LAST GENERATION: ZA
CHAPTER 20SM DASMARIÑAS
2026YAHIKO
"Ako naman si Kelra Cervantes, tapos yung kumuha naman ng towel si Brian Suarez," saad niya pag tapos naming magpakilala.
"Oh, ayan na pala sila. Sila yung sinasabi ko na nag utos." mahina niyang saad sabay kamot sa ulo, papalapit na kasi samin ang mga sinasabi niya.
Kaharap na namin ngayon yung nag utos daw na i-lock yung front door ng SM at huwag kaming papasukin.
Pero agad din daw na inutos na papasukin kami nang malaman nila na isa raw ako sa mga taong nasa labas.
Tangina. Bakit buhay pa 'to?
Bahagya akong napataas ng isang kilay nang makita kung sino ang kaharap namin ngayon.
Na walang iba kundi ang ex kong mukhang unggoy at ang girlfriend niyang mukhang labubu.
"Maiwan ko na kayo." paalam samin ng nagpakilalang si Kelra.
Umalis na ito at pumunta kung nasaan ang iba pa nilang kasama.
"Oh hi!" bati nung girlfriend ng ex ko na parang wala lang.
Tangina neto, kung makabati kala mo walang nangyari kanina.
Mas nadagdagan lang tuloy ang inis ko.
Kung kaladkarin ko kaya to palabas at ipa-experience ko rin sa kanya yung dinanas namin kanina?
Ngumiti pa ito sa amin at ipinulupot ang kamay niya sa boyfriend niya na nakatingin sa akin ngayon.
Tinitingin tingin sakin ng gagong 'to?
"By the way, I'm Rena Flores," pagpapakilala pa niya. "And this is my boyfriend, Gio Hernandez."
"Wala namang may paki." bulong ko.
Naramdaman ko naman bigla ang pagsiko sakin ni Thalia sa tagiliran ko.
"Nice to meet you. Thanks for opening the entrance door." saad ni Thalia at tipid na ngumiti.
NATHALIA
"Nice to meet you. Thanks for opening the entrance door." saad ko at pilit na ngumiti
Alam kong labag ito sa loob ni Yahiko. Pero wala kaming choice ngayon kung hindi makisama, sa ngayon wala kaming mapupuntahan.
Bakit ba kasi ex pa niya ang nakasalamuha namin? Seryoso? After all these years? Ano iyan, reunion?
Alam ko ang past nila, kaya naiintindihan ko kung saan nanggagaling ang inis at galit ni Yahiko rito.
Lalo na ngayon, kasama pa nito ang dahilan kung bakit naghiwalay sila.
Pero sa ngayon, kailangan na muna naming isantabi iyan.
"Buti nalang may generator—" napalingon kami sa lalaking nagsalita at galing sa kung saan.
Bigla kasi itong sumulpot sa likod nila Gio.
"Yahiko?" tuloy nito sa sasabihin niya nang makita kung sino ang katabi ko.
Pansin kong lalong napaayos ng pagkakatayo si Axel mula sa tabi ni Yahiko.
"Kilala mo?" bulong ni Dione mula sa likuran. Tinutukoy niya ang lalaking bumanggit sa pangalan ni Yahiko.
"Hindi." pagdedeny nito.
"Long time no see! It's been a years," masayang bati niya kay Yahiko at ngumiti pa rito, pero wala namang reaksyon ang isa.
"By the way, I'm Enzo Agustin." baling nito saamin.
Inabot pa nito ang kamay niya, at itinapat pa saakin.
"Aze."
Biglang sabat ni Aze na kanina pa pala nasa tabi ko sabay abot ng kamay niya kay Enzo.
Ibig ko sanang matawa dahil sa naging reaksyon ni Enzo nang si Aze ang magpakilala rito.
"Here." sabay abot samin ng towel nung Brian na sinasabi ni Kelra kanina.
Nakalimutan ko pa tuloy na basang basa na kami dahil sa malakas na pag ulan kanina.
"Nasa taas ang clothes store, pumunta nalang kayo kung gusto niyo na magpalit." saad ni Gio na kanina pa nakatingin sa direksyon ng katabi kong si Yahiko.
Nilalamig na rin kami kaya naman napagpasyahan na rin namin na magpalit muna.
NASA 2ND FLOOR kami ngayon ng mall para maghanap ng ipampapalit namin.
Basang basa narin kasi ang mga dala dala naming mga bodybag kanina. Kaya hindi rin namin magagamit ang mga damit na dala namin.
Mukha tuloy kaming nagsa-shopping ngayon pagkatapos malagay sa bingit ng kamatayan ang mga buhay namin.
Kinuha ko agad ang nakita kong maayos na damit para sakin. Atsaka bumaling sa katabi ko. Anyare rito?
"Ayos kalang?" tanong ko kay Aze.
Mukha kasi itong namumutla at matamlay, hindi katulad kanina.
Tinanguan lang ako nito biglang sagot, pero iba ang pakiramdam ko.
"Kung hindi ka ayos, magsabi ka agad." seryoso kong saad dito at ipagpatuloy ang paghahanap sa susuotin ko.
Pansin ko na wala parin itong hawak kahit isang damit.
Pakiramdam ko talaga may mali, hindi niya lang sinasabi sa akin.
Hinahanapan ko nalang din siya ng puwede niyang suotin, at nang makahanap na ako at kumpleto na ay bumalik na ako kung nasaan siya.
"Tara na." aya ko sa kanya.
Nang matapos na ako magbihis at mag ayos nang kaunti, lumabas na agad ako ng restroom.
Napatigil ako nang makitang nag aabang sa labas yung lalaki kanina, kung hindi ako nagkakamali Enzo ang pangalan. Mukhang kanina pa siya naghihintay.
Bahagya itong napaayos ng tayo nang mapansin ako.
Ano namang ginagawa neto rito?
"Hi. Ayos ka naba?" tanong niya at ngumiti pa.
Bahagyang napataas ang isang kilay ko dahil sa pagtatanong niya.
Hindi naman kasi kami close para sumunod siya rito at magtanong.
At isa pa, kaibigan siya nung Gio na yon, kaya malamang isa siguro siya sa kunsintidor na kaibigan nito.
"Uh, sorry. Gusto ko lang sana magpakilala nang maayos sayo." aniya pa.
"Didn't we meet each other earlier?" saad ko.
Alam kong bakas sa boses ko ang pagiging mataray. Pero hindi ko na napigilan. Bakit ba kasi kinakausap ako nito?
"Ah, yeah. Pero i want to meet you nang ikaw lang. Obviously, i find you interesting." diretsang saad niya at bahagyang pang kumamot sa ulo at mukhang nahihiya.
"Let's go, Thalia." biglang saad ng nasa likuran ko.
Kanina paba siya rito?
Napalingon ako kay Aze na siyang nagsalita, mukhang kakatapos lang nito magbihis. Suot suot niya ang damit na kinuha ko para sa kanya kanina.
Kita ko sa mukha nito ang pamumutla.
"You look pale, are you okay?" turan ko na may halong pag aalala.
Pero hindi ako nito pinansin at hinila na paalis doon.
Naiwan namin si Enzo na pansin kong napakamot nalang sa batok at napamulsa.

BINABASA MO ANG
Last Generation: Zombie Apocalypse (COMPLETE)
Teen Fiction"There is life after survival." But would you survive? |UNDER MAJOR EDITING|