抖阴社区

                                    

Tumango tango naman s'ya at saka inosente ang mga mata na tumingin sa 'kin.

"Can? Si Agi..." Tumigil s'ya at nakita ko ang pagdaan ng pag-aalala sa mga mata n'ya.

"Nag-aalala na 'ko sa kanya. May mali kasi eh, hindi ko masabi kung ano pero pakiramdam ko talaga may mali..." Napatango tango naman ako at sumang ayon.

Napansin ko na rin iyon. May iba sa kinikilos n'ya. Masyado s'yang masaya ngayon.

Masaya nga ba?

May mapapansin akong iba sa mga reaksyon at galaw n'ya na hindi naman n'ya ginagawa dati. Bilang kaibigan ay nag-aalala rin ako dahil baka kung ano ng nangyayari sa kanya.

"Daanan natin s'ya mamaya, uwian natin nito." Sabi ko pa sa kanya at tuwang tuwa naman s'yang tumango.

"Sige, sige! Mag papaalam na rin ako kay Mommy na duon muna ako matutulog kina Agi mamaya." Ngiting ngiti na sabi pa n'ya kaya napatawa ako.

"Sige, ihahatid kita."

"Sure ka, Baby? Dadaan pa 'ko sa bahay. Baka masyado ka ng pagod." Nag-aalala nitong tanong. Pero hindi duon natuon ang atensyon ko, kundi sa itinawag n'ya sa 'kin.

Oo, madalas n'ya akong tawagin na ganyan pero hanggang cellphone lang. Katulad ng comment n'ya sa post ni Agi. Pero hindi pa n'ya ako natatawag ng ganyan sa personal kaya hindi na naman magkanda mayaw sa bilis ang tibok ng puso ko.

"Hmm? Ulitin mo nga." Nag pipigil na ngiting sabi ko at kumunot naman ang noo n'ya.

"Ha? Ang alin."

"Yung sinabi mo."

"Sabi ko ay dadaan pa—"

"No, not that one." Iling ko pa at saka tumikhim at saka marahang humigop ng kape.

"Eh ano?" Nagtatakang tanong n'ya at saka tumitig sa 'kin ng ilang segundo bago ngumiti at saka napatawa ng mahina.

"Baby?" Tanong n'ya.

Nahawa ako sa tawa n'ya at saka tumango tango.

"Ihahatid kita mamaya sa bahay n'yo pati na rin sa bahay ni Agi. Wag ka mag-alala dahil hindi pa naman ako pagod."

Halos kalahating oras kami nag stay duon bago dumeretsyo sa villa na nirentahan ko. Kapag nagandahan ako sa lugar na ito ay plano ko itong bilhin para na rin maging rest house.

Inilibot ko ang mata sa paligid. Maaliwalas, medyo ma fog at talagang malamig pero may hot spring naman. May ilang kwarto rin at kumpleto ang gamit sa kusina pati na sa sala.

Napatingin ako kay Yohan na nagtatatalon para lang mabilis na maka punta sa hot spring.

"Yohan, dahan dahan. Baka madulas ka." Sabi ko agad habang inaayos ang robe ko. Bago kami makapunta sa coffee shop ay dumaan muna kami sa mall para bumili ng pang swimming ngunit wala kaming mahanap kaya ang binili na lang naming pareho ay tank top at short.

Tinanggal ko na ang robe ko at saka sumunod sa kanya na tuwang tuwa na nakalubog na ang katawan sa maligamgam na tubig.

"Waaa... Ang sarap. Tara na Can-can!" Nakangiting sabi pa n'ya kaya dahan dahan akong sumulong.

Ramdam ko agad ang ginhawa na bumalot sa katawan ko matapos makalublob sa tubig. Iniibsan nito ang lamig.

Nakangiti kong inayos ang buhok ni Yohan at saka pinisil ang pisngi n'ya matapos s'yang halikan duon. Medyo matagal din kaming nagbabad bago sabay na umahon para kumain at saka sumulong ulit sa tubig.

Ngayon ay pasakay na kami ng kotse. Tuwa ang makikita kay Yohan at mukhang na relax talaga s'ya ng husto. Kaya ko rin naisipan na dito sa dalhin ay nakaka stress nga naman ang kurso namin. Para rin gumaan ang pakiramdam n'ya kahit papaano. Mukhang gumana naman dahil tuwang tuwa s'ya at mukhang na recharge na.

Towards Better Things (Month Series #2)Where stories live. Discover now