Lalo pa ng maospital ako...
"Kamusta na, Nak?" Ngiting tanong pa n'ya kaya gumaan ang pakiramdam ko sa loob loob. Mukhang masaya naman s'ya sa ginagawa n'ya, kaya siguro ay wala naman akong dapat ipag-alala.
Pero sino nga ba ang makakaalam kung anong nararamdaman natin at kung anong tumatakbo sa isip natin? Tayo lang rin naman din. Ang sarili lang.
"Eto, hinihintay kang mag asawa. Tumatanda ka na, wala ka pa rin napipili?" Nakangisi ko s'yang nilagpasan matapos makita ang asar n'yang mukha.
"Aba't! Anong tumatanda? Sira ulo 'tong batang 'to ah..." Agad s'yang sumunod sa 'kin habang nakasimangot.
"Kuntento na 'ko sa buhay ko. Hinahayaan ko na lang dalhin ako ng hangin kung saan ako dapat naroon." Bigla ay sabi n'ya kaya napatingin ako sa kanya. Nakangiti ito habang sinasabayan ako sa pag lalakad.
"Don't you wanna have family on your own? You're not getting any younger, Silas." Sagot ko matapos ang ilang segundo. Agad naman s'yang tumingin sa 'kin at saka magaan na ngumiti.
"Pamilya kita, Canary. Kahit anong sabihin mo ay tatay mo na 'ko at wala ka ng magagawa." Tila nang-aasar pa nitong sabi kaya napangiwi ako. "Kaya kapag kinasal kayo ni Yohan ay ako ang sasama sa 'yo sa paglalakad." Ngisi pa n'ya kaya umiling ako.
"Hindi ako lalakad sa aisle." Agad na kumunot ang noo n'ya sa pagtataka.
"Bakit? Sa tagal na pag sisilay mo kay Yohan, wala kang balak na pakasalan—"
"Mag iintay ako sa kanya habang nakatayo sa harap ng altar." Ngisi ko sa kanya at saka nagpauna mag lakad. Kita ko ang paglaglag ng panga n'ya na hindi ko na pinansin.
"Dalaga na ang Can-can... Boss, dalaga na apo mo." Rinig kong bulong n'ya na parang kinakausap pa ang picture ni Lolo sa pader ng bahay n'ya. Oo, may picture si Lolo dito dahil ang bahay na ito ay galing sa kanya. At gusto ni Silas na may picture ang amo n'ya sa pamamahay n'ya dahil talagang simula binata pa s'ya ay kasama na n'ya ito.
"Nasaan na ang mga bobong 'yun?" Tanong ko matapos s'yang tignan na nagmamadaling sumunod sa 'kin.
"Nasa basement ang mga bwiset, ang yayabang ng mga mukha. Akala mo naman ay mga gwapo, mas gwapo pa nga ako kesa sa kanila eh..." Mayabang s'yang ngumisi kaya napakunot ang noo ko at hindi na s'ya pinansin.
"Grabe talaga ang support mo, Nak! Ramdam na ramdam ko! Thank you ha?"
Pagkapasok pa lang namin sa pinto matapos bumaba ng hagdan ay bumungan na sa 'min ang mga nakagapos na pitong lalaki. Ang apat ay mga nakayuko at parang tulog pa at ang tatlo naman ay sinalubong kami ng galit at mayabang na mga mata.
Hindi naman ako nagsalita at prenteng tumayo sa harap nila. Ang tunog lang ng sapatos ko ang maririnig at ang mabibigat na paghinga ng mga lalaking ito. Si Silas ay dumeretsyo sa mga nakahilerang armas sa table n'ya.
Nakangising tumitig sa 'kin ang isa sa mga lalaki na para bang sinasabi nito na malaking pagkakamali ang ginawa naming pagkuha sa kanila.
"Mas mabuti pang pakawalan n'yo na lang kami... Mas mababawasan ang kapahamakan na mapupunta sa inyo." Nakangising pagyayabang nito sa 'kin kaya napatango tango ako habang nakangiwi.
"Ah talaga? Pake ko naman?" Nabawasan ang ngisi sa mga labi nila ngunit pinagpatuloy pa rin ang yabang sa mukha.
Sumandal ako sa isa sa lamesa na nasa likod at saka itinukod din ang dalawang kamay dito matapos suklayin ang buhok pataas.
"Mukhang matapang ka ah? Hindi ba't s'ya iyong babaeng pinapatapos sa 'tin ni Boss mula pa nung isang linggo?" Baling pa nito sa katabi kaya napangiwi ako.

YOU ARE READING
Towards Better Things (Month Series #2)
RomanceLiving alone for the past years of her existence. She doesn't care what would happen to her next.All she wanna do is to mess around for she thinks she doesn't have even the slightest purpose in the world she lives in. Canary Octavia Alclaro spent al...
Chapter 44
Start from the beginning