Canary Octavia Alclaro
Nanatili akong nakaupo, nakatingin sa bawat galaw ni Yohan na may dala dala na ngayong juice at tinapay.
Matapos n'yang maibaba iyon ay saka s'ya umupo sa harap ko. Wala naman akong ginawa kund panoorin s'ya.
"So? Ano? Kumain ka na." Utos n'ya pa kaya napabuntong hininga ako.
Bago pa man makapag salita ay biglang may pumasok sa tatlong magagandang babae. Ang isa ay siguro mga nasa 30s and isa naman ay mukhang mas bata lang sa 'min ng ilang taon. At ang isa ay talagang bata pa.
Napatitig kami dito ng ilang segundo. Ang mga ito naman ay mga naka-awang ang bibig habang nakatingin sa 'min.
"Oh... Hi? Hi!" Biglang bawi ng babaeng mukhang mas matanda sa 'min. Mahaba ang wavy nitong buhok at talagang maganda. Napansin kong magkakahawig ang tatlo kaya napatingin ako kay Yohan.
Kita ko rin ang pagkakahawig n'ya sa mga ito kaya mahina akong napatango.
"Mommy..." Nakumpira ko ang hula ng tawagin ni Yohan ang babae at saka tumayo para lumapit at halikan ito sa pisngi.
Tumayo na rin ako bago pa man sila makalapit sa 'min. Tumango ako sa babae at saka tumingin sa dalawang bata.
"Good afternoon po." Nagulat ako ng imbis na batiin ako nito pabalik at may namamanghang mukha n'yang sinapo ng dalawa n'yang palad ang mga pisngi ko.
Napatitig ako sa mukha nito at saka nalilitong kumunot ang noo.
What?!
"Mommmy! Hehe, anong ginagawa mo?" Agad na marahang tinanggal ni Yohan ang kamay ng Mommy n'ya sa pisngu ko at saka ako pasimpleng hinila.
"Is... She?" Marahan at putol na tanong nito at agad naman tumango si Yohan hindi pa man tapos ang tanong ng Mommy n'ya.
"Yes, po. Hehehe."
"I'm so happy to meet you..." Masayang sabi nito at saka ako niyakap. Mabilis itong lumayo at saka binalingan ng tingin ang dalawang bata.
"Kids! Tulungan n'yo 'ko. Magluluto ako ng pagkain." Utos nito at agad namang tumango ang dalawang bata na ngumiti ng malaki sa 'kin. "Dito ka na kumain ng hapunan ha? Anak?" Baling nito sa 'kin. Wala akong nagawa kundi tumango.
Dali dali itong naglakad papunta sa kung saan na sinundan naman ng dalawang bata.
"Hehehe, pasensya ka na sa Mommy ko ah? Ganoon s'ya kapag masaya." Hinila ulit ako ni Yohan paupo at saka ngumiti sa 'kin.
"Bakit?" Panimula ko at taka naman s'yang tumingin sa 'kin.
"Ha?"
"Bakit iniiwasan mo 'ko simula pa kahapon?" Dagdag ko. Iniwas naman n'ya ang paningin at saka biglang kumuha ng cookie na nakalagay sa plato sa harap namin.
"Hindi ah! Sino namang nagsabi na umiiwas ako? Pareho kayo ni Agi na desisyon. Anong iwas iwas? Tsk! Bakit naman ako iiwas?" Parang naiilang pa na tanong nito habang hindi nakatingin sa 'kin. Nakanguso itong ngumuya habang nakatingin sa baso ng juice.
"Bakit nga ba?" Lumunok s'ya ng sunod sunod bago tumingin sa 'kin.
"Wala lang ako sa mood." Sagot n'ya matapos mag-isip.
"Bakit?"
"Baka meron na 'kong mens?" Napataas ang kilay ko sa sagot n'ya. Umiwas s'ya at saka uminom ng juice.
"Baka? Hindi ka sigurado kung meron ka na?"
"Ah... Eh..." Dahan dahan s'yang tumingin sa 'kin at saka alanganin na ngumiti. "Baka nga natatae lang ako. Hehehe." Napangiwi ako sa sagot nito. Parang natauhan din ito at saka kumaway kaway pa sa harap.
"Basta! Para ka namang imbestigador kung magtanong! Wala lang 'yun, okay?!"
Siya pa ang naiinis ngayon?
Hindi ko talaga s'ya minsan maintindihan.
Tsk!
"Eh ba't naiinis ka?" Kunot noo kong tanong.
"Eh paano kasi, ikaw. Ang hilig mo magtanong."
"Oh edi sige. Hindi na 'ko magtatanong sayo." Malumanay kong sagot kaya napakunot ang noo n'ya.
"Ano?!" Inis na reklamo nito. "Bakit?!"
Oh? Ngayon namang hindi na ako nagsasalita ay nagagalit pa rin s'ya. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa harap n'ya.
"Ate? Nagtatalo po ba kayo?" Napatingin kami sa kapatid n'yang pinakabata. May hawak itong piraso ng manok habang ngumunguya.
"Ganda problems. Wag ka mag-alala, Yale, hindi mo mararanasan 'yun. Sige na, kumain ka na dun." Napangiwi ako sa simpleng pang-aasar n'ya sa kapatid na nagkibit balikat lang.
Tumingin s'ya sa 'kin at saka umismid an ikinaawang ng labi ko.
"Ate! Mamaya turuan mo 'ko sa math ah!" Biglang sabi naman ng isa habang nakasilip mula sa pinto ng kusina.
"Alam mo? Maswerte ka kapag nagka zombie apocalypse. Lalagpasan ka lang." Ismid n'ya dito kaya napaawang ang labi ko.
Yohan?
"Mommy! Si Ate oh!" Sumbong ng isa habang nakanguso sa ate n'ya.
"Mommy! Si Yadana! Ayaw gumawa ng assignment n'ya! Sa 'kin pa pinapagawa!" Ngisi nito kaya nanlaki ang mata ng kapatid at saka biglang lumingon sa likod n'ya na sa tingin ko ay kung saan naroon ang nanay.
"Yadana? Ano na naman ba 'yan?" Boses ng ina kaya lalong lumaki ang ngisi ng ate nila. Natawa ako ng mahina lalo na ng makipag high five pa sa 'kin si Yohan.
"Thanks for the dinner. " Nakangiti ko s'yang tinignan matapos n'ya akong ihatid sa kotse ko.
Malaki naman ang ngiti na inisukli n'ya sa 'kin habang tumatango tango.
"Masarap ang mga pagkain, na enjoy ko." Dagdag ko pa kaya natawa n'ya.
"Ganun talaga, cute kasi ako eh. Alam mo kasi, kapag may cute na anak ang nanay, mas lalo silang ginaganahan mag luto kasi alam nilang may cute na kakain at titikim sa masarap na pagkain na ginawa nila. Tignan mo si Mommy, masyadong enjoy sa pagluluto. May anak kasi s'yang tulad ko. 'Yung mga kapatid ko naman, 'di ko alam kung sa nagmana 'yung mga 'yun. Hindi man lang nahawa sa ka-cutan ng ate nila." Tuloy tuloy na sabi n'ya kaya hind ko mapigilan na tumawa.
Bumalik na s'ya sa pagiging madaldal.
"Hmm... Ganon pala 'yun." Pagsakay ko sa mga sinasabi n'ya bago kami sabay na napatawa. Napansin kong napatigil s'ya habang nakatitig sa 'kin kaya lalo akong napangiti.
Cute...
"Sige na... I'm going na, anong oras na rin." Nakangiti pa rin s'ya ng tumango at saka kumaway sa 'kin. Paatras akong naglakad habang nakatanaw pa rin sa kanya na kaway pa rin ng kaway.
Hanggang dito abot ang amoy baby n'yang pabango.
"Ingat, tropapips! Stay mabait, hehehe." Napailing ako bago sumakay sa kotse. Bumusina pa ako at hinintay s'yang makapasok bago paadarin ang sasakyan.
Buti naman bumalik na s'ya sa pagiging makulit at madaldal n'ya.
Ano naman kung madaldal na ulit s'ya?
Manahimik ka nga! Lagi kang si kontra eh!
Napangiwi ako ng matauhan sa pagkausap sa sarili.
Sh*t! Nababaliw na ba 'ko?

YOU ARE READING
Towards Better Things (Month Series #2)
RomanceLiving alone for the past years of her existence. She doesn't care what would happen to her next.All she wanna do is to mess around for she thinks she doesn't have even the slightest purpose in the world she lives in. Canary Octavia Alclaro spent al...