抖阴社区

Chapter 18

162 16 1
                                    

Canary Octavia Alclaro

"Kayo ba ni Yohan? Feeling ko kasi mas something talaga sa inyo eh." Tanong pa ni Mazy habang papunta kami sa coffee shop kung saan namin kikitain si September.

"Wala ka na dun."

"Ang sungit mo ah! Buti na lang bagay sayo ang pagtataray! Nagtatanong lang naman eh." Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy na lang sa pagda-drive. "Alam mo kasi, naging crush ko si Yohan kaya interesa—"

Nangunot ang noo ko at bago pa n'ya matapos ang sasabihin ay agad na akong nagpreno.

"Baba," Nilingon ko ito at nakita na nanlalaki ang mata n'ya sa gulat. "Baba sabi eh."

"A-ano? Bakit ba?! Ang lapit lapit na natin sa pupuntahan eh!"

"Kaya nga maglakad ka na lang kasi kaya mo naman. Hindi ko nga alam kung bakit pa kita sinabay eh." Ismid ko dito at nakaawang naman ang labi na tumitig s'ya sa 'kin.

"Bakit ba? Dahil ba sa sinabi ko? Ano ka ba! Dati na yun, medyo crush—" Agad n'yang naputol ang sasabihin ng lingunin ko s'ya. "I mean, hindi ko na s'ya crush. Ang totoo ay kaya ako lumalapit sayo para magpatulong..." Parang nahihiya pa s'ya na tumigil sa pagsasalita at saka mahinang tumawa.

"Para mag patulong mapalapit kay, Agi." Mahina n'yang pagtutuloy. Hindi ko man pinakita ay nagulat ako sa narinig. Ang totoo ay ayoko ng ganito. Ayoko ng may nagpapatulong sa 'kin para lang mapalapit sila sa isang tao.

Dahil nirerespeto ko si Agi bilang kaibigan at bilang aware rin ako sa feelings n'ya para kay Doktora.

Ayoko namang mapilitan s'yang i-entertain ang isang tao kahit hindi naman n'ya gusto dahil lang ipinaglapit ko silang dalawa.

"Ayoko..."

"Ha? Bakit? Tsk! Ikaw na nga lang nilapitan ko dahil si Yohan ay alam kong medyo iwas sa 'kin. Ewan ko nga kung bakit parang naiinis o naiilang s'ya eh."

Ipinagpatuloy ko na lang ang pagda-drive habag napapailing.

Masyado ka kasing madikit.

"Buti na lang naging crush ko s'ya, kaya hinahayaan ko lang s'yang maging masungit." Bigla ay parang narealize n'ya ang nasabi at saka dahan dahan napatingin sa 'kin.

Parang abno.

Itinigil ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada at saka s'ya binalingan.

"Baba."

"Eto naman! Kaya nga naging eh! Dati pa 'yun."

"What?"

"Ayoko bumaba! Magpapasundo naman ako kay Atheina eh!"

Tama 'yan, magsama kayo ng pinsan mo. Pareho kayong abnormal.

"Baba na sabi eh."

"Ayoko nga!"

Inis ko s'yang tinignan at saka binuksan ang pinto ng seat ko.

"Edi wag, lintek ka! D'yan ka lang ah? Pag bumaba ka, may kaltok ka sa 'kin." Inis na sinarado ko ang pinto at nagsimulang maglakad papasok sa coffee shop.

"Wait lang!"

Nakakunot ang noo na naglakad ako papasok sa coffee shop at nagtatatakbong sumunod naman sa 'kin si Mazy.

Agad na natagpuan ng mata ko ang dalawa na nakaupo ng magkatabi sa apatan na seat. Mukhang batang humihigop ang dalawan ng shake nila habang nag-uusap. Napatingin naman ako sa dalawang cup na nasa harap ng dalawang upuan na kaharap nila.

"Gusto ko ng pizza." Inosenteng tumingin si Heal kay September na nakasandal at nakatingin sa kanya.

"Ang gulo mo naman. Saan mo ba talaga gusto? Sabi mo gusto mo ng shake kaya dito tayo nakipag kita. Ngayon naman ay pizza?" Sa tono ng boses ng babae ay alam kong kunot na ang noo nito.

"Um-order ka na. Meron naman sila sa menu nila ng pizza." Isinenyas pa n'ya ang counter ngunit umiling ang lalaki.

"Ayoko, gusto ko sa yellow cab." Napa-awang ang labi ko sa sinabi nito.

"Bahala ka nga, daig mo pa babaeng nireregla." Napangiti ako sa sagot ni Ember. Ang haba ng pasensya, nakakamangha.

Inilibot ni Ember ang paningin at agad na nahanap ako nito na nakatayo malapit sa kanila. Agad itong tumayo at hinintay kaming makalapit at saka kami tinanguan.

Halos ilang oras din ang naging pag-uusap namin. Seryoso at talagang puno ng impormasyon ang naging usapan.

Ayon kay Mazy ay bigla na lang daw naging mailap sa kanilang barkada si Hazer.

Hindi na daw ito sumasama sa kung anong gala nila at hanggang sa nalaman na lang nila na wala na ito.

Sinusubukan daw nila itong tanungin kung anong problema ngunit pilit itong umiiwas at hindi na sila pinapansin.

Pero ang sinabi ni Mazy na sa huli ay talagang nakuha ang interes ko.

Bago pa daw mawala si Hazer ay s'ya daw ang nilapitan nito para kausapin.

Sinabi nito sa kanya na hanapin at ingatan ang kapatid n'ya na si Heal. Napansin ko ag pag ngiwi ni September matapos itong marinig na ikinangisi ko.

Tinanong n'ya daw ito kung bakit pero isa lang ang sinabi nito na s'yang nakapagpa-isip sa 'kin.

"Serviono, iyan lang ang sinagot n'ya. Bukod duon ay wala na dahil hindi ko na s'ya nakausap."

Matapos makabalik sa hospital ay nag stay muna ako sa kotse at bumaba naman na si Mazy para pumasok sa loob.

May isang oras pa naman para sa lunch kaya pwede pa akong magpahinga dito.

"Agi..." Palihim akong sumilip sa side mirror ng kotse nang marinig ang pamilyar na boses malapit sa 'kin.

"Did I just get bread crumbed?" Nangunot ang noo ko.

"Oh nag-assumed lang ako?"

What?

Nakita ko si Yohan na agad na yumakap sa kaibigan na sinuklian naman s'ya ng tapik sa likod.

"Bakit? Anong nangyari?"

"Si Canary kasi, lagi na n'yang kasama s-si Mazy. H-hindi na n'ya ko kinakausap..."

Narinig ko pa itong humikbi kaya napahigpit ang pagkakakuyom ng kamao ko.

Fvck, Canary! You made her cry!

Tsk! Kung hindi lang dahil sa kaligtasan mo, sasabihin ko lahat para mapanatag ang loob mo. But it's risky.

And I'm not gonna risk your safety.

"Na-nakita ko sina Canary at Mazy... M-mag kasama sila... M-mukhang komportable na sila sa isa't isa... Tapos... Sa 'kin, umiiwas s'ya." Pagpapatuloy nito sa pagsasalita, putol putol kada hihikbi s'ya kaya napasandal ako habang nakapikit.

"Mas gusto n'ya sa sinigang..." Mahaba at nagmamaktol nitong sabi kaya napakunot ang noo ko.

Anong kinalaman ng sinigang, Yohan?

"Ha?"

"Sinigang! Buto buto na nga! Maasim pa!" Napasapo ako sa noo ko matapos marinig ang sigaw n'ya.

Gosh! Yohan! Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga lumalabas sa bibig mo.

Towards Better Things (Month Series #2)Where stories live. Discover now