Canary Octavia Alclaro
Hindi ko na namalayan ang oras. Ang isip ko ay natuon na lang kay Yohan at sa pagmamaneho. Mabilis ang takbo ng sasakyan ko at hindi na pinansin ang paninita ng iba.
Mahigpit ang hawak sa manebela. Kung anong bilis ng sasakyan ko ay ganoon din ata kabilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako.
Hindi para sa sarili ko kundi para kay Yohan. Pinipilit kong wag mag isip ng kung ano dahil baka maka apekto lang ito sa magiging kilos ko.
Mabigat ang pag hinga at tila namumuo na rin ang luha sa gilid ng mata ko dahil sa galit at pag aalala.
Ano mang pagkalma ang gawin ko ay hindi mawala sa 'kin ang kaba. Ang gigil na nararamdaman ko at tila dumoble.
Hindi ko maisip kung ano ang magagawa ko sa oras na makita kong sinaktan nila ang girlfriend ko. Ultimo maliit na hiwa ay hindi ko palalampasin.
Ilang beses akong lumunok at saka umiling.
Hindi mawala sa 'kin ang pagsisisi. Kung sana ay binantayan ko na lang sila, hindi siguro ito mangyayari. Masyado akong nalito sa mga palabas nila. At ang katotohanang may maliit na porsyento sa 'king nalinlang nila ay lalong nagpakulo ng dugo ko.
Ang mga ginawa nila at dinamay ay hindi nawala sa isip ko. Si Mazy na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising. Ang mga Fernandez. Pati na rin sina Ember at Heal. Lahat ng ito ay kagagawan ng mga Serviono.
Sinabi sa 'kin ni Silas na nakausap nila ang lalaking humarang kay Yohan. Plano nila ito dahil nalaman nilang girlfriend ko si Yohan. Ang mga ginawa nilang aksidente ay para lamang guluhin kami sa gagawin.
Pero walang kwenta ang mga plano nila dahil si Ember pa talaga ang iniwan nilang malaya. Ang babae lang ang makakapagbigay ng gusto nila dahil s'ya ang nag iisang Agosto na may hawak ng bagay na gustong gusto nilang makuha.
Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nilang gawin ito kung pwede naman silang mag hirap para makamit ang gusto nila.
Bigla ay naisip ko si Doktora. Anak s'ya ng isang bobong nagtatago sa pagiging mabuting ama sa pamilya, at matapang na nakasuot ng unipormeng tapat lamang dapat ang nagmamay-ari.
Hindi ako sigurado kung may alam s'ya sa gawain ng tatay n'ya. Pero hindi ko na dapat iniisip iyon. May alam man s'ya o hindi, walang ibang kalalagyan ang ama n'ya kundi sa likod ng mga bakal na dati ay s'ya ang nasususi.
Napatingin ako sa rearview mirror at nakitang ilang sasakyan ang nakasunod sa 'kin. Hinayaan ko na lang ang mga ito dahil alam naman na nila ang gagawin sa oras na makatapak kami sa lupa ng mga Serviono.
Lumingon lingon ako sa piligid matapos makitang nasa maliblib na parte na kami ng lugar. Sakto sa sinabi ng tauhan ng mga Serviono.
Kinuha ko ang cellphone ko at saka nai-dial ang number ni Silas.
"Keep tracking Ember. Siguraduhin mong may mga tauhan mo na nakasunod at nakabantay sa kanya." Pinanatili ko ang isang kamay sa manibela habang mabilis pa ring nagmamaneho. Patingin tingin ako sa likod dahil alam kong isa sa sasakyan na 'yan ay ang kinalalagyan ni Silas.
"Got it..."
"Boss, Nagawa namin na malaman kung nasaan mismong lugar si Mr. Villafuente. Nasa kanya po ang ibinigay mong tracker kay Ms. Agosto."
Nakuha ng tauhan ni Silas ang atensyon ko. Tracker?
"I gave Ember this one specific tracker. I told her to stick it to her body incase something happened. Bibigyan ko rin dapat si Heal ngunit bago ko pa man s'ya makaausap ay hindi namin namalayan na umalis na pala ito matapos s'yang kausapin ni Ember."

YOU ARE READING
Towards Better Things (Month Series #2)
RomanceLiving alone for the past years of her existence. She doesn't care what would happen to her next.All she wanna do is to mess around for she thinks she doesn't have even the slightest purpose in the world she lives in. Canary Octavia Alclaro spent al...