抖阴社区

Chapter 30

207 14 4
                                    

Canary Octavia Alclaro

Pangalawang araw ko na dito sa bahay nila. Sa totoo lang ay gusto ko ng umiwi pero aayaw nila. Pati ang kotse ko ay gusto nila sila ang mag paayos kaya bago pa nila magawa ay tinawagan ko na ang tauhan ko para asikasuhin ito.

Pinag pahinga nila ako ng matagal. Gusto pa nga nila ay bantayan ako mag damag pero ayoko naman nuon dahil hindi naman kailangan. At nakakahiya rin dahil naiistorbo ko na sila.

Balak ko na ngang umuwi mamaya kaya naman tumayo na ako at saka nag inat inat. Iginalaw galaw ko rin ang katawan ko dahil sa buong araw ay gusto nila nakahiga lang ako para makapag pahinga.

Halos isubo na nga nila sa 'kin ang pagkain para lang hindi ako gumalaw.

Napailing ako at saka mahinang tumalon talon para mapagpag kahit papaano ang katawan. Medyo makirot pa rin ang sugat ko pero hindi na kagaya ng mga nagdaang araw.

Pakiramdam ko rin ay ang lakas lakas ko ngayon kahit hindi pa tuluyang magaling ang sugat ko.

Bigla ko tuloy naisip ang mga Serviono.

Napailing ako at mahinang napatawa. Unang hahanapin ko talaga ay ang lalaking 'yun. Tsk!

Napatingin ako sa pinto matapos nitong bumukas at nakita si Yohan. Naka pang tulog pa ito at suot ang malambot n'yang tsinelas. Nanlaki bigla ang mata n'ya ng makita akong nagtatatalon at nagpapapawis.

"Can-can!" Saway n'ya sa akin at mabilis akong hinila paupo. Tinaas n'ya bigla ang damit ko at tinignan ang gasa na kakapalit lang kagabi.

"What?" Natatawang tanong ko pa at namumula naman ang mukha na ibinaba n'ya ang damit ko at saka nakangusong tumingin sa 'kin.

"Alam mo namang hindi pa pwedeng matagtag ang katawan mo eh. Mag ingat ka nga Canary." Napangiwi ako ng palihim dahil sa tinawag n'ya sa 'kin.

Seryoso na si Kulit.

"Okay, fine..." Itinaas ko pa ang dalawang kamay sa ere at saka itinukod ang mga ito sa kama habang tinititigan s'ya na nakatayo sa harap ko.

Seryoso pa rin ang mukha n'ya at mukhang binabantayan ang gagawin ko kaya ngumiti ako ng inosente sa kanya.

"Tsk, kakain na... Dadalhan na lang kita, sabay na tayo dito kumain—" Agad akong umiling sa kanya.

"Wag na... Bababa na lang ako." Tanggi ko pa at saka napatingin sa tagiliran ko.

"Sure ka? Baka lalong sumakit 'yang tama mo. Wag na, okay? Dito na lang tayo kumain..." Sabi pa n'ya at saka umiling sa 'kin.

"No, it's okay. I'm okay, sanay na 'ko sa ganito." Mabilis na sabi ko at napatingin naman agad s'ya sa 'kin. Kunot ang noo n'ya at may nagtatakang tingin.

"Ano?"

Napangiwi ako ng palihim matapos marealize ang sinabi.

Ngumiti ako sa kanya ng inosente at saka napakurap kurap ng ilang beses.

"I mean, I'm okay. Makirot na lang ng konti pero kaya ko naman." Bawi ko at saka mabilis na tumayo.

"Let's go?" Pag-aaya ko at saka pinisil ang pisngi n'ya.

"Ang ganda mo." Sabi ko dahil nakatitig pa rin s'ya sa 'kin. Agad naman itong natauhan at saka namula ang mukha.

Totoo namang ang ganda n'ya. Kahit ano pang itsura o suot ay natutuwa ako sa kanya. Kahit anong ekspresyon ay napapangiti ako.

Parang gusto ko lagi s'yang yakapin dahil sa malambot n'yang balat. Amoy baby pa. Ang cute n'ya, grabe.

Inilagay ko ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tenga n'ya at saka bahagyang yumuko para ikiskis ang pisngi ko sa mamula mula n'yang pisngi.

Towards Better Things (Month Series #2)Where stories live. Discover now