抖阴社区

                                    

Matapos kong maisarado ang pinto ng passenger seat at s'yang daan naman ng mabilis na kotse sa gilid ko. Mabilis akong napaiwas at saka sinundan ng tingin ang sasakyan na papaalis na at saka napalingon sa kabilang banda kung saan tumigil ang tatlo pang sasakyan na itim.

Fvck! Not now!

Kung kelan talaga kasama ko si Yohan ay saka sila nagpaka bobo.

Agad akong nag dial sa cellphone ko.

"You already know my location, track me. Bilisan n'yong kumilos." Utos ko matapos n'yang sagutin ang tawag.

Dali dali akong pumasok sa sasakyan at nakita si Yohan na inosenteng nakatingin sa 'kin.

"Baby, I need you to bow down. Okay? Please, do it for me, Yohan." Mabilis ngunit malambot na sabi ko. Agad s'yang nagtaka at napalingon lingon sa paligid kaya hinawakan ko ang pisngi n'ya para ituon ang mata n'ya sa 'kin.

"Yohan... Listen to me, I'll explain everything to you as soon as we got out of this. Pero ngayon, makinig ka muna sa 'kin. Please?"

Napatitig s'ya sa 'kin ng seryoso at saka tumango tango.

Ginawa n'ya ang gusto ko. Yumuko s'ya ng bahagya at nag maneho naman ako ng mabilis para makalampas sa tatlong kotse na nakaharang.

Napamura ako matapos nilang sunod sunod na magpa putok ng baril. Kita ko ang gulat sa mukha ni Yohan ng mapatingin s'ya sa 'kin.

"Fvckers!" Sinilip ko ang mga ito na nasa likod at patuloy pa rin kaming hinahabol. Nilabas ko ang baril na nasa ilalim na upuan ko at saka sandaling tumigil para paputukan ang gulong ng isa.

"Canary!" Gulat na napatingin si Yohan sa baril na hawak ko kaya ibinato ko na lang ito sa upuan sa likod at saka pinag patuloy ang pagmamaneho.

Nanggigigil na napatingin ako sa tracker na nasa pulso ko at saka napailing.

Ang babagal!

Mabilis kong kinuha ang cellphone at nai dial ang number ng butler ko.

"Sh*t! Where the fvck are they?! I'm with my girl!" Galit na sabi ko pero pinipilit babaan ang boses para hindi na madagdagan pa ang takot ni Yohan.

"They're on their way, Miss." Buong sabi ng lalaki kaya napatingin ako sa harap kung saan sunod sunod na mabibilis na sasakyan ang dumating. Nilampasan ko ang mga ito at saka mas binilisan pa ang pagmamaneho.

Humilera sila sa likod ko na parang may hinaharangan na kung ano kaya unti unti ay napahinga ako ng maluwag.

"Get all of them, wala kayong ititira." Mahinang bulong ko at saka ibinaba ang tawag.

Nakatulalang napaayos si Yohan ng upo. Seryoso ang mukha nito kaya ilang beses akong napalunok. Matapos makalayo ay itinigil ko ang sasakyan sa kabilang kalsada at saka s'ya hinarap.

Marahan kong hinawakan ang kamay n'ya at saka lang s'ya lumingon. Walang mababasa na ekspresyon sa mukha nito kaya lalo akong kinabahan. Mas kumabog pa ata ang dibdib ko sa tingin ni Yohan kesa sa nangyari kanina.

"I'm sorry you have to experience that, Baby." Marahan kong panimula at napayuko pa habang nilalaro ang kamay n'ya.

"May kinalaman ba iyon sa nangyari sa 'yo noong nakaraan?" Tanong n'ya matapos ang mahabang katahimikan. Tumingin ako sa kanya at nakitang sumulyap s'ya sa tigiliran ko bago tumitig sa 'kin.

"Opo..."

"Bakit nila ginagawa 'to? May nagawa ka ba?"

"Opo..."

"Anong nagawa mo? Pwede mo bang sabihin?"

"Opo..."

"Ano? Ile..." Hindi n'ya matapos ang sinasabi kaya agad akong umiling habang inosente ang mga mata.

"Hindi po! Ang totoo ay sila pa ang may kasalanan." Iling ko pa at napatango tango naman s'ya na parang iyon din ang nasa isip n'ya.

"You know September, right?" Tanong ko at tumango naman s'ya.

"I'm helping them. Iyong mga nakasasakayan kanina, ang hinala namin ay may kinalaman sila sa pagkamatay ng kuya ni Heal at ng pamilya ni Ember. Matagal na silang binabantayan ng mga iyon dahil siguro sa malaking pera na makukuha nila mula sa dalawa."

Seryoso naman s'yang tumango at umiintinding napalunok.

"Heal? Sinong Heal?"

"Ember's boyfriend..." Sagot ko pa.

"They're my friend, Baby. And I wanna do something for them. Matagal ko ng kaibigan si Ember kaya pamilya na rin ang turing ko sa kanila." Sabi ko at unti unti naman s'yang napangiti.

"Ang bait mo..." Ngiti n'ya kaya nakahinga ko ng maluwag at saka s'ya binuhat para iupo sa hita ko at saka s'ya niyakap.

"I'll keep you safe, Baby..." Nakapikit kong bulong at ramdam ko naman ang pagyakap n'ya sa 'kin.

"Mag iingat ka lagi, Can-can ah?" Napangiti ako sa sinabi n'ya at saka marahang tumango at hinalikan ng mabilis ang leeg n'ya bago s'ya tiningala. Nag-aalala ang mata nito ngunit ramdam ko ang pag intindin at ang paghanga.

"Mahal kita, Yohan..." Napatitig s'ya sa 'kin bago ngumiti.

"Mahal din kita, Can-can..."

Towards Better Things (Month Series #2)Where stories live. Discover now