Canary Octavia Alclaro
Hapon na ng matapos kami sa klase at astang sasakay na sa sasakyan ng marinig namin ang malakas na ulan. Kala pala makulimlim at malamig ang hangin dahil sa paparating na ulan.
Agad kong nilagay ang bag ko sa loob ng sasakyan at papasok na sana ngunit biglang isinarado ni Yohan ang pinto sa kabila.
Nakita ko itong ngiting ngiti habang nakatingin sa 'kin. Iginagalaw galaw pa nito ang kilay at saka biglang hinila si Agi na papasok na sana sa kotse n'ya.
"Aray! Ano bang trip mo?!" Naiinis na inaalis ng kaibigan n'ya ang hawak ngunit sadyang mahigpit ito.
"Ligo tayo..." Tuwang tuwa pa nitong sabi sa 'ming dalawa. Kulang na lang ay tumalon talon ito sa tuwa.
"Yohan, alam naman naming hindi ka sanay maligo kaya wag ka na mag panggap." Tinapik pa ni Agi ang braso nito habang may mukhang parang umiintindi.
"Gaga ka ah!" Agad na reklamo ni Yohan sabay ismid dito.
"Dali na kasi! Ligo na tayo!" Pamimilit pa nito at saka hinila palapit sa 'kin ang kaibigan.
"Baka magkasakit ka." Seryosong sabi ko kaya agad s'yang umiling.
"Hindi! Hindi naman ako sakitin eh, hehehe." Tumango tango pa ito na parang kinukumbinsi ako.
"Sige na... Gusto ko maligo eh."
"Edi maligo ka pag-uwi." Ismid sa kanya ng kaibigan.
"Alam mo? Napaghahalataan na hindi ka naliligo eh 'no? Takot na takot sa tubig!"
"Are you sure you're not gonna get sick after this?" Paniniguro ko sa kanya kaya agad s'yang tumango.
"Okay, sige..." Sagot ko matapos bumuntong hininga. Agad itong nagtatalon sa tuwa at saka ako hinila. Hila hila n'ya kaming dalawa ni Agi sa magkabilang gilid n'ya palabas ng parking lot kung saan napakalakas ng ulan.
"Teka? Bakit pati ako—" Hindi na natuloy ang pagrereklamo ng kaibigan dahil agad na kaming nabasa.
Ang malamig na hangin na sinasabayan ng bawat patak ng ulan ay talagang nagpataas ng balahibo ko. Napapapikit pa ako kapag may tumutulong tubig sa mukha ko pati na sa mata.
Ang lamig na bumabalot sa katawan ko ay tila biglang nawala ng makita si Yohan na tuwang tuwa at nagtatatalon sa ilalim ng malakas na ulan. Umiikot ikot pa ito at hindi matanggal ang ngiti sa labi.
Dahil sa tubig na yumayakap sa katawan ay naging hapit sa kanya ang puting uniporme at talagang nabigyang diin ang magandang korte ng katawan.
Ang ilang hibla ng buhok n'ya ay dumidikit na sa balikat at ilang parte ng mukha n'ya sa kalikutan.
"Hanglamig! Ahhhh!" Sigaw pa nito habang nagtatatalon kasabay si Agi. Magkahawak pa ang kamay ng dalawa habang tumatalon palapit sa 'kin.
Agad akong hinawakan ng dalawa kaya tatlo na kaming nakabilog ngayon.
"Ang... Sarap maligo!" Tila nanginginig pa na sabi ni Agi habang hind matigil sa pagtalon.
Nagpa-ikot ikot kaming tatlo base sa gusto ng dalawa kaya wala akong nagawa kundi sumabay.
Ano mang lamig ng paligid ay hindi nito matatalo kung gaano kalambing at kainit ang ngiti ni Yohan na ngayon naman ay nagpapaikot ikot na parang lantang dahon. Laylay ang dalawa nitong braso pati na rin ang ulo at parang zombie na naglalakad.
Si Agi naman ay todo bigay na sumasayaw para maalis ang lamig sa katawan. Habang ako ay nananatiling nakatayo at pinapanood lang silang mag saya.
Bigla ay hinila ako ni Yohan at saka tumatalon na tumayo sa hara ko. Namumula ang pisngi nito at inosente ang mata na napipikit pikit pa dahil sa lakas ng ulan.
"C-can-can... A-ang lamig, waaa..." Nanginginig na sabi nito habang yakap ang sarili.
Ibinalot ko ang dalawang palad sa nga pisngi n'yang natalbog habang tumatalon s'ya. Ang lamig ng balat n'ya at talagang basang basa ang mukha. Hindi s'ya gaano makatingala sa 'kin dahil sa lakas ng patak.
Marahan kong hinimas ang pisngi n'ya at saka s'ya marahang ikinulong sa bisig ko. Marahan kong isinayaw sayaw ang katawan habang yakap s'ya na bahagya n'yang ikinatawa.
Ramdam ko ang mainit n'yang hininga sa leeg ko kaya napa-pikit ako ng mariin habang sumasayaw.
"Hoy! Ang usapan, ligo lang! Bakit kayo nagyayakap?" Napahiwalay kami sa isa't isa ng biglang sumingit si Agi sa gitna namin.
Nakita ko kung paano s'ya pasimpleng ismidan ni Yohan kaya napailing ako.
Eto na naman sila.
Niyakap ni Yohan kaming dalawa ni Agi kaya ngayon ay para kaming baliw dahil tatlo kaming nagsusumiksik sa isa't isa habang nasa gitna ng ulan.
Halos kalahating oras kaming naligo at ng mapansin ang pamumutla ni Yohan ay kakausapin ko na sana s'ya pero bigla s'yang tumuro sa likod ko habang nagtatatalon.
Agad akong napatingin doon at kotse iyon na mabilis na papalapit sa 'min. Agad akong kumilos para hilahin ang dalawa na parang natuod na habang nakatitig sa kotse.
"Fvck, Yohan!" Nanginginig at namumutla na tumitig ang dalawa sa isa't isa na parang natauhan sa nangyari.
"Bakit hindi ka agad umalis?!" Hindi ko mapigilan na singhalan s'ya dahil sa nangyari.
"N-nagulat ako eh..." Nauutal na sabi pa nito kaya napailing ako.
Tahimik na tinahak naming tatlo ang malamig na parking lot habang nakadikit pa rin sa isa't isa. Pilit na nilalabanan ang panginginig.
Nagpaalam na si Agi na mauuna na kaya pinanood muna namin s'yang umalis bago pumasok sa kotse.
Inabutan ko s'ya ng towel na agad n'yang ibinalot sa katawan habang tahimik na nakatitig sa ginagawa ko.
Pinatay ko ang aircon at saka isa isang binuksan ang bawat butones ng uniform ko.
Narinig ko s'yang suminghap pero hindi ko ito pinansin at kunot noong pinagpatuloy ang ginagawa.
Malalim ang paghinga na inilagay ko ang pang-itaas ko sa backseat kaya naiwan na lang ang sports bra ko. Sumandal ako at saka sinuklay pataas ang buhok gamit ang daliri.
Ipinikit ko ang mata para kumalma ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Binasa ko pa ang labi at saka napahilamos ng mukha matapos maramdaman ang mariin n'yang pagtitig.
"What?" Tanong ko at saka s'ya nilingon.
Gulat s'yang napatitig sa 'kin at ilang beses na lumunok habang pabalik balik ang mata sa mukha, leeg at tiyan ko.
"M-may abs ka pala." Nangunot lalo ang noo ko dahil sa sinabi nito. Bigla ay natigil ang paningin nito sa tiyan ko kaya napailing ako.
"Eyes up here, Yohan."
Parang natauhan s'ya matapos marinig ang sinabi ko kaya dali dali n'ya akong sinunod.
"A-ang ibig kong sabihin a-ay ano... Ay ano, ano... Oo, basta?" Nalilitong tanong pa n'ya habang hindi mapakali kung saan lilingon. Tumikhim pa ito ng ilang beses kaya napatango tango ako habang inaantay ang sasabihin n'ya.
Nag-isip pa ito ng sasabihin bago tuluyang tumingin sa 'kin.
"I mean, okay lang na masagasaan ako." Masigla at nakataas pa ang hintuturo nito na parang masaya sa sinabi.
Dahil sa narinig ay mabilis na dumilim ang mata ko habang nakatitig sa kanya.
"What?" Malalim at madiin kong tanong.
Agad na naibaba n'ya ang daliri at nawala ang ngiti bago nag-aalangan na nagsalita.
"H-hindi ba okay? Hehehe."

YOU ARE READING
Towards Better Things (Month Series #2)
RomanceLiving alone for the past years of her existence. She doesn't care what would happen to her next.All she wanna do is to mess around for she thinks she doesn't have even the slightest purpose in the world she lives in. Canary Octavia Alclaro spent al...