抖阴社区

CHAPTER 32

168 6 0
                                    

LAST GENERATION: ZA
CHAPTER 32

YAHIKO

Umalis nalang ako kung nasaan sila.

Ano raw? Ako magseselos? Diko type yung pinsang niyang mabaho no!

Tarantadong Dione yun.

Saka ano namang paki ko ron sa Axel na yon? Edi mag balikan sila ng ex niyang maarte.

"Hoy Bakudan!"

Lumingon ako sa tumawag sakin na si Enzo.

Wala naman kasing ibang natawag nun sakin kundi siya lang. Simula dati pa, ngayong bati na kami ayun na naman ang tinatawag niya sakin.

Gago kasi yan e.

Ang meaning kasi nun bomba, para raw kasing bomba bibig ko minsan ang ingay raw, tapos kung ano ano pa raw pinagsasabi ko, na parang unexpected daw minsan yung nalabas.

"Kala ko kasama mo si Thalia?" agad na tanong ko sa kanya nang makalapit siya.

Nagpapatulong kasi yun si Thalia kanina sa kanya e.

"Ah... okay na." sagot niya sabay kamot batok.

Anong meron dito ngayon? Hindi ako binibiro e.

Tumango nalang ako sa kanya. "May problema ba?"

"Wala, sige na baba nako sa 1st floor baka may kailangan gawin." saad niya pa at ngumiti.

Tinapik niya pa ako sa balikat bago umalis.

Binasted na naman siguro ni Thalia yun, tinamaan ata ang gago. Pansin ko kasi madalas yung tinginan niya kay Thalia e, saka sa pag kilos niya, mukha talaga siyang may gusto kay Thalia.

Naglakad lakad nalang ako rito sa 2nd floor.

Mabuti na 'to at ako lang ang nandito ngayon, at least kahit papano magkakaron ako ng onting peace of mind.

Malayo sa mga siraulo.

Agad akong napahinto sa paglalakad nang may umagaw sa atensyon ko.

Lumapit ako sa mga massage chair na nakita kong nakahilera sa isang tabi.

"Ayos ah." usal ko nang makaupo rito at madiskubreng gumagana pa ito.

Bakit ngayon ko lang nalaman to? Tsk.

Nakakarelax pala ang isang to, never kasi ako sumubok ng mga ganito kahit noong pumupunta pa kami sa mga mall.

What if dito nalang kaya ako matulog kada kagabi? Ayos din to, tanggal sakit ng likod at buong katawan.

Masarap na tulog wala pang katabing tulo laway.

Matutulog nalang muna siguro ako ngayon para mabawasan ang pagkainis ko.

Tama! Minsan maganda rin talaga ang mga ideas ko.

"Hindi kita maintindihan Aze! Ano bang problema mo?" 

Napadilat ako sa pagkakapikit nang marinig ko sa hindi kalayuan ang mukhang nagtatalo na si Aze at Thalia.

Istorbo naman oh!

Ano bang ginagawa ng dalawang to rito? Mukhang seryosong seryoso pa silang dalawa.

Lumapit ako sa kanilang dalawa nang hindi halata.

Pero hindi ako makikiusyoso, hindi ako chismosa.... slight lang.

Makikichismis lang muna ako ng slight lang, tutal inistorbo naman nila ang tulog ko.

Oo, alam kong masama ang nakikinig sa usapan ng iba. Pero malay ko ba kung importante to diba?

Mamaya may mangyari pa sa dalawang to. At least ako ang nag iisang susi.

Nang makalapit ako ay bahagya kong isinandal ang aking likod sa isang pader malapit sa kanila.

NATHALIA

Hindi ko maintindihan kung ano ba ang ikinagagalit ni Aze.

Hinila niya kasi ako rito sa 2nd floor at mag uusap daw kami. Pero nang makarating kami rito hindi naman nag sasalita ang isang to.

"Hindi kita maintindihan Aze! Ano bang problema mo?" anas ko sa kanya.

Agad kasi akong hinila nito nang makitang magkasama kami ni Enzo.

"You! You and Enzo are my problem. Why are you always with that guy?" seryosong saad niya.

Bakas sa kanya ang inis nang sabihin niya ang mga katagang yon.

Ano bang nangyayari sa isang to.

May halong pagtataka ko siyang tinignan, pero agad itong nag iwas ng tingin nang magtama ang mga mata namin.

"What do you mean? He's just helping me. Alam mo namang sila ang nakakaalam kung nasaan ang iba pang mga stock ng pagkain dito." saad ko kanya pero hindi ito sumagot.

Ano bang problema nito?

Mukhang narealize niya ang sinabi ko at bahagya pa itong napakagat sa ibabang labi nito.

"Look—"

Magsasalita pa sana ako nang bigla nitong takpan ang bibig ko.

"I'm sorry," aniya at tinanggal ang kamay sa bibig ko. "I just don't like seeing you with that guy." turan niya gamit ang mahinang boses.

My heart did a little fluttery leap.

Was he… jealous?

"Nagseselos kaba?" I asked hesitantly. Baka kasi assuming lang ako.

Pero hindi ko kasi alam kung saan nanggagaling ang inis niya gayong nakita niya kaming magkasama ni Enzo. We were just sorting out the food stock lang naman, nothing more.

He didn't answer right away, at tinitigan lang ako hanggang sa mapansin ko na huminga ito at ibinaba ang balikat niya.

"Oo," he admitted. "Nagseselos ako," turan niya sabay iwas ng tingin, pansin ko ang pamumula ng tenga nito.

"Kasi… kasi gusto kita, Thalia," he finally looked at me again, his gaze vulnerable, almost pleading.

"Matagal na."

The confession hung between us, a fragile thing, yet potent enough to make my knees weak.

Ano 'tong nararamdaman ko?

My mind went blank for a second....

Gusto niya ako?

Kaya pala the way he'd looked at Enzo earlier, the way he'd said those words… it all clicked into place.

It wasn't just annoyance. It was pure, unadulterated jealousy.

And now, here he was, admitting his feelings.

My heart pounded in my chest, a mixture of surprise, excitement, and a nervous thrill.

"Labas."

Bahagya akong napakunot ako ng noo dahil biglang nag salita si Aze.

Nasira ang momentum ko.

Labas? Anong labas?

Taka ko siyang tinignan at nag buntong hininga lang siya at tumingin malapit sa isang pader samin.

"Uh... hehe."

Napalingon ako sa nagsalita, na walang iba kundi si Yahiko na kakalabas lang mula sa likod ng isang pader.

Shuta. Anong ginagawa nito rito?

"K-kanina kapa riyan?" tanong ko sa kanya.

Tinanguan niya naman ako bilang sagot at ngumiti na parang nakakaloko.

Last Generation: Zombie Apocalypse (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon