抖阴社区

Chapter 44

155 8 1
                                    

Warning!

This chapter contains violence.

Canary Octavia Alclaro

Tahimik akong naglakad papasok ng bahay ng butler ko. Mga nakapila ang ibang lalaki habang inaantay ang pag pasok ko. Ang iba ay natigil pa sa pag iinom at pag hiphip ng sigarilyo at saka pormal na humarap sa 'kin. Sabay sabay nila akong binati ng tango pero hindi ko na sila pinanasin.

Ang pakay ko dito ay ang mga bobong nag lakas ng loob na paputukan kami kanina. Sa totoo lang ay hindi ko inaasahan na basta na lang sila mag lalabas ng armas. Lalo na at alam nilang may kasama ako.

Hindi ba nila naisip na pwedeng ma purnada ang plano nila kapag may inosenteng taong nadamay. Lalo lang lalala ang imbestigasyon tungkol sa kanila at pwedeng mas mabilis silang matukoy kapag ginawa nila iyon.

Simula pa noong una ay naisip ko na 'yan. Ang tanga ko lang dahil nagawa ko pang ilabas si Yohan ng may ganitong nangyayari. Ang dating para sa 'kin ay nagamit ko s'ya para lalong palabasin ang mga bobo kahit hindi ko naman iyon intensyon.

Gusto ko lang talaga s'yang makasama at makapag relax na rin s'ya para sa mga stress na pinag daanan n'ya. Ayokong mapahamak s'ya pero hindi ako dadating sa puntong ikukulong ko s'ya lang hindi s'ya mahawakan ng iba.

I have my own ways of protecting her. Bakit ko s'ya pipigilan sa pag galaw para hindi s'ya mapahamak kung kaya ko naman s'yang protektahan ng hindi s'ya nililimitahan?

Kaya kong lumaban habang nasa komportableng sitwasyon s'ya at hindi naaabala.

"Where are they?" Seryosong tanong ko at isang aligagang lalaki naman ang lumapit.

"Ma'am, sino po?" Napangiwi ako sa tanong nito at saka s'ya tinitigan na ikinailang n'ya.

"Sino sa tingin mo?" Nanatili s'yang tahimik habang napapalunok kaya napailing ako.

"Ang mga pinagbabantay ko sa bahay ng mga Fernandez ang tinutukoy ko. Nakaalis na ba?" Sunod sunod s'yang tumango kaya nakahinga ako ng maluwag.

"I wan't you guys to guard the Fernandez, 24/7. Siguraduhin n'yong hindi sila masasaktan. Pero wag kayong mag papahalata, as much as possible, make yourselves invisible." Sabay sabay silang tumango kaya nag patuloy na ako sa pag lalakad.

Sumalubong naman sa 'kin ang isang lalaking naka tuxedo. Nakalagay ang parehong kamay nito sa bulsa, halatang halata ang tikas ng katawan habang masiglang nakatingin sa 'kin.

"Canary! Long time no see!" Inilahad pa nito ang braso na parang yayakap kaya umiwas agad ako.

"Yeah, right..." Ismid ko dito at natawa naman ito habang napapailing at saka magaan akong niyakap.

"Hanggang ngayon ba naman ay masungit ka pa rin? Anak, bawas bawasan mo 'yan. Hindi ba't nakakasama mo na ulit si Yohan? Ang akala ko ay malaking ngiti mo ang bubungad sa 'kin, simangot mo lang pala." Ngiwi nito matapos tapikin ang balikat ko.

S'ya ang butler ko simula bata. S'ya na ang tumayong magulang sa 'kin simula ng pumanaw ang lolo ko. S'ya rin ang may hawak ng ibang iniwan ng Lolo. May ari s'ya ng isang detective agency at isa s'ya sa tauhan ni Lolo. Kaya s'ya ang naging tagapag bantay ko ay naging kanang kamay s'ya ng Lolo.

Matagal na kaming hindi nagkikita dahil na rin sa pagiging busy n'ya sa negosyo at ako naman ay sa pag aaral.

Minsan ay napapaisip ako, kung hindi kaya sa 'kin ay may pamilya na kaya s'ya ngayon? Para kasing simula ng alagaan n'ya ako ay sa 'kin na lang n'ya itunutok ang atensyon. Ang mundo n'ya ay umiikot na lang sa pag babantay, pag tratrabaho at sa negosyo.

Towards Better Things (Month Series #2)Where stories live. Discover now