LAST GENERATION: ZA
CHAPTER 7SATURN
SA WAKAS!
Tapos ko na rin balutan ng tape yung mga braso ko.
Ganito kasi yung mga napapanood ko sa mga movies eh.
Sabi ko nga kila Yahiko mag lagay rin sila, kaso ayaw nila, para raw akong tanga, bahala sila riyan pag nakagat sila, basta ako sinabihan ko sila.
"Pluto okay ka naba diyan?" tanong ko kay Pluto saka sinuot ang pet bagpack carrier.
Nang masigurado kong okay at comfortable na ang mingming kong si Pluto ay nag unat na ako atsaka sumigaw nang sakto lang.
"Pwede na!"
"Anong pinagsasabi mong 'pwede na' gugong ka!" bulyaw ni Yahiko sakin.
Mukhang galit na naman siya sakin, pero diko alam kung bakit. Wala naman akong ginawa sa kanya.
Ah bahala siya diyan!
Nginisian ko nalang siya saka tinaas ang cellphone ko at pinatugtog ang isang kanta na sinave ko pa mula sa spotify ko.
Buti nalang talaga pwedeng offline to, paano ba naman may internet nga wala naman akong load tsk.
♪Every now and then
I fall apartTurn around, bright eyes
Every now and then
I fall apartAnd I need you now tonight
And I need you more than ever
And if you only hold me tight
We'll be holding on forever
And we'll only be making it right
'Cause we'll never be wrongTogether we can take it to the end of the line♪
Bigla naman silang tumingin sakin lahat.
Ang cool ko talaga!
Sabi ko na nga ba eh!
Nakakaproud ka talaga Saturn!
"Meow." sang ayon ni Pluto.
YAHIKO
Ginagawa netong gago na 'to?
"Napapano 'yan?" takang tanong sakin ni Owen.
Nag kibit balikat lang ako bilang sagot sa kanya. Ako rin hindi ko alam kung napapano yan.
Sumigaw pa kanina ng 'pwede na', ano kaya yun? Pwede ko na siyang bugbugin?
Lahat kami ngayon nakatingin kay Saturn na nakataas ang isang kamay habang hawak ang cellphone niya at may tumutugtog pa na "Total eclipse of the heart".
Sa itsura niya mukha siyang proud na proud sa sarili at animo'y napaka angas niya.
Pero sa totoo lang mukha siyang tarantadong abnormal.
Umiling nalang ako sa pinaggagawa neto, parang ako lang ang matino sa tropahang ito.
"What was that for?" tanong ni Thalia kay Saturn na nakangisi nang itigil nito yung music na tumutunog galing sa phone niya.
"Ganito yung sa tiktok pag may nakakatakot na eksena, ang angas ko no!" ngising sabi pa nito at nilagpasan kami.
Baliw amputa!
Mas nakakatakot pa 'to kaysa sa zombie.
Humihithit ata 'to si Saturn ng pinagbabawal. Haynako kawawang bata napariwara na.
Nag kibit balikat nalang yung dalawa.
Habang ako naman nag iisip na pag tapos ng lahat ng 'to, saang pinaka malayong rehabilitation center ko si Saturn dadalhin.
Si Saturn naman dumiretso sa pwesto ni Aze at Sac na mukhang ready na rin.
This is it!
Tangina!
Lalabas na kami. Shit!
"I'll go first." ani ni Aze na tinanguan naman ni Sac.
Kagaya ng plano isa sa kanila ang unang bababa at nauna na nga ron ang gunggong na si Aze.
Pag katapos nun kinuha niya na yung scaffold ladders na sila raw mismo ang naglagay dun sa pwesto na yun.
Ngayon ko lang nalaman na bumababa sila diyan, putek!
Kung alam ko lang edi sana mas mabilis din ako nakaka short cut sa parking lot ng school.
Tsk tsk tsk madadaya.
Kaya naman pala minsan kada uwian at uuwi na kaming anim biglang nag papaiwan na yung tatlong gunggong.
Pag katapos ni Aze sunod naman na bumaba si Sac.
Pero bago yun nag sabi muna siya ng mga pwedeng gawin 'just in case' sa mga kaklase naming tanga na ayaw makinig.
Kumukulo na talaga dugo ko sa mga tanga na 'yan kanina pa.
Nakakainis lang at di lang naman para samin yung sinasabi namin. Para sa kanila rin naman, at para makaligtas sila.
Kahit kami rin naman natatakot sa kung ano mang pwedeng mangyari pag kalabas dito, dahil totoong hindi namin alam kung ano naghihintay samin pag labas dito.
Kaso kung mananatili kami dito baka mas mabilis pa kaming mamatay. Hindi pwede yun, hindi pa nga ako nakakapag adventure sa kabila ng kaguluhang to.
After ni Sac sumunod naman na bumaba si Saturn.
Nasa likod niya ang tahimik at mukhang chill lang na si Pluto.
Cute talaga ni Pluto, yung amo masarap kutusan.
"Dalian mo!" pagmamadali ko sa kanya.
Pero imbis na sagutin nilabas pa niya yung cellphone niya.
Muli na naman siyang ngumisi sa amin na para bang adik, sabay pindot sa phone niya at tumugtog na naman yung "Total eclipse of the heart".
Nilagay niya pa talaga yung phone niya sa bulsa ng uniform niya at nakangising tumingin samin habang bumababa sa scaffold ladder.
Adik amputa.
Wag kang mag alala Saturn, ako ang pinaka mabuti mong kaibigan dito, kaya pag tapos ng lahat ng 'to ipapagamot agad kita.
——
watch niyo po yung video na naka attach sa taas para maka relate kayo sa sinasabi ni Saturn HAHAHAHAHA
-beyshu

BINABASA MO ANG
Last Generation: Zombie Apocalypse (COMPLETE)
Teen Fiction"There is life after survival." But would you survive? |UNDER MAJOR EDITING|