LAST GENERATION: ZA
CHAPTER 17ISAAC
"Ay ang bobo naman punyeta," rinig kong reaksyon ni Yahiko mula sa likod.
Mukhang naglalaro kasi si Owen ng online game at pinapanood niya 'to.
"Tanginangyan, bumalik pa low hp na. Ano ba yang kakampi mo, zombie apocalypse na tanga pa rin." muling saad nito at mukhang nainis pa.
Kita ko kasi sila sa rear view mirror, at napapatingin ako kada nag rereklamo si Yahiko.
"Ano ba Yahiko ang lapit ng mukha mo masyado." reklamo ni Owen.
Bahagya pa niyang hiwakan ang mukha nito para ilayo sa kanya.
Napailing nalang ako sa nasasaksihan ko. Tulog na kasi yung iba, samantalang sila gising na gising pa rin.
Nilingon ko naman si Aze na seryoso at matalim ang tingin sa daan.
"Just tell me if you want to rest, at ako na muna ang papalit sayo para mag drive." ani ko na tinanguan naman niya bilang sagot.
"Pero kung gusto mo ako nalang." presinta ni Yahiko mula sa likuran namin.
Kahit kailan talaga 'to.
YAHIKO
"Pero kung gusto mo ako nalang." suwestiyon ko.
Narinig ko kasi bigla ang sinabi ni Sac at para bang awtomatikong nahila ang tenga ko papunta sa kanila.
Kita ko agad ang reaksyon ng dalawa na mukhang hindi nagustuhan ang suwestiyon ko.
Ay, ang arte naman!
Ayaw lang siguro nila na nalalamangan ko.
Ako kasi ang pinaka magaling na mag drive rito samin e.
1 year ago
"Ready naba kayo?" excited kong tanong sa kanila at ngumisi.
Ako kasi ang naatasan na mag drive ngayon.
Napagdesisyunan kasi nila na pag ganitong kalmado raw ang lugar ay pwede naman na kaming mga babae ang mag drive.
Kaya syempre hindi na ako nagdalawang isip na mag presinta pa. Ako na to eh!
Magkakasama kami ngayon sa kotse ni Aze. Gusto kasi sana namin maghanap at magbaka sakali na may survivors pa bukod samin.
Wala rin naman kasing gustong maiwan sa hideout, kaya lahat ay sumama na.
Sakto rin naman na umaga na, kaya paniguradong walang mga panget na zombie ang susulpot dito dahil takot sila sa liwanag.
Nang makita ko silang ready na ay nagsimula na akong mag drive.
Sinadya ko talagang sobrang bagalan lang. Malay mo naman may gustong makakita ng talento ko. Diba?
Napangisi nalang ako sa aking mga naiisip.
"Umayos ka nga ng mukha, nakakatakot ka." saad ni Dione na nakatingin pala sa akin mula sa salamin.
Pakialamera talaga ang bruhang to, manang mana sa pinsan niyang amoy tae.
"Wala nabang ibabagal pa 'to?" rinig kong reklamo ng kung sino sa likod.
Para namang awtomatikong nagsipalakpakan ang tenga ko dahil sa aking narinig.
Yun! Yun ang hinihintay ko. Motivation!
"Bilisan mo nalang ng kaunti." pagbibigay sa akin ng permiso ni Thalia na siyang ikinalapad pa lalo ng aking pag ngiti.
Humawak na agad ako nang maayos sa manibela at nag ready bago tapakan ang accelerator.
"ADVENTURE TIME!" sigaw ko at sinimulan na paandarin ang sasakyan.
"AHHHHHH! PUTANGINA!"
"TANGINA KA YAHIKO."
"PUTA! ARAY KO!"
"FUCK!"
Rinig kong kanya kanya nilang anas at reklamo mula sa likod.
'Kunwari pa, pero ang totoo nag eenjoy naman' saad ko sa isip ko at napangisi.
"WHAT THE FUCK!"
"We're going on a trip in our favorite rocket ship, zooming through the sky, Little Einsteins!" rinig kong kanta ni Saturn mula sa likod.
Orayyyt! Rakrakan na!
Binilisan ko pa ulit ng kaunti ang andar ko.
"TANGINAAAAA!"
NAPAKAMOT ako sa tagiliran dahil sa pinong kurot sa akin ni Thalia.
Pagkahinto na pagkahinto ko pa lang kasi ng kotse ay kinurot na ako nito. Siya kasi ang nasa passenger seat.
"Ouch ansakit. Binigyan mo naman ako ng permiso ah." reklamo ko at napasimangot dahil sa hapdi ng pinong kurot nito.
"Bilisan ng kaunti ang sabi ko. Hindi yung para mo nang paliliparin ang sasakyan." mataray na saad niya.
Umistop muna kami saglit sa isang parke. Nakakapagod kaya mag drive, tapos parang hindi pa na appreciate ng mga kasama mo.
Nakita ko naman ang iba na nagpapahinga sa di kalayuan, sila Thalia at Owen naman nag stay malapit sa kotse.
Lumapit nalang ako kay Dione na nagsusuka sa gilid, at kasama niya pa si Saturn na kumakain pa sa tabi nito.
Kadiri naman.
"Buntis yarn?" ani ko nang makalapit.
"Tarantado," aniya at uminom ng tubig.
"Letche ka, bumaligtad sikmura ko sa pinaggagagawa mo. Bruha ka talaga." aniya sabay punas sa bibig.
"Ay ang OA," saad ko. "Si Saturn nga napakanta pa eh." dugtong at proud kopang saad.
"Sabi sayo ako ang pinaka cool mong kaibigan dito." proud naman na sabi ni Saturn at ngumisi.
Napahimas naman ako kung saan banda ako kinurot ni Thalia. Ang sakit talaga, kainis.
"Anong cool? Baka abnormal kayo parehas, ako nalang ata ang matinong tao na natitira sa bansang to." saad pa ni Dione at ngumisi.
Bruha na nga, baliw pa.
"Tara na nga, Saturn. Baka mahawa pa tayo sa baliw dyan sa tabi tabi." saad ko sabay hila kay Saturn.
Napabalik ako sa ulirat nang ihinto ni Aze ang sasakyan.
Mukhang magpapalit na ata sila ng pwesto ah.
Kainis naman, nag pipresenta na nga ako para dina sila mapagod e, tsk tsk.

BINABASA MO ANG
Last Generation: Zombie Apocalypse (COMPLETE)
Teen Fiction"There is life after survival." But would you survive? |UNDER MAJOR EDITING|