Ibinalot ko ang mga bisig ko sa maliit n'yang katawan at saka s'ya payakap na marahang binuhat para makapantay ko s'ya.
"Ang liit mo po, ang cute mo, sobra." Bulong ko pa at saka marahang isinayaw ang katawan habang buhat s'ya.
Naramdaman ko pa ang mahina n'yang paghagikhik at ang malambot n'yang kamay na nakahawak sa damig ko.
"Inuuto mo lang ako eh." Nguso pa n'ya matapos ko s'yang ibaba. Agad akong inosenteng umiling sa kanya.
"No, hindi po. Totoo namang ang cute mo." Sabi ko kaya napangiti s'ya at saka napatawa.
"Good morning, Can-can!" Pagbati n'ya na hindi n'ya nagawa kanina sa pag-aalala. Kumaway pa s'ya sa 'kin kahit naman magkalapit lang kami kaya napangiti ako ng maliit.
"Good morning, Yohan!" Ganti ko at saka kumaway din sa kanya.
Sa huli ay sabay sabay kaming nag breakfast na ikinatuwa naman ni Mrs. Fernandez at ng mga bata.
Halos ipakain na nila lahat sa 'kin kaya napalunok ako ng bahagya.
Matapos kumain ay sandali muna kaming nagpahinga.
"Ate, ikaw naman mag hugas ah! Nakapag hugas na 'ko kagabi." Nakangusong sabi ni Yadana.
"Ako rin, nag hugas na 'ko kahapon." Segunda naman ng bunso kaya napangiwi si Yohan.
"Oh sige. Ganito na lang, ikaw Yadana, iligpit mo 'tong mga pinagkainan. Ikaw naman Yale ay sabunin mo ang mga plato tapos ako na mag huhugas, okay?" Nakangiti pang sabi ni Yohan at napasimangot naman ang mga bata at umiling iling.
"Edi parang kami na rin gumawa ng gawain mo po!"
Agad na napatawa si Yohan habang nakataas ang hinalalaking daliri.
"Buti naman ay hindi kayo tanga. Good job kids!" Sabi pa nito bago ismidan ang dalawa. "Humanda kayo sa 'kin mamaya." Bulong pa nito at saka tumayo para ligpitin ang mga pinag kainan. Agad ko naman s'yang tinulungan at saka sumunod sa kanya papasok sa pinaka kusina kung nasaan ang lababo.
"Thanks Can-can... Sige na, upo ka na sa sala."
Imbis na sumunod ay naupo ako sa harap ng counter kung saan kitang kita ko s'ya. Ang cute na mga galaw n'ya ay naglalagay ng ngiti sa labi ko.
Ang cute n'ya talaga.
Napatulala ako sa likod n'ya at napangiti ng maliit.
Paano ko nga ba na realize na gusto ko s'ya?
Napabuntong hininga ako at saka napasandal habang magka cross ang mga braso at hinihimas ang pang ibabang labi.
Wala akong makuhang sagot sa sarili kong tanong. Basta lahat ng mga ginagawa n'ya, mga salita, boses, kahit ano pa yan, nakakapagpa bilis ng tibok ng puso ko.
Ilang taon na rin...
Matagal na panahon na rin.
Pwede bang magkagusto sa isang tao ng ganon katagal?
Bigla ay bumilis ang tibok ng puso ko. Nag-uunahan at sinasabayan pa ng panlalamig ng mga palad ko. Nanuyo bigla ang labi ko kaya kinagat ko ito at malalim na napa buntong hininga.
Ilang beses pa akong lumunok at saka lumabas ang ngiti sa labi ko.
Halos manginig ang lahat ng kalamnan ko sa kaba. Na hindi ko alam kung saan nanggagaling.
Pakiramdam ko pati ang lalamunan ko ay nanuyo kaya pilit kong ikinalma ang sarili.
Sa matagal na panahon, posible ba?
In love?
Fvck, yes! I'm in love!
Nanginginig ang mga kamay na napatawa ako ng mahina.
"Gonna have to always make sure... That I'm not just somebody's pleasure." Napangiti ako nang marinig ang malambing na boses n'ya.
Pinagsasabay n'ya ang pagkuskos ng pinggan sa pagkanta, na s'yang nagpabilis ng puso ko. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko kaya mahina akong huminga ng malalim.
Bwisit na puso 'to. May sarili atang isip.
Pinanood ko lang s'yang maghugas ng pinggan hanggang sa pagtataob. The way she firmly hold the plates as well as the utensils put a wider smile on my face.
Cute...
"When will I get a love, that is so pure..."
Marahan akong tumayo at lumapit sa kanya at saka magaang hinawakan ang pareho n'yang balikat.
"Now... Oh sabihin na nating," Tumigil ako at saka ngumisi. "Dati pa." Bulong ko malapit sa tenga n'ya. Naramdaman ko ang paninigas ng katawan n'ya bago lumingon ng dahan dahan sa 'kin. Gulat at namumuo ang mga luha sa mata.
"You're 15 years in the making, Yohan." Sabi ko kaya napaawang ang labi n'ya. "Hm... Sabihin na nating, 20 years?" Dagdag ko pa habang natatawa.
Pagpapatuloy ko habang hawak ang dalawa n'yang pisngi.
Bigla ay tumulo ang mga luha n'ya at saka nagsumiksik sa dibdib ko. Natatawa ko naman s'yang ibinalot s'ya sa mga bisig ko.
"I-i m-missed y-you, Can-can..." Humihikbi n'yang sabi kaya pakiramdam ko ay gumaan at nawala bigla ang panginginig ng mga kamay ko.
"I missed you, too, Mazea..."

YOU ARE READING
Towards Better Things (Month Series #2)
RomanceLiving alone for the past years of her existence. She doesn't care what would happen to her next.All she wanna do is to mess around for she thinks she doesn't have even the slightest purpose in the world she lives in. Canary Octavia Alclaro spent al...
Chapter 30
Start from the beginning