抖阴社区

Chapter 35

170 10 0
                                    

Canary Octavia Alclaro

Nanlalambot na nakaupo kaming tatlo sa sofa. Nanonood ng baseball sa TV habang nakasandal at nananakit pa ang mga ulo.

Napatingin ako sa dalawa na katabi ko. Si Agi ay kanina pa hawaka ng ulo n'ya habang naka pikit at yakap yakap ang unan ko. Balot na balot pa ito ng kumot. Hindi pa ata nawawala ang tama.

Si Yohan naman ay nakasiksik sa 'kin. Nakasandal s'ya sa balikat ko habang namumungay ang mga mata na pinipilit ituon ang paningin sa pinapanood.

Pinanatili ko namang nakabalot sa kanya ang isa kong braso habang ang mga binti naman n'ya ay nakapatong sa hita ko.

Marahan kong hinihimas ang ulo n'ya para maibsan ang pananakit nito kahit paano.

Ako naman ay hindi masyado tinamaan dahil alalay lang ang pag inom na ginawa ko kagabi para may mag-asikaso dito sa dalawa kapag nalasing na.

"Can-can..." Napatingin ako sa babaeng nasa braso ko. Pilit na sinisilip ang mukha n'ya.

Nakanguso s'yang tumingala sa 'kin habang namumula ang mukha. Hinang hina ito at naluluha pa ang mata kaya napanguso rin ako ng maliit sa kanya.

"Why, hmm?" Tanong ko pa habang hinihimas ang pisngi n'ya.

"Ang sakit ng ulo ko..." Naluluha n'yang sumbong kaya agad ko namang minasahe ang sentido n'ya. Kakainom lang nilang dalawa ng gamot pag-kakain namin ng almusal pero hindi pa ata umeepekto ito sa kanila.

"Hindi na 'ko mag-iinom... Ayoko na, bakit ko ba pinasok 'to?" Umiiyak na tanong ni Agi habang napapakamot pa sa ulo.

"Bakit ka kasi nag-aya?" Nakangusong baling sa kanya ni Yohan.

"Eh bakit kasi may alak si Canary dito?" Bigla ay tumingin silang dalawa sa 'kin matapos iyon itanong ni Agi. Mga nakasimangot pa.

Agad ko naman silang nginiwian.

"I... Sometimes drink when I have time, para makatulog lang." Agad kong sabi. Bumalik naman sa pagkakahiga si Agi at si Yohan naman ay lalo pang sumiksik sa 'kin kaya binuhat ko s'ya at inilagay sa hita ko.

Niyakap ko s'ya habang minamasahe ang sentido n'ya. Nakita ko naman s'yang maliit na ngumiti habang nakapikit.

Napangiti ako matapos maramdaman ang pag yakap n'ya sa 'kin habang nakasandal sa balikat ko.

"Thank you, Can-can." Mahina pa n'yang sabi at saka inaantok na tumingin sa 'kin.

Bigla ay bumilis ang tibok ng puso ko.

"No need to say thank you, Baby." Patuloy ko s'yang minasahe habang tinititigan ang malambing n'yang mukha. Medyo basa pa ang pilik mata n'ya dahil kanina pa s'ya naluluha sa sakit ng ulo. Namumula rin ang mga pisngi n'ya at pati na rin ang ilong.

Agad akong napangiti.

"Pucha! Ang sakit n'yo sa mata!" Sigaw ni Agi pero hindi na namin s'ya pinansin. Bigla ay naalala ko si Doktora.

Parang mga tanga, nag-aantayan lang silang dalawa.

"Can-can, punta kayo mamaya ah? Birthday kasi ni Yale eh." Nakangiting pag-iimbita ni Yohan. May hawak pa itong invitation card at inabot iyon sa 'min dalawa ni Agi.

"Sure, ilang taon na ba s'ya?" Tanong ko pa at agad naman s'yang nag-isip.

"9 na s'ya ngayon." Nakangiti pa n'yang sagot at agad ko namang pinisil ang pisngi n'ya.

Bigla ay sabay sabay kaming napatingin sa pinto matapos itong mabilis na bumukas. Ilang mga nurses ang may tulak tulak stretcher.

Bigla ay napatayo kami at agad na tinignan kung anong nangyayari.

Towards Better Things (Month Series #2)Where stories live. Discover now