抖阴社区

                                    

Wala ka na ulit dun.

Tumunog ang cellphone ko at nadagdagan ang number na nasa chat head ni Yohan. Napailing ako at binuksan ito.

Yohankyutiepie

Can-can!

Huy!

Bat ayaw mo sumagot?

Canary!

Seen na please...

Ano ba kasi?

Sino ba kasing Donna?

Seen mo na 'ko!

Pinindot ko ang keyboard pero agad ding tinanggal ito at saka tinitigan lang ang mga chat n'ya.

Yohankyutiepie

Ang tibay...

Literal na nai-seen nga lang.

Canary naman eh.

Hinintay ko pa ang kasunod nitong chat pero wala na itong naisend. Nai-slide down ko ang chat head n'ya at plano na sanang i-power off ang cellphone ng may lumabas na naman na notification.

Yohan Fernandez

One dot kung nai-seen ka lang rin.

PS. Pansinin mo na 'ko, please...

Likes   2 Comments    Share

Agi Hermosa

Same...

Goals.

Yohan Fernandez

One dot nga eh, tanga ka talaga.

Agi Hermosa

Pake mo? Wala ka na dun.

Yohan Fernandez

Palusot!

Agi Hermosa

Angas mo ah!

Mention mo nga kung matapang ka.

Kapag nagawa mo, may isang truth or dare ka sa 'kin.

Napailing ako habang nagbabasa ng sagutan nila sa comsec. Seryoso? Pati sa comment section nagbabangayan sila?

Wala talagang pinipiling oras at lugar ang dalawang 'to. Basta gusto nilang mag-away, mag-aaway sila kahit saan o kahit anong paraan.

Napakunot ang noo ko ng biglang may lumitaw ang pangalan ni Yohan sa notification bar ko.

Yohan Fernandez mentioned you in a post.

Towards Better Things (Month Series #2)Where stories live. Discover now