Canary Octavia Alclaro
Dala dala ang dalawang maliliit an bouquet ng bulakbalk para sa mga bata, isang katamtaman para kay Agi na kawawa naman dahil hindi makaamin kay Doktora, at dalawang malalaking bouquet para kay Yohan at Mrs. Fernandez. Naglakad ako papasok ng bahay nila at sumalubong agad sa 'kin ang mag iina.
Napapapalakpak pa ang mga ito habang namamangha na nakatingin sa dala ko.
"Ang ganda!" Tili ni Yale kaya nakangiti kong ibinigay sa kanya ang isang maliit na bouquet at ganon na rin kay Yadana.
Sunod ay nakangiti ko naman inabot ng marahan ang isa sa malaking bulaklak kay Mrs. Fernandez na mukha pang na touch habang hawak hawak ang dalawang pisngi.
"Good morning ho." Bati ko pa at kinuha naman n'ya ng bulaklak.
"Good morning and thank you! You're so sweet naman Baby C!" Tuwang tuwa nitong sabi at saka ako niyakap ng sandali.
"Thank you ate Can!" Sigaw ni Yale kaya nginitian ko s'ya.
"Thanks ate..." Ginulo ko naman ang buhok ni Yadana at sabay sabay kaming pumunta sa sala kung saan nakaupo si Agi na parang lutang pa.
Nagpaalam sina Mrs. Fernandez na pupunta lang sa kusina kaya nakangiti akong tumango bago lumapit kay Agi.
Nakatulala ito at medyo magulo pa ang buhok habang yakap yakap ang unan.
Mukha s'yang tanga.
"Oh..." Sabi ko at inabot sa kanya ang bulaklak na nakanganga naman n'yang tinitigan bago nagtatakang tumingala sa 'kin.
"Kanino 'yan galing?"
"Kay Doc. Atheina." Ngisi ko pa at nakita ko naman kung paano s'ya ngumiwi bago manubig ang mata.
"Paano n'ya 'ko bibigyan kung hindi nama n'ya 'ko gusto—"
"Sabagay, may point ka." Inosente pa akong tumango tango at idinikit sa mukha n'ya ang bouquet kaya wala s'yang nagawa kundi yakapin ito habang nakatingin ng masama sa 'kin.
"Wow! Grabe, nakaka motivate naman 'yang sinabi mo, Dude! Bilib na bilib na talaga ako sa 'yo, pakyu ka!" Inis nitong sabi kaya inismidan ko s'ya.
"Anak? Pwedeng pagising si Baby Yohan? Para sabay sabay na tayong mag almusal." Nakangiting tanong ni Mrs. Fernandez na sumilip mula sa kusina kaya agad akong sumunod.
Naiiling kong iniwan si Agi na umiiyak habang hawak hawak ang bouquet n'ya kaya napailing ako.
Tinitigan ko ang malaking bouquet of flowers na hawak ko at saka napangiti bago nagpatuloy sa pag-akyat.
Maaga akong umalis at nag paalam ako kay Mrs. Fernandez para bumili ng bulaklak na ibibigay kay Yohan. Talagang inagahan ko para pag dating ay hindi pa gising si Kulit.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto n'ya at saka tahimik na naglakad papunta sa kama n'ya. Medyo madilim dahil sarado pa ang kurtina at patay ang mga ilaw pero nakikita ko pa rin ang cute n'yang mukha.
Inilapag ko ang bulaklak sa kama at saka marahang binuksan ang kurtina para pumasok ang liwanag ng araw.
Umupo ako sa tabi n'ya at saka bahagyang hinimas ang noo para mawala ang mga buhok na nakatabing sa mukha.
Napangiti ako habang tinititigan ang namumula mula n'yang pisngi. Munti pang nakanguso ang labi n'ya bago marahang gumalaw palapit sa 'kin para umiwas sa liwanag na tinatamaan ang kalahating parte ng kama.
Ang ganda n'ya.
Napatawa ako ng mahina at saka bumuntong hininga. Masasabi kong walang nagbago sa kanya. Simula pa naman noon ay makulit at malambing na s'ya at natutuwa akong hindi nawala iyon.

YOU ARE READING
Towards Better Things (Month Series #2)
RomanceLiving alone for the past years of her existence. She doesn't care what would happen to her next.All she wanna do is to mess around for she thinks she doesn't have even the slightest purpose in the world she lives in. Canary Octavia Alclaro spent al...