Canary Octavia Alclaro
Naglakad ako ng dahan dahan papunta sa likod ni Yohan. Nakatayo s'ya sa tapat ng railings at nakatingin sa lake. Iginagala n'ya ang mata habang ipinagkikiskis ang mga palad.
Ibinaot ko ang braso ko sa bewang n'ya mula sa likod. Ipinagdikit ko pa ang mga pisngi namin at dinama ang init nito.
"Can-can, ang ganda...." Nakangiting sabi n'ya matapos lumingon sa 'kin. Hawak hawak n'ya ang braso ko na nakabalot sa kanya.
"Thank you Can-can." Halos mawala na ang mata n'ya sa pagkakangiti. Bilog na bilog ang mga pisngi. Ibinalot n'ya ang palad n'ya sa pisngi ko at saka tumitig sa 'kin. "Puro pag-aaral na lang kasi ang nagagawa namin, wala na kaming ganito. Sina Mommy ay sa bahay ko na lang nakakabonding, hindi na namin nailalabas sina Yale." Nakanguso pa n'yang sabi kaya napatawa ako.
"Sige, sa susunod ay isasama natin sila." Tumatangong sabi ko habang dinadama ang init ng palad n'ya.
"Pati si Agi isama natin ah?" Dagdag n'ya habang hinihimas ang pisngi ko.
"Of course, Baby..."
Ilang minuto kaming nanahimik. Dinadama ang init ng katawan ng isa't isa. Malamig ngayon dito lalo na at medyo maulan at nasa mataas na lugar pa kami.
Kitang kita ang ibang fog pati na rin ang ibang kabahayan sa baba.
Masarap ang simoy ng hangin pero talagang malamig kaya nakasiksik na sa 'kin si Yohan.
"Can-can?"
"Hmm?"
"I love you..."
Napatigil ako sa pagtingin sa paligid habang yakap s'ya. Napayuko ako para silipin ang mukha n'ya na nakatingala naman sa 'kin. Nakatitig ito habang animong kumikislap ang mga mata. Seryoso ngunit naka ngiti.
Unti unti ay lumabas ang ngiti sa labi ko. Ang mabilis na tibok ng puso ko ay lalo pang bumilis. Medyo masakit sa dibdib pero ayos lang dahil nakakatuwa isipin ang dahilan nito.
Inayos ko ang ibang hibla ng buhok n'ya at saka tumitig sa mga mata n'ya. Mahahaba ang mga pilit mata nito at talagang nakakamangha. Bagay na bagay sa kanya.
Ngumiti ako sa kanya at saka bahagyang yumuko. Halos maduling ang mata n'ya dahil sa lapit ng mga mukha namin.
"Yohan?"
Bigla ay napatawa s'ya at saka tumango habang namumula ang mukha. Nahawa ako sa bungisngis n'ya kaya napailing ako bago hawakan ang dalawang pisngi n'ya.
"I love you, too." Bago pa s'ya makapagsalita ay idinampi ko na ng marahan ang labi ko sa malambot n'yang labi. Ramdam ko ang lamig nito dahil sa klima ngayon pero unti unting nawala ito sa pagtagal ng pagdidikit namin.
Dampi lang iyon pero ang tibok ng puso ko ay parang may kung anong hinahabol. Dinama ko ang lambot ng labi n'ya habang hinihimas ang bilog n'yang pisngi.
Halos sakupin ko na ang buong katawan n'ya para lang lalo pa s'yang mapadikit sa 'kin at ang lamig na pareho naming nararamdaman ay nawala.
Dahan dahan akong humiwalay at saka tinitigan s'ya. Nakapikit ito habang namumula ang mukha. Napanguso pa ito matapos mag mulat at nakita akong nakatitig sa kanya.
Sumiksik s'ya sa dibdib ko at ibinalot ang braso bewang ko na parang nahihiya pa.
Matapos ang ilang minuto ay nagdesisyon na kaming bumalik sa loob ng coffee shop para mag kape. Mainit na gatas ang gusto n'ya kaya iyon ang inorder ko kasama ng ilang klaseng cake at slice ng pizza.
"Ang dami naman, Can-can." Gulat na sabi n'ya matapos kong ihain sa kanya ang isang tray na sinundan pa ng isa na bitbit naman ng isang waiter.
"Edi iuwi na lang natin 'yung iba."

YOU ARE READING
Towards Better Things (Month Series #2)
RomanceLiving alone for the past years of her existence. She doesn't care what would happen to her next.All she wanna do is to mess around for she thinks she doesn't have even the slightest purpose in the world she lives in. Canary Octavia Alclaro spent al...