抖阴社区

CHAPTER 8

353 18 20
                                    

LAST GENERATION: ZA
CHAPTER 8

NATHALIA

"Tangina ka, umalis ka riyan!" sigaw ni Yahiko.

Nakatingin siya ngayon sa baba habang bumababa sa scaffold ladder.

'Tong dalawang 'to!

"Ano ba 'yan?" iritado kong tanong.

Imbis kasi kanina pa kami nakababa rito ni Owen, natagalan pa kami sa isang 'to.

"Baka masilipan ako ng gunggong eh!" reklamo niya.

Alam naman namin na hindi talaga siya masisilipan ni Saturn, ayaw niya lang talaga na may umaalalay sa kanya, ang kulit din talaga ng isang to.

"Hindi pwede! Baka malaglag ka." sigaw ni Saturn pabalik sa kanya.

"Wala akong paki umalis ka riyan gunggong!"

Sinilip naman namin sila sa baba, mukhang nag checheck ng paligid yung dalawa, pag tapos nun bumalik na sila sa pwesto kung nasaan si Saturn.

Hindi namin marinig yung pag uusap nila sa baba, pero for sure mukhang nag sabi na si Saturn na nag rereklamo si Yahiko.

Pag tapos nun tumingin sila samin, at sinenyasan ko nalang na payagan na nilang bumitaw si Saturn.

Dahil tiyak na mas mag tatagal pa kami rito kung mag babangayan pa 'tong dalawa.

After nun bumitaw naman si Saturn, atsaka umalalay nalang sila sa bandang malapit, hay sa wakas!

"Una kana?" tanong ni Owen sakin.

"Mauna kana, may ibibigay lang ako sa kanila." tukoy ko sa mga kaklase namin.

"Okay, i'll go first. Sumunod ka agad pag tapos." ani niya na tinanguan ko.

Kahit bwisit ako sa mga 'to may paki pa rin naman kami sa kanila.

Kinuha ko sa bag ko yung baon baon kong emergency kit and first aid kit na lagi kong dala dala.

My Mom and Dad is medic, kaya naman lagi akong may baon talaga na ganito kahit saan, for 'just in case' na mga pangyayari, and for safety purposes.

Sa totoo lang ayoko mag baon ng ganito pero syempre makulit sila Mom and Dad dahil medic sila pareho at propesyon nila yon. Gusto pa nga sana nila na mag medic din ako, pero i don't think na gusto ko ang medic kahit pa marami akong alam tungkol don dahil kila Mom and Dad.

I don't know baka hindi yun para sakin....

"Take this." sabay abot ko sa kanila.

Kaso matitigas ang mga 'to, ayaw nila kunin. Haynako, nasa ganitong sitwasyon na nga kami ganyan pa rin sila.

"Hindi namin kailangan 'yan." sagot ng isa.

Kaysa makipag sagutan nilapag ko nalang ko yun sa may chair na malapit sa akin, ayoko naman kasing mamilit, bahala sila riyan.

"S-salamat." sabi nung natapilok na babae kanina na tinanguan ko lang.

"Itabi niyo nalang, baka sakaling kailanganin niyo."

Tumalikod na ako sa kanila atsaka sumunod na kay Owen na nasa baba na.

ELOWEN

"Where's Thalia?" tanong ni Aze pagkababa ko.

"Pababa na, may ibibigay lang daw siya sa mga kaklase nating matitigas ang ulo." sagot ko.

Hindi na muli itong kumibo at naghintay nalang sa pagbaba ni Thalia.

Sakto naman at pababa na rin yung isa.

"What's taking you so long?" agad na tanong ni Aze nang makababa si Thalia, halata ang iritasyon sa boses nito.

"Manahimik ka, wala kang paki." pagtataray naman ni Thalia.

Nung meron sa dalawang 'to?

Hindi nalang pinansin ni Aze ang pagtataray ni Thalia, at nagpatulong nalang kay Sac na iligpit yung scaffold ladder at ilagay sa gilid.

Hindi na namin tinanggal yung rope, baka kasi maisipan ng mga kaklase namin na bumaba.

Pero yung scaffold ladder tinanggal namin, dahil syempre hindi rin namin masasabi, baka mamaya may zombie pa na makapunta rito at maisipan pang akyatin sila.

"Let's go." seryosong saad ni Sac.

SINILIP namin yung parking lot at muling bumalik sa puwesto namin nang makita na medyo maraming zombie ang nandoon.

"Taragis na 'yan!" rinig kong reklamo ni Yahiko.

"Hinaan mo nga yang boses mo, baka mapansin pa tayo ng mga 'yan." suway ko sa kanya.

Mabuti nalang at hindi na muling sumagot pa si Yahiko.

Napansin ko kasing medyo sensitive sa tunog ang mga zombie, kaya kung sakaling mapansin kami ng mga to ay tiyak na mapapahamak kami.

"Pano tayo makakalapit diyan?" rinig kong tanong ni Thalia.

Tinutukoy niya yung nakaparadang sasakyan ni Aze.

Yun kasi ang ginagamit namin minsan pag sabay sabay kaming pumupunta sa hideout namin.

"I have a plan," saad ni Aze.

Hindi na kami hinintay na sumagot nito at nagpatuloy nalang sa sinasabi niya.

"Saturn will go first, since siya ang pinaka maliksi sa atin. He can run quickly without making any noise. Then, I'll follow him."

"After that, Aze will drive his car papunta satin," saad naman ni Sac.

"While Saturn, ikaw ang bahala sa door ng car para pagbuksan kami. Mabilisan lang guys, napansin kong nagrereact sa ingay yung mga zombie. Delikado tayo kung hindi tayo magmamadali." dugtong pa niya.

Naghahati ata ng utak ang dalawang 'to.

After makaisip ng plano ni Aze, nakapag-isip din agad si Sac.

Wala namang tumutol sa amin, at thank god dahil hindi naman nag react yung dalawang maingay.

"Owright!" biglang maganang saad ni Saturn.

Mukhang ready'ng ready na siya sa plano.

"Wag ka ngang maingay, baka mamaya lapain pa tayo ng mga zombie na yan, ikaw talaga ang ipapauna ko." saad naman ni Yahiko at tumaray pa.

Haynako, kakasabi ko lang eh.

"Let's go, Saturn."

Last Generation: Zombie Apocalypse (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon