抖阴社区

                                    

"Sayo ako sasabay ah? Pwede?" Tanong sa 'kin ni Yohan matapos makarating sa tapat ng sasakyan. Agad naman akong tumango sa kanya at saka maliit na ngumiti.

"Oo naman."

Agad naman s'yang ngumiti sa 'kin ng malaki.

"Hoy, Agi. Kay Canary muna ako sasabay, ayoko munang makita ang mukha mo, nakakasawa eh."

Agad naman s'yang inismidan ng kaibigan na naghahanap ng kung ano sa loob ng bag.

"Mabuti naman, kailangan ng pahinga ng kotse ko sa madaldal mong bibig. Aba, kung may tenga lang 'yun? Siguradong rinding rindi na s'ya sayo."

"At leaset, cute pa rin."

"Sige na! Una na 'ko. Canary, ingat kayo ah?! Pakibantayan 'yang kaibigan ko, baka makapangagat." Kumaway pa ito bago pumasok at paandarin ang kotse n'ya.

Maingay na dumaan ang oras dahil sa walang tigil na kwento ni Yohan hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay nila.

Ngumiti ako matapos ipabuhat sa guard ang kahon na may lamang mga gatas.

"Sige na, una na 'ko."

"Ayaw mo pumasok muna?" Tanong n'ya matapos humikab. Halatang inaantok at pagod na ito dahil sa dami ng itinuro kanina.

"Wag na, mag pahinga ka na lang." Maliit na ngiti ko pa sa kanya bago ayusin ang strap ng bag n'ya na nahuhulog pababa sa balikat n'ya.

"Sure ka?" Nakanguso nitong tanong sa 'kin kaya tumango ako.

"Hmm."

"Okay... Chat chat na lang tayo." Matapos n'yang sabihin iyon ay parang natigilan pa s'ya. "Wait? Paano kita ma-cha chat, hindi ko naman alam name mo sa FB?"

"Dapat friends na tayo sa FB kasi friends na tayo personally eh." Nguso pa nito habang kinukusot ang mata.

Lumaki ang ngiti ko na agad ko rin namang itinago sa kanya matapos s'yang panoorin at matapos marinig ang sinabi n'ya.

Friends huh?

"Are we?" Tanong ko, pilit na itinatago ang ngisi sa kumakawala sa labi ko.

Nakanguso naman s'yang tumingala sa 'kin.

"Ha?"

"Friends tayo?" Tanong ko ulit. Pinapanood ang pagbabago bago ng reaksyon sa mukha n'ya.

Cute...

"O-oo... Ayaw mo?" Parang bigla s'yang nailang at umiwas ng tingin bago tumitig sa 'kin.

"Basta! Friends na tayo! Gusto ko friends tayo eh."

Lumitaw ang ngisi na pilit kong tinatago. Mahina akong natawa bago tumango tango ng ilang beses, sumasang-ayon kunwari sa sinabi n'ya.

Inilabas ko ang cellphone ko sa bulsa at saka inilagay ito sa Facebook app. Bumuntong hininga ako para pigilan ang mga kumakawalang emosyon at pati na rin ang mabilis na pagtibok ng puso.

Inabot ko sa kanya ang cellphone habang ang isang kamay naman ay ipinasok ko sa bulsa ng uniform ko. Ikinuyom ko ito, pilit na hinihigpitan para kahit papaano ay makaramdam ng sakit at mabaling duon ang atensyon ko.

Ngunit ayaw mabali ang tingin ko sa babaeng kaharap. Pati na rin ang hindi maipaliwanag na pakiramdam ay ayaw mawala kahit anong diin pa ang gawin ko.

"Bakit?" Tanong n'ya habang nagtataka na palipat lipat ang tingin sa cellphone ko at sa mukha ko. Hindi ako sumagot o nagsalita. Isinenyas ko lang ito, dahil alam kong sa oras na gumawa ako ng reaksyon ang tutuloy ang hindi ko mapigilan na ngiti.

"Anong gagawin ko?" Sa halip na sumagot ay ipinakita ko sa kanya ang nasa screen. Gulat at nangingiti n'ya akong tinignan, naniniguro.

"Seryoso?" Tumango ako. Agad n'ya naman itong kinuha at inabot din ng ilang minuto ang ginawa n'ya sa cellphone ko. Wala naman akong ginawa kundi ang maghintay at titigan ang bawat pag-ngiti n'ya.

"Yan! Friends na tayo sa FB!" Masigla n'yang sabi at saka inabot sa 'kin ang cellphone. Tinignan ko pa ito at nakita ang nakangiti n'yang mukha sa gilid ng pangalan.

Yohan Fernandez...

Fernandez?

Ngumisi ako at pinalis ang kung anong naisip. Tumingin pa ako sa tuwang tuwa n'yang mukha bago tumango tango.

"Sige na, pumasok ka na, friend..."

Napaawang ang labi n'ya sa narinig at saka malakas na tumawa. Ngumiti lang ako a kanya at tumango.

"Sige na, pasok na." Kumaway pa s'ya habang naglalakad papasok sa gate. Agad naman akong gumanti dito ng kaway na hindi ko madalas gawin kaya napabungisngis s'ya.

Sumakay ako sa sasakyan at hinintay na isarado n'ya ang gate bago nagmaneho.

Friends, huh?

Towards Better Things (Month Series #2)Where stories live. Discover now