LAST GENERATION: ZA
CHAPTER 12ELOWEN
"Patay na ata 'yan eh." tukoy ni Yahiko sa lalaking kasama ng babae na iniligtas namin. Nakatakip pa ito ng ilong.
Malapit na kami ngayon sa garahe ng hideout. At buti nalang automatic ito at wala nang kailangan pang bumaba.
May mga zombie na rin kasi sa di kalayuan samin.
"Ano bang nangyari sa kasama mo?" tanong ni Sac mula sa unahan nang hindi lumilingon.
Nasa likuran na kasi namin yung niligtas namin kanina.
Buti nalang talaga at malaking sasakyan yung dala ni Aze ngayon.
Gayunpaman ay wala rin kaming nagawa kundi pasiksikin samin si Saturn para sa likod pumwesto yung dalawa.
Which is okay naman.
Yun nga lang ay nagtitiis kami sa amoy nitong dalawa ngayon. Kung bakit ba naman kasi sa basurahan naisip magtago.
"Nasugatan kasi siya banda sa hita, natusok siya sa isang alambre nung nagkakagulo na yung mga tao. Hindi niya nabalance yung sarili niya nung andaming tao na tumakbo papunta sa direksyon namin, kaya ayun, dahil din sa sugat niya kaya nilagnat siya nang matindi kaya ganyan siya." paliwanag niya.
"E pano naman kayo napadpad dito? At sa basurahan?" takang tanong ko.
"Kaya niya pa kasi maglakad nun kaya inakay ko siya papunta sa hospital na malapit dito, kaso—" hindi natuloy ang sinasabi niya nang biglang umungot ang kasama niya.
"Kaso?" naghihintay na tanong ni Saturn.
"May mga zombie kasi, nagpanic ako hehe, yung basurahan lang yung malapit samin kaya doon ko na naisipan magtago." nahihiya niyang sagot.
"By the way, ano nga palang pangalan mo?" pag iiba ni Thalia.
"Dione. Dione Jimenez," sagot niya at tipid na ngumiti.
"Siya naman si Axel Schmid, cousin ko," pagpapakilala niya sa kasama niya, nakaupo ito at nakapikit tila ba nahihirapan.
"Kayo?" tanong niya pabalik samin.
"Owen. Elowen Garcia." pangunguna ko at ngumiti rin sa kanya.
"Hi! Ako si Saturn Montgomery, tapos ito si Pluto." pakilala ni Saturn at pinakita pa si Pluto.
"Wow cute naman niyan." saad ni Dione.
"Gagawin natin yang siomai pag wala na tayong pagkain." saad ni Yahiko na nagpangiwi samin. Kulit talaga nito.
"Ikaw anong pangalan mo?" tanong sa kanya ni Dione.
"Yahiko, bakit?"
Kinurot naman agad siya ni Thalia kaya napadaing siya. "Aray! Joke lang eh. Yahiko, Yahiko Mori." baling niya kay Dione.
"I'm Nathalia Jensen, Thalia nalang. While yung nasa driver seat si Aze Sandoval, at yung nasa passenger seat naman si Isaac Williams." pakilala ni Thalia, at dinamay na rin yung dalawa dahil mukhang hindi mag sasalita ang mga ito.
Kasabay nun ang pag hinto ng sasakyan, hudyat na nasa loob na kami ng garahe.
NAPAMEYWANG ako habang tinitignan si Saturn sa ginagawa niya sa computer niya.
Hindi ko talaga maintindihan.
Pano niya nagagawa yun?
"Okay na!" masaya niyang sambit.
Lumapit naman agad si Aze at si Sac kaya naman iniwan ko na silang tatlo ron para sila na ang mag-usap.
Pumunta ako kung nasaan sila Thalia at Yahiko, pati na rin yung dalawa naming tinulungan.
"Okay na siya. I think he need a little rest lang." ani ni Thalia.
Mukhang ginamot niya na ang sugat ni Axel. Buti nalang may kaibigan kaming medic.
"Teka! Hindi niyo ba manlang papalitan ng damit yan at lilinisan? Ang baho kaya!" reklamo ni Yahiko.
"Speaking of!" nilingon naman siya ni Thalia.
"Ikaw ang bahala sa kanya. Help him, para makapag pahinga na siya." maawtoridad na saad ni Thalia.
"Ha? Bakit ako?" di makapaniwalang tanong niya.
"Kasi ikaw." simpleng sagot ni Thalia.
"Andyan naman yung pinsan niya ha!" pangagatwiran pa ni Yahiko.
"Magliligo na siya, ikaw na bahala diyan kay Axel. Kung ayaw mo tulungan yan, bahala ka tabi kayo matulog."
Kita ko ang kilabot sa mukha ni Yahiko nang marinig nito ang sinambit ni Thalia.
Ibig ko sanang matawa pero baka ako ang ipalit ni Thalia kay Yahiko, kaya wag nalang.
"Owen, samahan mo si Dione papunta sa ibang side cr ng hideout, bigyan mo na rin siya ng pwede niyang suotin." tumango nalang ako sa sinabi ni Thalia.
AZE
"The best ka talaga Saturn." anang ni Sac nang makalapit kami kay Saturn.
Mabilis kasi nito na hack ang satellite. Kaya we won't have to worry about internet connection or electricity anymore.
"So what's our next plan?" ani ko at bumaling kay Sac.
"Bukas na natin isipin 'yan. As of now, magpahinga muna tayong lahat." aniya.
I agreed with what he said, it was a long day for us.
It was crazy how fast everything went sideways. Bigla nalang may zombie and shits.
"Uy! Ambango!" Saturn suddenly said.
He even stood up and sniffed the air like a dog.
"Kainan na!" he shouted then he bolted to the kitchen. I just shook my head.
"Parang bata." natatawang sambit ng katabi kong si Sac.
Sumunod na rin kami agad sa kusina.
ISAAC
Pag dating namin sa kusina bumungad samin si Saturn na lumalapang na.
"Kumain na kayo." aya samin ni Thalia.
Umupo na kami ni Aze, may nakahanda na rin kasing pagkain. Buti nalang nandito si Thalia, at pinaghahandaan kami.
"How's the guy?" paninimula ni Aze.
"Andun inaasikaso ni Yahiko." sagot nito at inilapag sa harap namin ang iba pang ulam.
Umupo na rin siya at nagsimula nang kumain.
"Wow. Himala." natatawang reaksyon ko.
Si Yahiko? Sa amoy nung dalawang yun paniguradong puro reklamo yun. Pero dahil si Thalia na mataray ang nag utos sa kanya, wala talaga siyang magagawa.
"What about the girl?" seryosong tanong ulit ni Aze.
Sumubo naman ako ng pagkain at nakinig lang sa kanila.
"Pinaasikaso ko kay Owen— at speaking of," aniya bago ituloy ang sasabihin.
"Kumain na kayo Owen at Dione." aya niya sa dalawa.
Umupo naman ang dalawa, at nagsandok na rin.
"Si Axel po?" biglang tanong ni Dione.
"Don't worry, inaalagaan yun nang mabuti ni Yahiko." sagot naman ni Thalia.
Gusto kong matawa sa sinabi ni Thalia. For sure naman e baka inaaway na ni Yahiko ang isang yun.
Napailing-iling nalang ako at kumain.

BINABASA MO ANG
Last Generation: Zombie Apocalypse (COMPLETE)
Teen Fiction"There is life after survival." But would you survive? |UNDER MAJOR EDITING|