LAST GENERATION: ZA
CHAPTER 19AXEL
Napailing ako nang mataman na napagbintangan ko si Yahiko.
Akala ko kasi ay ginagawan na naman ako ng babaeng yun ng kalokohan, at kadugyutan.
Bigla nalang kasi ako may naramdaman na patak ng kung ano sa braso ko. Pero mukhang masama lang pala ang panahon.
'Puta, uulan pa ata.' anang ko sa isip ko.
Mabilis kaming naglalakad ngayon patungo sa SM ng Dasmariñas.
Onti nalang, at malapit na kami. Tanaw narin kasi namin ito.
"Mukhang delikado tayo, dumidilim na." rinig kong saad ni Thalia.
Bakas sa boses nito ang pangamba at tila may nararamdaman na kakaiba.
Unti-unting dumilim ang kalangitan at parang naging kukay abo na, ngunit hindi yun karaniwang kulay abo lang, kundi isang makapal, malalim na kulay abo na halos itim na.
Hanggang sa bumuhos na paunti-unti ang ulan, lumakas pa ito at sinamahan pa ng pag kulog at pag kidlat.
"Fuck." rinig kong anas ni Aze mula sa unahan.
Napahinto kami sa mabilis na paglalakad nang bigla nalang kumulog nang malakas, at kumidlat.
Alam kong hindi ito ang panahon para tumigil kami at huminto. Pero halos lahat kami magulat nang makita ang mga zombie na nasa gilid ng mga gusali dahil sa liwanag ng kidlat.
Mukhang lumalabas na sila dahil sa dumilim na ang paligid, dagdag pa rito ang ingay na nililikha ng kulog.
"Putangina ang dami." rinig kong bulong ng kung sino.
YAHIKO
"Putangina ang dami." bulong ko.
Isa... dalawa ... tatlo... bilang ko sa isip ko nang makita ang mga zombie.
Andami ng mga putangina, parang mga insekto ito na unti-unting lumalabas mula sa mga siwang ng mga gusali.
Ang mga mata nito ay parang nanlilisik sa dilim, kitang kita namin ang mga pira-pirasong laman sa katawan ng mga zombie, at nakasabit-sabit, ang balat din nila ay nakalawit, at ang mga buto ay nakikita na.
Kahit umuulan ay amoy pa rin namin ang masangsang na amoy ng mga ito.
Nakakasuka, amoy bulok!
"GGRRRR!." angil ng mga zombie nang muling kumulog at kumidlat uli.
Mukhang papalapit na ito samin nang mapansin kami ng mga ito.
Nalintikan na!
"RUN!"
Sigaw ng kung sino samin na nagpabalik sa aming lahat sa ulirat, na siya ring dahilan upang gumalaw kami mula sa kinatatayuan namin.
Nakuha pa talaga naming tumanga sa lagay na iyon. Shit.
Mabilis kaming nagsitakbuhan patungo sa mall. Hindi lang basta takbo ang ginawa namin, kundi takbo na parang mga daga na naghahanap ng butas.
Nakikita ko nang malapit na kami sa SM Dasma, pero sa lagay namin ngayon parang isang milyong distansya pa ang tatakbuhin namin.
"GGRRRRRR!" angil ng mga zombie na papalapit na sa amin.
Pesteng mga zombie to!
"Just run! Diretso lang, walang hihinto!" sigaw pa ni Sac mula sa likuran.
"Tangina!" mura ko nang makitang muntik na mahigit si Thalia ng zombie mula sa unahan.
Buti nalang agad agad itong hinila ni Aze papunta sa gilid, at agad na ipanalo sa ulo ng zombie ang hawak nitong palakol.
Rinig pa namin ang pag biyak ng ulo nito kahit umuulan. Putspa!
Patuloy lang kami sa pagtakbo, hanggang sa mapansin ko sa gilid ko ang isang zombie na paparating.
Pero agad ko itong pinalo sa ulo ng baseball bat na hawak ko.
Buong pwersa iyon na siyang nagpabagsak sa zombie na muntikan na ring makalapit sakin.
"Tangina mo!" mura ko rito nang bumagsak ito at nagpatuloy sa pagtakbo.
"GRRRRHR!"
"Diwan!" anas ni Saturn nang muntik na may makalapit kay Dione na zombie, agad naman iyong pinana ni Owen sa ulo at bumagsak ito.
"Sa likod mo!" ani ni Dione.
Agad namang umilag si Saturn at humarap bago ihampas sa ulo ng zombie ang hawak hawak niyang palakol.
"Ang dami nila tangina." saad ni Axel na nasa tabi kona pala.
Halos lahat kami ay pagod at hinihingal na, pero hindi kami pwedeng tumigil dahil tiyak na ikakamatay namin iyon.
"Malapit na tayo!" sigaw ni Owen mula sa harapan.
Pilit naming tinataboy ang mga zombie na lumalapit samin, at binubuhos ang buong pwersa para mapabagsak ito.
Hanggang sa nakarating kami sa entrance.
Pansin kong may mga kurtina ito at harang, kaya naman wala kaming makita mula sa labas.
"Sarado."
Lumaylay ang balikat ko mula sa aking narinig mula kay Thalia.
Tangina?
Rinig na rinig ko ang paghinga ng bawat isa sa amin. Pero mas nangingibabaw ang pag kabog ng dibdib ko dahil sa hingal.
"May tao sa loob." saad ni Dione na nakasilip mula sa siwang na humaharang sa entrance.
No choice, alam kong makakapag trigger ito sa zombie pero...
"TANGINA BUKSAN NIYO TO!" tarantang sigaw ko.
Mas naagaw pa namin yung atensyon ng mga zombie, pero wala naman kaming choice, corner na kami.
Hindi naman na nag dalawang isip sila Thalia at ginaya na rin ang ginawa ko.
"Open the fucking damn door!" galit na sigaw ni Thalia.
"Please! Open it!" si Owen habang nakaharap sa mga zombie at naghahandang pumana.
"Buksan niyo to!" sigaw naman ni Dione.
Apat kaming nasa front door, at yung apat na gunggong naman nasa likod namin, naka harap sila sa mga zombie na papalapit na samin.
"Buksan niyo na! Nagugutom na ako!" sigaw ni Saturn mula sa likod namin.
Tignan mo 'tong tarantadong 'to pagkain pa rin ang nasa isip.
Lalo kaming nataranta nang makitang mas lumapit pa ang mga zombie kung nasaan kami.
Katapusan na ata namin. Putangina.
"BUKSAN NIYO TO! PUTANGINA NIYO PAG AKO NAGING ZOMBIE LALAPAIN KO KAYO." bwisit na anas ko at kinalampag ang entrance.
Tangina! Kung may tao man dito alam kong alam nila na nandito kami. At alam kong naririnig nila kami.
Wala na kaming panahon para makiusap pa sa kanila nang mahinahon.
Bahagya akong napapikit nang marinig ko pagpana ni Owen mula sa gilid ko.
Shit!
Mukhang nakalapit na yung mga zombie kila Sac, ni hindi ko magawang lumingon.
Ayokong may masaksihan ako na ayaw ko.
Ngayon nalang ulit ako nakaramdam ng ganito. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.
"GGRRRRR!"

BINABASA MO ANG
Last Generation: Zombie Apocalypse (COMPLETE)
Teen Fiction"There is life after survival." But would you survive? |UNDER MAJOR EDITING|