抖阴社区

                                    

Agad naming narinig ang pag call sa mga doktor.

"S-si... Si Mazy ba 'yun? Si M-mazy 'yun diba?" Nagugulat at kinakabahang tanong ni Yohan habang nakaturo kung sino ang nakahiga sa stretcher.

"A-anong nangyari? Bakit may ganito?" Nagtatakang tanong naman ni Agi at nagpalingon lingon sa kung saan. Agad naming nakita si Doc. Atheina na nagmamadaling lumapit sa pasyente.

Puno ng dugo si Mazy habang nakasuot pa ng uniform.

The fvck? What happened to her?

"Anong nangyari sa pasyente?" Agad na tanong ni Doktora. Seryoso ang mukha at mukhang hindi rin makapaniwala.

"Nabangga po ang kotseng sinasakyan n'ya, Doc." Sagot naman ng isang nurse.

"Check her vital signs." Nagmamadaling sabi ng Doktor habang pinag-aaralan ang nangyari sa pinsan n'ya.

Nabangga?

Sa itsura n'ya ay mukhang malala ang pagkakabangga na nangyari.

"Anong nakabangga sa kanya." Tanong ko sa isang pulis na malapit sa 'min na s'yang kasama nila.

Nagtataka ang mukha ay napalingon ito kay Mazy na agad na itinakbo ng nga nurse papunta sa operating room.

"Isang four by four din. Katulad ng sasakyan n'ya." Seryosong sagot ng pulis.

Hindi na ako nagtanong pa dahil alam ko namang hindi sila dapat masyado nag-bibigay ng impormasyon lalo na kung hindi pa mariin naiimbistigahan ang isang kaso.

Katulad ng sasakyan n'ya?

Sa naaalala kong sasakyan ni Mazy ay katulad din ng kotse ni Agi. Hindi gaano kalakihan.

Kung katulad lang din ng sasakyan n'ya ang babangga sa kanya? Bakit parang sobra ang mga sugat na natamo n'ya?

Depende na lang sa bilis ng pagtakbo ng kotse.

Oh kung sinandya talaga ito...

Agad kong inilabas ang cellphone at nai-text si September.

Napatingin ako sa dalawa na mukhang nababahala pa rin sa nangyari sa babae. Agad kong hinawakan ang kamay ni Yohan at saka marahan itong pinisil.

Dinala ko muna sila sa Cafeteria para maalis ang takot nila at maibaling na rin ang atensyon sa pag-kain.

Mukhang gumana naman at ngayon ay nag-aasaran na naman silang dalawa.

"Alam mo? Ang tanga mo talaga." Iiling iling na sabi ni Yohan kay Agi na sinimangutan naman s'ya.

"At bakit naman?"

"Bakit kasi hindi ka pa umamin? Ayan tuloy. Mahirap na umamin kay Doktora n'yan. Lalo na at distracted n'ya ngayon. Dapat talaga umamin ka na para mai-comfort mo s'ya." Nakangiwing sabi ni Yohan kay Agi na sinimangutan naman s'ya.

"At bakit naman? Paano ko s'ya ico-comfort kung nalulungkot s'ya dahil sa nangyari girlfriend n'ya? Ayoko maging panakip butas 'no!" Agad na nangunot ang noo ko sa sinabi ni Agi.

The fvck?

Girlfriend?

"Ay wala, tanga talaga 'to. Wala ng pag-asa." Iiling iling pa na sabi sa 'kin ni Yohan habang nakaturo kay Agi.

"Bakit? Ikaw? Kung si Mazy man ang girlfriend ngayon ni Canary? Tapos nag-away sila kaya nai-comfort mo tapos dumepende na s'ya sayo? Pero kapag okay na sila ni Mazy ay iiwan ka na rin. Papayag ka ba?"

Nalito pa ako sa sinabi n'ya kaya nagtataka ko silang pinanood.

"Aba't! Itong bobong 'to. Bakit napunta ka na sa ganyan? Pag-amin pa lang ang sinaasabi ko. At saka anong girlfriend? Si Mazy at si Doc?" Nagtatakang tanong pa ni Yohan na tinanguan naman ni Agi.

"Oo, sino pa ba?" Ismid sa kanya ni Agi.

"Ha! BOBO! Bobo ka..." Natatawang pang-aasar ni Yohan sa kaibigan.

"Mag-pinsan silang dalawa." Ako na ang nagsalita dahil kung hindi ay magpapatuloy lang ang pag-aasaran nila.

Agad namang tumango tango si Yohan na parang sumasang-ayon sa sinabi ko. Habang si Agi ay laglag ang panga at hindi makapaniwala na nakatitig sa 'kin.

Abnormal...

"M-mag pinsan sila?" Tanong pa n'ya na inosente naman naming tinanguan ni Yohan.

Prente kong binuksan ang bote ng tubig ni Kulit at binigay ito sa kanya at saka nag patuloy sa pagkain.

"Oo, hindi mo alam?" Gulat na tanong pa ni Yohan sa kaibigan na sinamaan naman kami ng tingin.

"Oo, malamang! Kung alam ko ba mag-yayaya ba 'kong mag inom kahapon?!" Nagmamaktol pa nitong reklamo.

"Naman eh! Bakit hindi n'yo sinabi? Sayang lang luha ko!"

Inosente namin s'yang tinignan at saka nagkibit balikat.

"Hindi ka naman nagtanong." Simple kong sagot na lalo nitong ikinasimangot.

Towards Better Things (Month Series #2)Where stories live. Discover now