Yohan Mazea Fernandez
Nakanguso at nagtataka akong nakatingin sa isang batang babae na katabi ni Lolo Conrad. Feeling ko ang sungit n'ya. Blangko lang kasi ang mukha n'ya at hindi man lang ako tinitignan kahit pa nasa harap lang n'ya 'ko.
Sungit naman!
"Lolo? Sino po s'ya?" Tanong ko sa Lolo ko matapos itong tingalain.
"She's your Lolo Conrad's granddaughter... Why don't you greet her, Apo?" Lolo slightly put his hand on my back to push me towards the girl.
"Hi!" Nakangiti kong bati. Napaawang ang labi ko matapos n'ya akong tignan at saka inirapan bago magka cross ang mga brasong tumingin sa malayo.
Waaa! Ang sungit n'ya!
My lips protruded. I tightened my grip on my dress then started to slowly approach her again. Baka kasi naninibago lang s'ya. Muli ay ngumiti ako at saka s'ya pinagmasdan. Naka suot s'ya ng isang ternong white t-shirt at white short na umaabot hanggang kalahati ng hita n'ya.
My gaze dropped at her feet, hindi mo mapigilang mahinang mapahagikhik dahil sa suot n'yang white sandals. Kitang kita ang maputi at medyo mamula mula n'yang paa.
Ang cute n'ya!
Hehehe!
Straight ang buhok n'ya na ang shiny at wala kahit anong nakatayong buhok. Amoy ko rin ang bango ng damit n'ya pati na rin ang amoy baby at matamis n'yang pabango.
Hehehe, ang sarap n'ya sigurong yakapin.
I took a step in front of her, blocking the view she's looking at. Her eyebrows instantly knot. Just as I was about to wave my hand, she already placed her hand in front of my face.
"Shut up, alis..." Bigla ay nilagpasan n'ya 'ko at saka naglakad papunta sa puno na kanina pa n'ya tinitignan.
I felt my cheeks heated, I purse my lips as I prevent my tears to stream.
Ayaw n'ya makipag play sa 'kin...
Bakit kaya?
Gusto ko pa naman s'ya maging friend...
Nakangusong tumingala ako kay Lolo at saka nagtatakbo papasok ng bahay.
I throw myself on the couch where my Mommy is then wrapped my arms around her. I felt her caress my and my back.
"What's the problem, Baby? I thought you wanna play with Lolo Conrad's granddaughter?" Malambot na tanong ni Mommy.
Nakanguso na tumingala ako sa kanya at saka sunod sunod na dumaloy ang luha sa pisngi ko.
"Ayaw n'ya 'ko ka play..." Isiniksik ko ang mukha sa leeg ni Mommy at naramdaman ko naman na niyakap n'ya ako.
"Paano mo naman nasabi, Baby. Nag ask ka ba? Did you approach her nicely?"
Umiiyak na tumingala ako at saka nag punas ng mukha habang humihikbi.
"M-mag papakilala pa lang a-ako... Inirapan agad ako... A-ang sungit n'ya, Mommy!" Reklamo ko at saka napakamot sa pisngi. "Pero ang cute n'ya..." Mahinang dagdag ko.
Rinig ko ang pagtawa ni Mommy at saka tinulungan akong punasan ang mukha ko. She placed a kiss on my forehead then cupped my cheeks.
"Baka kasi bago pa lang kayo nagkita... May mga ganyan talagang bata, Anak... Tahimik at mas gustong walang kasama, o meron namang nahihiya lang mag approach... Just try to win her up, Baby. Don't cry na..." Ngumiti s'ya sa 'kin kaya tumango ako.
Bumaba ako sa sofa at saka nakangusong sumilip sa labas ng bintana. Duon ay natanaw ko ang batang babae na may munting ngiti sa labi habang nakatingala sa puno.
Hindi ko mapigilan na mapaawang ang labi dahil sa ngiti n'ya.
Ang ganda n'ya, sobra...
Hindi ko alam ngunit bumilis ang tibok ng puso ko.
I blink several time then took a deep breath while gazing at her. The leaves dance with her hair as the wind blows. I can't take my eyes off her.
It's as if glued. Her face glow with the sun above us. Her beauty is radiatig around...
Her strong presence just adds up to her charm.
Napabuntong hininga ako dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.
Siguro ay gutom na 'ko.
Masigla na lumingon ako kay Mommy at saka tatalon talon na pumunta sa harap n'ya.
"Mommy, gutom na po ata ako..."
Sa nakalipas na araw na pagdalaw ni Lolo Conrad sa Lolo ko ay lagi nitong kasama ang apo. Na ikinasaya ko naman dahil may pagkakataon akong maging close s'ya.
Pero sa tuwing lalapit ako ay susungitan agad ako nito. Kung hindi iirapan ay aakto ito na para bang hindi ako nito nakikita.
May mga pagkakataon na tatabi ako sa kanya para alukin s'ya ng meryenda pero hindi n'ya 'ko papainsinin. Minsan naman ay hindi pa man ako nakakalapit, irap na ang inaabot ko.
Bakit ba ang sungit n'ya?
Kapag lalapit ako at kakausapin s'ya ay parang naiinis s'ya lagi. Nakakainis ba 'ko?
Hindi ko mapigilan umiyak habang nakatanaw sa kanya mula sa bintana ng kwarto ko. Kadadatiing lang nila ni Lolo Conrad kanina pero hindi na ako nag abalang bumaba.
Mukhang ayaw naman n'ya akong makita o kahit pa makasama man lang.
Siguro ay dahil sa madaldal ako kaya ayaw n'ya 'kong kausapin. O talagang ayaw n'ya lang sa 'kin. Ayaw n'ya talaga akong maging friend n'ya.
Waaa...
Nakanguso na pinanood ko s'ya. Nakaupo ito sa kumot na nakalatag sa ilalim ng puno. May katabi s'yang ilang pagkain at may libro rin.
Nagtaka ako dahil ilang beses s'yang luminga linga sa paligid na para bang may hinahanap hanggang sa dumako ang tingin n'ya sa second floor ng bahay kung nasaan ang kwarto ko.
Kahit medyo malayo ang agwat namin ay parang nakatingin ito mismo sa mga mata ko. Ilang segundo s'yang tumitig sa pwesto ko bago simpleng nag iwas ng tingin at saka nag simulang mag basa.
Nakita n'ya kaya ako?
Napanguso ako at saka naglakad papunta sa kama ko at tumalon paakyat duon.
Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko matapos dahan dahan itong bumukas. Pumasok ang nakangiting si Mommy na agad lumapit sa 'kin.
Hinimas n'ya ang buhok ko at saka tinitigan ako bago pisilin ng magaan ang pisngi ko.
"Don't you wanna go outside, Nak? Nandito na sina Canary. I thought you want her to be your friend?" Napanguso ako at saka yumakap sa mommy ko.
"Ayaw naman n'ya 'ko maka play eh. Hindi n'ya 'ko pinapansin. Ang sungit n'ya lagi sa 'kin, Mommy. Ayaw n'ya 'kong makasama..."
Rinig ko ang pag buntong hininga ni Mommy matapos akong yumuko. Hinawakan n'ya ng marahan ang chin ko para tumingin ako sa kanta.
"You don't have to be sad because of it, Anak. Maybe... Her walls are too high for a little girl like you to climb up. Canary is not like other kids ou there, Yohan..." Nakinig ako sa kanya at inosenteng ngumuso.
"If you really wanna be her friend, you need to win her trust..." Ngiti n'ya at agad akong nagtaka.
"Trust? But we're just kids, Mommy. Hindi pa naman po kami big na ano, na may mga serious situation na na hmm... Kinakaharap? Like you po..." Napakamot ako sa pisngi ko at saka ginalaw galaw ang paa.
"Anak, listen to Mommy..." Agad akong tumingin sa kanya at nakangiti naman n'yang pinisil ang pisngi ko.
"Trusting someone is kind of hard, it doesn't matter if you're a kid or a grown up, Baby. Some kids just don't wanna hangout with others, because, they find it hard to trust. In friendship, you need a strong foundation for it to be able to lasts. Ayaw mo naman siguro ng pang mabilisan lang diba?" Natawa s'ya at saka hinalikan ako sa pisngi.
"Being close to someone is not just it, it comes with this." She points at the right part of my chest.
"Naa-attached tayo sa kanila, Anak... And when the time comes that you think you can share everything to her without worrying means she already have a place in your heart. It means you're already trusting her. May mga tao talagang hindi mabilis mag tiwala, dahil ayaw nilang masaktan."
Ngumiti s'ya habang tumatango tango naman ako.
"Patience, Baby..." Hinalikan n'ya ako sa noo at nagpaalam na bababa na.
Matapos maisarado ang pinto ay napatitig ako sa bintana na para bang nakikita ko pa rin si Canary.
Trust?
Patience?
"Can-can naman eh! Lagi ka na lang ganyan!"
Reklamo mo matapos n'ya akong hindi pansinin. Sinubukan kong pakinggan ang sinabi ni Mommy noong isang araw. Baka nga personality na talaga n'ya ito. Baka hirap talaga s'yang mag tiwala sa mga tao.
Tumingala s'ya sa 'kin. Hindi ko mapigilan mapanguso habang pinipigilan ang pag iyak.
Nagtaka ako dahil ilang segundo s'yang nakatitig sa 'kin bago napakurap kurap at muli akong sinimangutan.
Bakit na naman ba s'ya nag susungit?
"Are we close?" Napaawang ang labi ko sa tanong n'ya. Ilang beses akong lumunok bago napapangusong sumagot.
"N-no?"
"Then why are you calling me that way? Do I gave you a permission to call me names?"
Lalo kong naramdaman ang panunubig ng mata ko.
"But... That's your nickname." Sagot ko pa dahil iyon ang gusto kong itawag sa kanya.
Ang cute kaya!
Can-can!
Umiling ito. "No, I don't remember my family call me that way. So no, it's not." Hindi ko mapigilan ang pagiging madaldal ng bibig ko.
"Basta! Gusto ko Can-can ang tawag ko sa 'yo! Ang dami mo pang sinasabi! Wala ka ng magagawa!" Pinal na singhal ko at kita ko naman ang pag awang ng labi n'ya.
Bigla ay sinamaan n'ya ako ng tingin kaya dumaloy na ang mga luha galing sa mata ko. Pinipigilan ko ang humikbi dahil baka lalo lang s'yang mainis.
Narinig ko s'yang bumuntong hininga kaya lalo akong naiyak.
Siguro ay talagang ayaw n'ya sa 'kin!
Ilang segundo pa ay bigla n'yang pinagpag ang katabi n'yang ugat kung saan s'ya nakaupo. Nagtaka ako ng maglabas s'ya ng panyo at saka sumenyas sa 'kin kaya agad akong tumayo sa harap n'ya.
Bakit kaya?
"Upo." Utos niti kaya dali dali akong umupo sa tabi n'ya gaya ng gusto nito.
Masungit na nga, pala utos pa...
Agad kong ipinatong ang binti ko sa hita n'ya at saka ngumuso sa kanya.
Ang lambot ng balat n'ya, hehehe...
Nanatili akong tahimik habang hinihintay ang gagawin n'ya. Nagulat ako ng bigla n'yang marahang ipunas sa noo at leeg ko ang panyo na hawak n'ya.
Can-can...
Parang bigla ay tumibok ng malakas ang puso ko. Hindi ko maintindihan pero may kung ano sa 'kin na gustong mag saya dahil sa ginagawa n'ya.
Tinignan ko ang panyo ko. Contemplating if I should give it to her to wipe her sweats and tears, or I should do it myself.
"Talikod." Agad naman akong sumunod. Nagulat ako matapos maramdaman ang malambot n'yang kamay sa balikat ko at ang dahan dahan n'yang pag lagay ng panyo sa likod ko.
Bigla ay parang gusto ko s'yang yakapin...
Umupo agad ako at saka isinangkayaw ang mga binti ko sa hita n'ya.
"What do you want to do?" Nagulat ako dahil marahan ang pagkakatanong n'ya at walang halong pag susungit.
"Hmm. Laro tayo... Saka ano... Hmm." Nag isip pa ako ng magandang lalaruin. Iyong hindi s'ya ma bo bored dahil baka bumalik na naman ang pagiginv masungit n'ya at hindi na naman ako pansinin.
"Saka Can-can na lang tawag ko sayo. Ha? Yun na lang okay? Can na lang, ha? Can? Yun na lang tawag ko sayo, ha? Huy!" Paulit ulit kong tanong at natuwa naman ako matapos n'yang tumango.
"Saka gusto ko friends na tayo." Dagdag ko.
Syempre, sulitin na ang pagiging mabait n'ya. Baka kung sa susunod ko pa ito gawin ay hindi na s'ya pumayag. Hehehe...
Ang cute n'ya talaga.
At katulad ng gusto ko ay naglaro kami maghapon. Nakakatuwa dahil kahit isang reklamo ay wala akong narinig sa kanya. Lagi lang s'yang sumasang ayon sa sasabihin ko.
Waaa!
Friends na talaga kami!
Hehehe!
Hindi magawang maalis ng ngiti sa labi ko. Habang nag lalaro ay tuwang tuwa pa rin ako dahil pumayag na s'yang maging friends kaming dalawa.
Bakit kaya s'ya pumayag?
Ah basta!
Ang mahalaga ay importante.
At least ay friends na kami.
Hanggang hapon ay magkasama kami. Kung hindi lang sila uuwi ay guso ko sanang sabay kaming kumain ng hapunan.
Kaso ay may importanteng gagawin ang Lolo Conrad n'ya kaya nakanguso akong nag paalam sa kanya.
Napangiti lang ako matapos n'yang mag wave sa 'kin habang kasabay na naglalakad ang Lolo n'ya at si Tito Silas na siguro ay Daddy n'ya.
Ang ganda talaga ni Can-can!