampas sa 'kin.
What's happening?
Ang naaalala ko ay mapayapa kaming naglalakad. Bakit biglang naging ganito at napunta sa pagtatarayan ng dalawa ang tahimik na pagpasok namin?
"At kahit ano ring gawin mo, hindi mababago nun na ako ang asawa." Hinihingal na sagot ni Yohan sa kaibigan at saka ako binalingan.
"Bakit Can? Bakit?" Bigla n'yang pinaghahampas ulit ang dibdib ko. "Minahal kita! Minahal kita ng totoo! Bakit naging ganito? Minahal kita Canary!" Sigaw n'ya habang patuloy ang paghampas sa dibdib ko.
Malungkot ang mukha nito at kada galaw ng katawan n'ya ay sumasabay ang pag-alog ng pisngi.
"Hey—" Hinawakan ko agad ang dalawa n'yang kamay at saka ito marahan na hinimas. "Hey... Stop, you might get hurt." Malambot ang boses na sabi ko at saka patuloy na hinimas ang mga palad n'ya.
Bigla s'yang napatulala sa 'kin at maya-maya ay napanguso.
"Itong si Can-can, panira ng moment. Feel ko pa naman umarte ngayon." Reklamo n'ya kaya nangunot ang noo ko.
Napatingin ako kay Agi na tatawa tawa sa gilid namin.
"Ano bang nangyayari? Bakit? Anong meron?" Kunot noong tanong ko kaya lalong napatawa si Agi na may paghampas pa sa tuhod n'ya.
"Seryoso ka ba, Can-can? Hindi ka ba nanonood ng mga movies man lang?"
"I don't have time for that. I used to spend my free time in bed, kesa manood ng kung ano ano ay itinutulog ko na lang." Nakangiwi naman s'yang tumango at napatingin sa likod ko.
"Doktora!" Bigla ay kumaway ito sa likod ko kaya napatingin ako dito.
Nakita namin sina Doktora at Mazy na papalapit habang palipat lipat ang tingin sa 'ming tatlo.
"What?" Litong tanong ng doktor kay Yohan na nakangiti lang.
"Hi, guys! Anong nangyayari?" Nakangiting tanong ni Mazy sabay tango sa 'kin. Bigla ay lumapit sa 'kin si Yohan at saka sumiksik sa gilid ko.
"Hi, Canary..." Malambot na bati ulit ni Mazy at saka lumapit sa 'kin. Sinusulyapan si Yohan na kunot noong nakatingin sa kanya.
"Hello, Yohan." Bati n'ya pa sa isa at saka kumapit sa braso ko kaya tinaliman ko s'ya ng tingin.

YOU ARE READING
Towards Better Things (Month Series #2)
RomanceLiving alone for the past years of her existence. She doesn't care what would happen to her next.All she wanna do is to mess around for she thinks she doesn't have even the slightest purpose in the world she lives in. Canary Octavia Alclaro spent al...