抖阴社区

                                    

Bumaba ako sa sofa at saka nakangusong sumilip sa labas ng bintana. Duon ay natanaw ko ang batang babae na may munting ngiti sa labi habang nakatingala sa puno.

Hindi ko mapigilan na mapaawang ang labi dahil sa ngiti n'ya.

Ang ganda n'ya, sobra...

Hindi ko alam ngunit bumilis ang tibok ng puso ko.

I blink several time then took a deep breath while gazing at her. The leaves dance with her hair as the wind blows. I can't take my eyes off her.

It's as if glued. Her face glow with the sun above us. Her beauty is radiatig around...
Her strong presence just adds up to her charm.

Napabuntong hininga ako dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.

Siguro ay gutom na 'ko.

Masigla na lumingon ako kay Mommy at saka tatalon talon na pumunta sa harap n'ya.

"Mommy, gutom na po ata ako..."

Sa nakalipas na araw na pagdalaw ni Lolo Conrad sa Lolo ko ay lagi nitong kasama ang apo. Na ikinasaya ko naman dahil may pagkakataon akong maging close s'ya.

Pero sa tuwing lalapit ako ay susungitan agad ako nito. Kung hindi iirapan ay aakto ito na para bang hindi ako nito nakikita.

May mga pagkakataon na tatabi ako sa kanya para alukin s'ya ng meryenda pero hindi n'ya 'ko papainsinin. Minsan naman ay hindi pa man ako nakakalapit, irap na ang inaabot ko.

Bakit ba ang sungit n'ya?

Kapag lalapit ako at kakausapin s'ya ay parang naiinis s'ya lagi. Nakakainis ba 'ko?

Hindi ko mapigilan umiyak habang nakatanaw sa kanya mula sa bintana ng kwarto ko. Kadadatiing lang nila ni Lolo Conrad kanina pero hindi na ako nag abalang bumaba.

Mukhang ayaw naman n'ya akong makita o kahit pa makasama man lang.

Siguro ay dahil sa madaldal ako kaya ayaw n'ya 'kong kausapin. O talagang ayaw n'ya lang sa 'kin. Ayaw n'ya talaga akong maging friend n'ya.

Waaa...

Nakanguso na pinanood ko s'ya. Nakaupo ito sa kumot na nakalatag sa ilalim ng puno. May katabi s'yang ilang pagkain at may libro rin.

Nagtaka ako dahil ilang beses s'yang luminga linga sa paligid na para bang may hinahanap hanggang sa dumako ang tingin n'ya sa second floor ng bahay kung nasaan ang kwarto ko.

Kahit medyo malayo ang agwat namin ay parang nakatingin ito mismo sa mga mata ko. Ilang segundo s'yang tumitig sa pwesto ko bago simpleng nag iwas ng tingin at saka nag simulang mag basa.

Nakita n'ya kaya ako?

Napanguso ako at saka naglakad papunta sa kama ko at tumalon paakyat duon.

Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko matapos dahan dahan itong bumukas. Pumasok ang nakangiting si Mommy na agad lumapit sa 'kin.

Hinimas n'ya ang buhok ko at saka tinitigan ako bago pisilin ng magaan ang pisngi ko.

"Don't you wanna go outside, Nak? Nandito na sina Canary. I thought you want her to be your friend?" Napanguso ako at saka yumakap sa mommy ko.

"Ayaw naman n'ya 'ko maka play eh. Hindi n'ya 'ko pinapansin. Ang sungit n'ya lagi sa 'kin, Mommy. Ayaw n'ya 'kong makasama..."

Rinig ko ang pag buntong hininga ni Mommy matapos akong yumuko. Hinawakan n'ya ng marahan ang chin ko para tumingin ako sa kanta.

"You don't have to be sad because of it, Anak. Maybe... Her walls are too high for a little girl like you to climb up. Canary is not like other kids ou there, Yohan..." Nakinig ako sa kanya at inosenteng ngumuso.

Towards Better Things (Month Series #2)Where stories live. Discover now