抖阴社区

Chapter 37

158 9 1
                                    

Canary Octavia Alclaro

"Ang sakit ng ulo ko..." Mahaba at nagmamaktol na sabi ni Yohan. Wala na sa ayos ang clip sa buhok nito at pulang pula ang mukha. Pipikit pikit na rin dahil sa antok at may tama na rin ng alak.

Napatingin naman ako kay Agi na hanggang ngayon ay umiinom pa rin. Patungo tungo na ito habang may hawak na bote ng alak.

"A-alam mo kase... Dapat... Dapat matuto ka ng mag-inom habang b-bata ka pa, okay? Para... Para matuto ka... Kapag natuto ka, edi... Edi natuto ka. Naiintindihan mo? Bakit... Bakit hindi ka s-sumasagot?"

Nangunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya na nakaturo sa kung sino man ang kausap. Napatingin ako kung sino ang sinasabihan n'ya at nakita ang inosenteng aso ng isa sa bisita ni Mrs. Fernandez. Golden Retriever ito at nakatitig lang kay Agi na mukhang tanga naman na nagdadadaldal pa rin.

Nasa iisang table lang kaming tatlo at hindi nalalayo sa iba pang bisita na nag-iinom na rin.

"Akala ko ba ay hindi na kayo mag iinom?" Naiiling na tanong ko at napatingin naman sila sa 'kin. Si Yohan na nasa tabi ko ay naningkit pa ang mata at sinundot bigla ang pisngi ko.

"Ang lambot hehehe..." Natatawa pa nitong sabi habang patuloy ang ginagawa kaya marahan kong hinawakan ang kamay n'ya hinimas ito.

"A-alam mo kasi, Canary... Ang mga bagay, 'yang mga 'yan... Dapat ano 'yan eh. A-alam mo 'yun? Nananatili silang... Bagay. K-kaya dapat kahit anong sabihin ng i-iba sa 'yo... M-manatili kang matatag k-kasi, 'yung iba... Pinaninindigan ang itsura ng mukha nila... P-pati ugali, n-nagiging asal hayop... Wait, a-ang bad pakinggan... Let me rephrase that... Asal animal? O-okay na ba?"

Lalo akong nalito sa sinabi ni Agi. Sa halip na sagutin s'ya ay binalingan ko na lang si Yohan na napapayuko na sa table.

"Hey, you need to rest na." Marahang sabi ko habang inaayos ang ilang hibla ng buhok n'ya. "Yohan, madaling araw na... Sasakit na naman ang ulo mo mamaya."

Nakanguso s'yang tumingala sa 'kin at parang naluluha pa ang mata. Namumula ang mga pisngi, at nakausli ang natural na mapula n'yang labi.

Nagulat ako dahil bigla na lang sunod sunod na tumulo ang mga luha n'ya at saka humikbi.

Agad kong pinunasan ang mga ito at saka umusod pa lalo palapit sa kanya.

"Why? What's the matter, Baby?" Marahan kong tanong habang pinupunasan ang basa n'yang pisngi.

"Galit ka? Galit ka ata eh." Masama itong tumingin sa 'kin habang kinukusot ang mga mata.

Agad ko naman s'yang pinigilan at marahan na pinunasan ang mga luha n'ya.

Umiling ako at saka ginaya ang pagkakanguso n'ya.

"No, of course not. Bakit naman ako magagalit sa 'yo?" Malambot ko pang tanong at saka kinuha ang panyo ko sa bulsa para ipunas sa pawis at mga luha n'ya.

"Wala, galit ka talaga... Dun ka na kay Mazy." Bahagya pa nitong inalis ang kamay ko na nasa balikat n'ya kaya napaawang ang labi ko.

Paanong napunta kay Mazy ang usapan?

"Mazy? Bakit nasama si Mazy?" Nagtataka ko pang tanong at ngumiwi naman s'ya sa 'kin at saka umiling iling habang ikinakaway ang mga kamay sa gitna na para bang tinatapos na ang usapan.

"Wala, sige na, Pare. Inom na lang tayo." Ismid pa nito kaya lalo akong nagtaka.

Pare? The fvck?

Ano na naman kayang trip nitong si Kulit?

Wala naman akong ginawa na nakapag paalala sa kanya kay Mazy kaya paanong naiinis s'ya sa 'kin dahil sa babae?

Towards Better Things (Month Series #2)Where stories live. Discover now