抖阴社区

CHAPTER 33

165 7 0
                                    

LAST GENERATION: ZA
CHAPTER 33

ISAAC

"Wala talaga, hindi ko makita." saad ko kay Aze pagkalabas ng tent.

Nung nakaraang araw niya pa kasi hinahanap yung wallet niya, at nailagay niya ata sa kung saan.

"Baka naman naiwan niya lang sa kung saan." tukoy ni Dione kay Aze.

"Ano bang hinahanap niyo?" takang tanong ni Axel.

Kakarating lang nito sa puwesto namin kasama si Alice.

Bahagya siyang nilingon ni Thalia nang mapansin ito.

"Wallet ni Aze. Wala ba kayong napansin?" tanong niya na inilingan lang ni Axel.

"Wallet?"

Napalingon kami kay Kelra na kakarating lang at kasama si Brian.

"Parang may nakita ako," saad niya na parang nag iisip.

"Ay! Yun ata yung nakita ko kahapon malapit sa foodcourt."

"Yun naman pala." ani ko nang malamang si Kelra lang pala ang nakapulot nito.

Pinahanap pa ako nang pinahanap ng loko, naiwan niya lang pala sa foodcourt.

"Pero wala na sakin e, hindi ko kasi makita si Aze kahapon kaya inabot ko nalang kay—"

"Eto ba hanap mo?"

Hindi natuloy ang sasabihin ni Kelra nang biglang dumating si Enzo na hawak hawak ang wallet ni Aze.

Matalim itong nakatingin kay Aze, at parang galit na galit ang mga mata nito.

"Salvador ka?"

Nanginginig ang mga kamay ni Enzo at bakas dito ang galit.

Bigla niyang inihagis kay Aze ang wallet nito na nahulog sa sahig.

Lahat kami ay nagtataka at napatahimik.

"Why?" kalamado ngunit walang ekspresyong tanong ni Aze at pinulot ang pitaka niya.

"Kung ganoon.... tatay mo si Acer Salvador?"

Bahagya kaming natigilan sa tanong nito.

Ano namang kinalaman ng tatay ni Aze rito?

"Ang hayop na yon! Siya ang dahilan kung bakit nangyari to at kung bakit kumalat ang virus na 'to. Ang daming namatay dahil sa kanya! Ang daming nawala!" galit na sigaw nito at masamang nakatingin kay Aze.

Mas lalo kaming natigilan dahil sa narinig.

Anong sinasabi ni Enzo? Si tito? Si tito ang may pakana nito?

"Anong sinasabi mo?" takang tanong sa kanya ni Thalia pero hindi niya pinansin ito at diretso lang na nakatingin kay Aze.

"Alam mo ba yon? Alam mo ba kung gaano karaming buhay ang sinira ng tatay mo?!" puno ng poot nitong sigaw.

"I don't know what you're talking about." saad ni Aze.

Bakas din sa kanya ang pagtataka dahil sa sinasabi ni Enzo.

Halos lahat naman kami ay nagtataka dahil hindi namin alam kung saan nanggagaling ang mga sinasabi nito.

"Hindi mo alam? Ang tatay mo ang gumawa ng virus! Ang tatay mo ang dahilan kung bakit tayo nandito ngayon," saad nito na nagpasinghap samin.

"Enzo." nag aalalang saad sa kanya ni Kelra at nilapitan ito.

Akala ko tapos na ang sasabihin nito samin nang bahagya itong yumuko, pero muli itong tumingin sa kinaroroonan ni Aze.

"Dahil sa kanya, nawalan kami ng pamilya. N-nawalan ako ng p-pamilya, n-namatay sila at ako lang ang nakaligtas." tukoy nito sa tatay ni Aze.

Nanghihina itong napaupo dahil sa tinuran niya.

"Umalis ka na. Wala kang karapatang manatili rito." biglang saad ni Gio at diretsong tumingin kay Aze.

Nauna na silang umalis kung nasaan kami at inakay si Enzo.

AZE

"Walang aalis. Hindi mo kailangan umalis." Thalia said as she sat down beside me.

I was totally freaking out, trying to process what Enzo had told me.... us.

My Dad?

Dad started the virus?

Dad spread the virus?

It couldn't be true. It had to be a lie.

The chilling realization hit me like a physical blow.

His frantic pleas to leave... it wasn't about a better life.

It was about escape.

2 years ago

I was about to enter the hideout when my phone suddenly ring.

I answered it immediately when I saw who was calling.

"Dad?"

"Son, listen to me. Come with me and your Mom to the States. Doon na tayo maninirahan."

"What?" I asked, bewildered.

"Please, Son."

This was out of the blue.

"Mas magiging maayos ang buhay natin don."

"Dad. Didn't we already talk about this? You and Mom know I don't want to leave the Philippines." I said firmly into the phone.

I could feel my forehead crease as I spoke those words.

Kinukulit na naman ako sa mga bagay na ayaw kong gawin.

I hung up on Dad before he could say anything else. Atsaka pumasok sa hideout at dumiretso sa living room.

"Aze! Look inaaway na naman nila ako." biglang lapit sakin ni Saturn.

"Get off me." wala sa sarili kong saad.

"Kung aalis ka, sasama kami." Sac said, bringing me back to reality.

Last Generation: Zombie Apocalypse (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon