抖阴社区

SPECIAL CHAPTER 2

102 3 0
                                    

LAST GENERATION: ZOMBIE APOCALYPSE
SPECIAL CHAPTER 2

ELOWEN

"Okay, naka set na." tumango ako kay Sac at pumwesto sa ginawa naming mini stage rito sa bahay.

Tinapik ko nang mahina ang mic at nag salita. "Mic check, mic check,"

"May i have your attention, please?" tawag ko sa kanilang atensyon na para bang isa itong professional event.

Christmas party namin ngayon. December 23, 7 pm. Lagi na namin to ginagawa simula nang makarecover kami mula sa bangungot na iyon.

We've learned that time is precious. Kaya we want to make the most of every second we have together.

"Good evening, everyone! Welcome to our Christmas celebration. I'm so happy na nandito tayong lahat to make some wonderful memories. It's going to be a magical night of games, music, delicious food, all centered around the spirit of Christmas. Tonight, we are going to create memories that will last a lifetime. Are you ready?"

"Yes!!!"

"Rakrakan na!

"Wooooh!"

Kanya-kanyang sigaw nila. Awtomatiko akong napangiti dahil sa itsura nila ngayon, sobrang saya at puno ng pagmamahal.

Bahagya akong lumingon sa nasa gilid ko na walang iba kundi si Sac, siya ang dj namin ngayon.

Ngumiti rin siya ng matamis sa akin at ganun din ako sa kanya. Bahagya pa siyang kumindat sakin bago nag play ng isang tugtog.

Shit, muntik na malaglag ang puso ko ron. Kindat lang yun Owen, kindat lang!

~You know what they say
Life ain't always easy and every day
We're survivors
So forget the day
It's all about tonight; act a fool and start a riot, a-riot, be a rebel

Bottles poppin' 'til we can't stand
We keep it rockin' 'til 6 AM
New York to London over to Japan
Turn it up, turn it up, mash it up

We gonna party like
Party like, like it's the end of the world
We gonna party like, like it's 2012~

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Sobrang saya ko, at sobrang thankful ko dahil sama sama kaming lahat ngayon.

Sana lang nga ay wala nang mangyaring masama, katulad ng pinagdaanan namin. Lalo na pag nagkaroon na kami ng anak at naka buo na ng sariling pamilya. Ayoko na ulit na mangyari ang bangungot na iyon.

Pinilig ko ang ulo ko dahil sa iniisip ko. Dapat puro positive lang, masyadong maganda at masaya ang gabing ito, dapat hindi na ako nag iisip ng kung ano ano at baka kung saan pa mapunta ang iniisip ko.

Bahagyang hinanaan ni Sac ang tugtog nang senyasan ko siya para hinaan ito.

Kinuha ko muna ulit ang atensyon nila at sinabi ang una naming gagawin, which is ang palaro.

Ang unang laro na naisip ko ay minute to win it, yung ililipat yung cookies from forehead to mouth. At as usual ang pinaka go na go riyan ay walang iba kundi sina Saturn, Dione, at Yahiko. Ano pa nga ba?

"Labanan ng mga timawa ba yan?" birong saad ni Axel.

Sabay sabay siyang tinignan nang masama nung tatlo habang kami naman ay nag pipigil ng tawa.

"Kailangan matapos niyo agad yan in 3 minutes, kung sino ang manalo may prize." saad ko.

"Teka.. teka, ano munang prize?" tanong ni Dione.

Last Generation: Zombie Apocalypse (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon