抖阴社区

Chapter 34

167 10 3
                                    

Canary Octavia Alclaro

Naglakad kami ng sabay sabay papuntang parking lot. Matapos ng nakakapagod na araw sa university ay parang lambot na lambot ang dalawa.

Hawak ko pa sa braso si Yohan dahil nakanguso na ito at halatang gusto ng umupo o humiga sa kama n'ya.

Si Agi naman ay tahimik at kanina pa hikab ng hikab. Totoo namang marami talagang itinuro ngayon kaya siguro parang latang lata ang dalawa.

Napatingin kami sa kabilang sasakyan ng bigla itong tumunog at lumapit duon si Doktora na dala ang susi ng kotse n'ya. Kasama nito si Mazy na inalalayan naman s'ya sa pagsakay sa sasakyan.

Napatingin kami kay Agi ng bigla s'yang bumuntong hininga.

"Tara, inom." Napatitig kami sa kanya sa pag-aaya n'ya. Nakangiwi ito habang napapailing at pasulyap sulyap sa kotse ng Doktora na umaandar na paalis.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Yohan at saka nag kibit balikat.

Bakit naman kaya biglang nag-aya 'to?

Napatingin ako sa papalayong sasakyan ni Doktora at napangisi.

Nagseselos ba s'ya kay Mazy?

Hindi ba't mag pinsan lang naman sila?

Sabagay, baka hindi iyon alam ni Agi. Oh baka naman may iba s'yang problema kaya gusto n'ya mag inom ngayon.

"I have beers in my condo." Sagot ko kaya napatingin sa 'kin ang dalawa habang nakangiti.

"Can-can?" Napatingin ako kay Yohan ng bigla itong magsalita. Nanlaki ang mata ko matapos makita ang kulay blue na bagay na hawak n'ya.

"Hey..." Namumula ko itong marahang kinuha sa kanya at tatawa tawa naman n'ya itong binigay.

"Si Blu 'yan diba? S'ya 'yung nasa Rio. Fan ka ni Blu?" Nakangiti ng malaki nitong tanong. Halos hindi na makita ang mata at lalong nangibabaw ang matatabang pisngi.

Natawa ako at saka pinisil ang pisngi n'ya.

Gusto ko s'ya yakapin...

Napatitig ako sa suot n'ya.

T-shirt na grey na may pagkamalaki sa kanya. Halos umabit sa tuhod n'ya ang haba dahil sa ipinahiram kong damit. Mas matangkad din kasi ako sa kanya ng konti kaya ganito ang naging itsura sa kanya.

Naka-jogger naman s'ya na black na ipinahiram ko din.

Bagong paligo lang ito at amoy na amoy ko ang bango n'ya.

Napatawa ako at saka napailing.

Kahit ano atang damit ay babagay sa kanya. Patuloy akong tumitig sa kanya na inosente ang mga matang nakatingin lang din sa 'kin. Namumula ang pisngi nito at may cute na ngiti sa labi.

Fvck! Ang ganda!

Ibinalot ko sa palad ko ang malalambot n'yang pisngi. Malalim ang paghinga na ipinagdikit ko ang mga pisngi namin at saka ito kiniskis. Medyo malamig ang balat n'ya dahil kakaligo pa lang n'ya pero hindi nito natanggal ang mainit na pakiramdam na s'yang bumabalot sa dibdib ko.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. May kaba pero ang saya. Masarap sa pakiramdam. Ang lambot ng balat n'ya ay lalo akong pinapakalma.

Madikit lang ako sa kanya, pakiramdam ko ay ako na ang pinakama-swerteng tao sa mundo.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at saka s'ya ibinalot sa mga bisig ko. Marahan ko s'yang binuhat habang magkadikit pa rin ang aming mga pisngi.

Ang lambot n'ya...

Towards Better Things (Month Series #2)Where stories live. Discover now