抖阴社区

Chapter 17

174 13 2
                                    

Canary Octavia Alclaro

"I'm sorry, hindi kita maihahatid ngayon." Nakatungong sabi ko kay Yohan habang naglalakad papunta sa parking lot. Ilang araw ko na s'ya hindi naihahatid dahil sa pag bantay bantay ko kay Mazy.

Sinusundan ko ang sasakyan nilang dalawa ni Doktora at ayaw kong malaman ni Yohan ang tungkol duon. Mas marami s'yang alam, mas madadamay s'ya.

"Okay lang naman, Can-can. Hindi mo naman ako responsibilidad na ihatid, ano ako? Bata?" Natatawa pa nitong tanong at halos mawala na ang mata sa pagngiti.

I just feel bad 'bout it though. Kahit okay lang sa kanya, sa 'kin hindi.

I don't know but I feel like I'm missing my chance. Chances for what?

I don't fvckin' know.

"Fernandez, can I drive you home? Do you have plans for today?" Napatingin kaming tatlo sa doktora na biglang lumapit sa 'min.

"Ah, wala naman po, Doc." Ngumiti pa ito ng malaki sa doktor at saka lumingon sa 'ming dalawa ni Agi.

"Do you mind if I give you a ride?" Nakatitig ang doktora kay Yohan kaya palihim na napataas ang kilay ko.

For what?

Fvcking what, now, Atheina?

Tsk!

"Ah, sure, Doc." Agad na tumango ang babae.

"Una na 'ko." Bigla ay parang nawalan ng sigla si Agi at tinanguan na lang kami bago mabilis na sumakay sa kotse at pinaandar ito.

Pinannood namin itong makaalis at saka ako napatingin sa dalawang kaharap.

Nakangiti ang dalawa sa isa't isa at parang nakalimutan na nandito pa ako kaya may kung anong sumuntok sa dibdib ko at saka bahagyang napakunot ang noo.

"Hey, I gotta go." Tawag ko pa sa atensyon ni Yohan at parang nagugulat naman itong tumango sa 'kin.

"Bye, Can! Ingat! Mwah!" Napatakip pa ito ng bibig ng matauhan sa sinabi at saka kumaway sa 'kin. Tinanguan naman ako ng doktora at saka inalalayan papasok ng kotse ang makulit na babaeng tuwang tuwa na sumama naman dito.

May kung ano sa dibdib ko na naapektuhan sa nakikita. Lumunok ako at saka malalim na napabuntong hininga. Pumasok ako sa sasakyan matapos mapanood ang pag-andar ng sasakyan ng doktora.

Hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito ang pakiramdam ko. May kurot pero masarap sa pakiramdam, masakit pero bigla ay parang nagiging walang pakiramdam ang parteng iyon ng pagkatao ko.

Nangunot ang noo ko at saka isinandal ang ulo ko sa head rest ng upuan. Ipinikit ko ang mga mata at pilit pinapakalma ang mabilis pagtibok ng puso.

Sa sobrang bilis nito ay nakakaramdam na ako ng kirot.

Pagmulat ko ay biglang naging blur ang paningin ko. Sumasakit ang sentido ko at nahihirapan ako sa paghinga.

Para akong nilulunod.

Nangingilid ang luha na napatawa ako matapos animong maka-ahon sa tubig. Bumalik at normal na paghinga ko at maayos na ang pangingin.

Napatitig ako sa harap at saka napatulala.

Fvck...

Napatulala ako matapos may maramdaman na tumutulo galing sa ilong ko.

Hinawakan ko ito. Malapot na likido...

Dahan dahan akong tumingin dito at saka napalunok.

Dugo...

Bored na bumuntong hininga ako. Ilang araw na simula ng mangyari iyon at napapansin ko na mas nagiging close pa si Doktora at Yohan sa isa't isa.

Towards Better Things (Month Series #2)Where stories live. Discover now