Canary Octavia Alclaro
Marahang ibinaba ko ang isang kahon na ang laman ay ilang karton ng fresh milk. Inosente akong tumingin kay Yohan na nakanganga na habang nakatingin sa dala ko.
"Ano 'yan?" Nalilito pa n'yang tanong habang nakaturo sa mga ito.
"Milk," Ngumiti ako ng maliit at napakunot ang noo matapos makita s'yang maguluhan. "I thought you want those? That's why I bought it... For you..." I slant my head to the left while eyeing her with innocence.
"Oo nga... Pero, bakit ang dami?"
"Ayaw mo ba?"
"Gusto!" Agad n'yang bawi at saka ngumiti. "Pero bakit ang dami?"
"Edi... Ipamigay mo na lang 'yung iba. O kaya i-stock mo sa bahay n'yo. Para hindi ka na maubusan ng gatas." Mahina s'yang napatawa matapos akong titigan ng ilang segundo.
"Nakakatuwa pala humingi ng pasalubong sa 'yo. Ang dami mong magbigay." Natatawa n'yang sabi.
"You didn't say the exact number you wanted. So I bought boxes of it."
"Oo! Sa susunod sasabihin ko na. Baka magka-sari sari store pa kami ng hindi oras."
Kumuha s'ya ng dalawang baso at saka parehong sinalinan iyon matapos kumuha ng isang karton ng fresh milk.
Iniabot n'ya sa 'kin ang isa at saka ipinagbangga bago tuloy tuloy na uminom. Napangiti ako at saka uminom ng kaunti.
Napatitig pa ako sa baso matapos magustuhan ang lasa. Malinamnam at hindi gaano kalabnaw. Masarap at talagang magugustuhan ng marami.
"Wow! Kanino galing 'yan? Dami ah!" Tuwang tuwa na sabi ni Agi matapos makita ang isang box na puno ng mga gatas.
Nakangiting itinuro ako ni Yohan habang umiinom at saka bumungisngis. Inabutan n'ya ng ilang piraso si Agi at pati na rin ako kaya nalilito akong napatingin sa kanya.
"Iuwi mo, halata namang nagustuhan mo rin eh." Napailing ako at saka ipinatong sa table ang ilang karton ng gatas.
"Ayuda ba 'to? Anong tinatakbo mo Canary? Malayo pa eleksyon! Napaaga ka ng ilang minutes." Tatawa tawa pang sabi ni Agi kaya napangiti ako.
"Ewan ko ba d'yan. Ang sinabi ko lang naman ay gatas. Isang kahon ba naman ang binili."
Nagulat ako ng umiling iling si Agi at saka ngumiwi sa 'kin.
"You're false, Canary! So false! Gatas lang naman pala ang sinabi eh. Saka ka na dapat bumili ng madami kapag gatasses na ang inutos sa 'yo." Hindi ko mapigilang mapahilamos ng mukha sa itinuran ni Agi.
"Tanga! Anong gatasses, ang bobo mo naman. Gatases lang 'yon. Ginawa mo namang double s."
Lalo akong napatanga sa kanilang dalawa ng sumakay si Yohan sa biro ng kaibigan.
"Malay ko ba? Edi milks na lang para wala kang kontra."
"Ang corny mo!"
"Ikaw nga gatases eh!"
Magkaibigan nga, parehong bano.
"Wag ka na magkaila, may pagka-bobo ka talaga."
"Ha! Eh anong tawag mo sayo? Bobos? Boss ng mga bobo?"
"Ikaw 'yun eh. Wag ka na mahiya, sayong sayo na ang trono. Alam mo kasi, mahirap para sa 'king marating 'yung level na 'yun. Pero ikaw, wala ka pa man ginagawa, abot na abot mo na. Ikaw na talaga, Aguinalda!"
Pumalakpak pa si Yohan at duon na nagtuloy tuloy ang asaran nila. Hanggang sa makapunta sa parking lot at todo pa rin sila sa palitan ng pang-aasar kaya napabuntong hininga na lang ako.

YOU ARE READING
Towards Better Things (Month Series #2)
RomanceLiving alone for the past years of her existence. She doesn't care what would happen to her next.All she wanna do is to mess around for she thinks she doesn't have even the slightest purpose in the world she lives in. Canary Octavia Alclaro spent al...