"At talagang may lakas ka pa ng loob na mag yabang?" Umiling iling ito at natatawang nag kibit balikat.
"Tutal ay nandito ka na rin naman, bakit hindi ka na rin isama sa dalawa? Bisita ka, Iha. Hindi ba't nakakahiyang dumalaw ng wala man lang dalang pasalubong?" Natatawa itong yumuko at saka kumuha ng baril.
Mukhang gamay na gamay na itong humawak ng armas dahil sa paglalaro nito duon. Iniikot ikot n'ya iyon sa daliri at saka parang tangang natatawa.
"Pake ko naman sa 'yo?" Ismid ko sa kanya.
Ang kapal naman ng mukha n'yang mag demand ng kung ano sa 'kin. Ano s'ya? Hindi naman kami close. Si Yohan nga na girlfriend ko ay hindi humihingi ng kung ano.
Ngumiwi ako dahil alam ko ang tinutukoy n'ya. Gusto n'ya na pati ang pag-aari ko ay makuha n'ya. Kung gusto n'yang kunin ay kay Silas n'ya hingiin. Kung kaya n'ya.
Silas is just a jolly man outside, but if you triggered him, he will explode. Mabait s'ya sa taong mabait din sa kanya. But if you tried to make a fool of him, you'd rather kill yourself before he does.
"Bakit hindi ka na lang sumang-ayo, Iha? Pinapahirapan mo lang ang sarili mo." Tumingin s'ya bigla kay Yohan na nasa bandang gilid ko.
Agad na nangunot ang noo ko at saka napakagat ng labi. Pilit kong kinokontrol ang sarili dahil baka kung ano ang magawa ko.
Marahan akong humugot ng blade na nakatago sa damit ko at saka umatras ng kaunti para mailayo si Yohan. Nakangisi akong tumingin sa kanya at saka natawa.
"Pasalubong ba ang gusto mo?"
Nagtataka man ay nakangiti s'yang tumango tango na parang nakikipag laro lang. Umiling naman ako at saka mabilis na inihagis sa kanya ang blade na kinuha ko.
"Eto, pakasaya ka."
Mukhang hindi n'ya inaasahan ang pag galaw ko dahil agad s'yang tinamaan sa balikat. Puro daing n'ya lang ang maririnig at habang hindi pa s'ya nakakaayos ng tayo ay agad akong yumuko para kumuha ng baril.Mabilis akong bumwelo ng isang malakas na sipa kung saan tinamaan s'ya sa tagiliran. Agad s'yang napaatras at muntik pang matumba kung hindi lang napasandal sa isang poste ng bahay.
Mabilis kong ikinasa ang baril ngunit napangiwi ng mapagtantong wala itong lamang bala.
Malakas na ibinato ko sa ulo n'ya ang baril at muling yumuko para kumuha pa ng baril na nahulog galing sa mga tauhan n'ya. Umatras ako at saka napatingin sa kanya na mukhang natauhan na sa nangyari.
Ramdam ko ang pag angat ng gigil ko dahil wala na namang lamang bala ang nadampot ko. Ibinato ko ito sa kanya na tumama naman sa baril n'ya dahilan para mahulog ito.
Mabilis akong kumuha ng tubo ng bumunot s'ya nv baril mula sa tagiliran n'ya at saka ito malakas na hinampas.
"Estupida!" Gigil n'yang sigaw at saka dinamba ako ng suntok. Agad akong umatras ngunit nahagip nito ang labi ko. Lasa ko pa ang animong kalawang na nanggagaling sa dugo ko kaya agad na sinipa ko s'ya sa tiyan.
"You fvcking stupid old man. Walang kwenta 'yang pagiging pulis mo kung sa masama mo lang naman gagamitin." Gigil na sinalubong ko s'ya ng isang malakas na suntok dahilan para mapaupo s'ya sa sahig.
My eyes quickly search for my girlfriend. Nakahinga ako ng maluwag matapos s'yang makitang kasama ni Silas. Mukhang sinasama na s'ya nito palabas. I immediately smiled at her the nod my head as my response.
Silas tossed his gun at my direction so I instantly jump to catch it with my hand. And before Mr. Vargas could even reach the gun beside him, I kicked it hard.
I placed my gun in front of his head then run my thumb on my lips. Hinihingal na pinagmasdan ko ang gagawin n'ya. Masakit man ang katawan ay pinanatili ko ang sariling nakatayo.
Just as I thought, he tried to grab the gun I'm holding. Napangisi ako at saka mabilis na iniwas ang baril at saka tinuhod s'ya ng malakas sa dibdib.
Napaatras s'ya at galit na tumitig sa 'kin. Halatang gigil na gigil na dahil hindi n'ya magawa at makuha ang gusto.
Lumapit ako ng marahan sa kanya at bago pa s'ya makatayo ay sunod sunod kong pinaputukan ang hita n'ya, pati ang binti at paa.
Puro daing n'ya ang maririnig bukod sa ilang putok ng baril. Pinagsisipa ko ang ilang armas na malapit sa kinatatayan namin at saka ko itinapak ang paa sa dibdib n'ya habang napapailing na tumitig sa kanya.
"Sinayang mo ang pusisyon at pagkakataon na meron ka para protektahan ang bayan, Mr. Vargas..." Seryosong sabi ko habang pinapanood s'yang umiiyak sa sakit.
Agad akong nag punas ng ilong matapos maramdaman ang pag daloy nv kung ano duon.
Tinalikuran ko s'ya at mabilis na lumabas ng bahay. Agad kong nakasalubong si Heal na akay akay si September.
Parang gusto ko na lang maiyak sa lagay ng kaibigan ko. Punong puno ito ng dugo habang hindi na halos makatayo. Ultimo pag mulat ng mata ay hindi na n'ya magawa.
Agad na sumakit ang dibdib ko lalo na ng makita ang tuloy tuloy na pag dalos ng luha mi Heal.
"Canary... Si Ember..." Nanghihina n'yang pagtawag sa 'kin. Ramdam ko ang pamumuo ng luha sa gilid ng mata ko habang pinagmamasdan ang ilang tauhan ko na tulungan si Heal na dalhin sa sasakyan si Ember.
Rinig ko ang pag hagulgol ng girlfriend ko kaya ang sakit na nararamdaman ko ay lumala. Ang pag kirot ng ulo ay hindi ko na pinansin. Muli ko pang ipinunas ang kamay sa ilong ko at nakita ang pulanat malapot na likido galing dito.
Seryoso akong umatras at agad na hinawakan si Yohan.
Kinuha ko ang malaking granada na hawak ng tauhan ko habang nasa tabi ko si Yohan. Mabilis kong binunot ang lock at saka malakas na hinagis ito sa bahay kung saan ang lungga ng mga Serviono.
Ang malakas na pag sabog sa loob ay malakas naming narinig. Ang mabilis na pag kalat ng apoy sa bawat sulok ng bahay ay kitang kita namin.
Ang init na dala ng apoy na iyon ay kabayaran ng ginawa nila sa buhay ng kaibigan ko.
Agad kong niyakap si Yohan at binuhat s'ya para mabilis na makaalis sa lugar. Sandali ko pang nilingon ang lugar at napangisi.
Burn, fvckers.
"C-can-can..." Napatingin ako kay Yohan na nakasiksik sa dibdib ko at saka s'ya nginitian.
"I'm here, Baby..."
Mabilis kaming sumakay ng sasakyan ni Silas at inuna ko si Yohan. Tumabi ako sa kanya at saka s'ya niyakap ng mahigpit. Rinig ko pa ang mga hikbi nito kaya lalong nadurog ang puso ko.
Namasa ang mata ko at nagsimulang lumabo ang mata ko. Lumunok pa ako ng ilang beses habang iniinda ang sakit ng ulo ko.
Hirap na akong huminga pero pilit kong pinapalakas ang sarili para hindi na mag-alala si Yohan.
Ngunit hindi pa man nakakalipas ang ilang minuto ay unti unti ng binabalot ng dilim ang paningin ko.

YOU ARE READING
Towards Better Things (Month Series #2)
RomanceLiving alone for the past years of her existence. She doesn't care what would happen to her next.All she wanna do is to mess around for she thinks she doesn't have even the slightest purpose in the world she lives in. Canary Octavia Alclaro spent al...
Chapter 51
Start from the beginning