LAST GENERATION: ZA
CHAPTER 28YAHIKO
"Hay salamat nandito narin ang chef." saad ko nang makitang paparating na sila Thalia.
Sinundo kasi sila ni Saturn at Dione dahil gutom na gutom na gutom na kami.
Nalimutan na ata mag luto, porke kasama lang si Aze hindi na naisip ang mga kababayan niyang nag huhumikahos, nagugutom, nanghihina at nagmamakaawa.
"Yung tingin mo, alam mo ko yang mga iniisip mo." saad sakin ni Thalia nang makalapit sila.
Pumasok na siya sa stall kung saan siya nagluluto, habang sila Saturn naman tinabihan ako sa labas ng stall habang nakatingin kay Thalia.
"Ang tagal mo kasi, saan ba kayo nag suot?" reklamo ko at napangalumbaba.
Hindi na ako sinagot nito at nag patuloy lang siya sa ginagawa niyang paghihiwa.
Si Aze naman tumutulong sa kanya sa pagkuha ng mga kailangan.
Nakatitig lang kami nila Saturn at Dione sa kanilang dalawa habang nag aasikaso sila ng kakainin namin, pagkatapos ng ginagawa nila nag start na rin na magluto si Thalia habang si Aze naman nagliligpit ng mga ginamit nila.
Sa itsura nila ngayon mukha silang mag asawa.
"Okay naba?" tanong ni Thalia nang ipatikim niya kay Aze ang luto niya.
Dapat ako nalang, hindi naman marunong tumikim yan si Aze. Kainis, oh!
Nakita ko ang pag tango ni Aze kay Thalia at bahagyang pag ngiti.
Wow bago yun ah, ngiti nang ngiti to ah.
"This is the best thing I've ever tasted." saad niya pa kay Thalia na biglang namula.
Biglang napatingin samin si Thalia at agad naman akong ngumisi.
"Tawagin niyo na sila kakain na." saad niya at tumalikod.
"Thalia, namumula ka ah? May sakit kaba?" tanong ni Saturn sa kanya.
"Punggol ka talaga... tara na nga!" saad sa kanya ni Dione at hinila siya.
Ibig ko sanang matawa dahil sa inosenteng pagtatanong ni Saturn. Tinanong ba naman kung may sakit e, baliw na Saturn.
Umalis nalang din ako sa pwesto ko at hinanap nalang sila Owen, baka malintikan pako kay Thalia pag inasar ko pa yun, mabuti na yung safe.
Mabilis kong tinungo ang 2nd floor ng mall at hindi naman ako nabigo dahil nakita ko agad si Owen at Sac na nag uusap.
Ano kayang pinag uusapan ng dalawang to?
ISAAC
Bahagya akong umupo sa tabi ni Owen nang makita itong nakaupo malapit sa malaking glass window ng mall.
Tanaw na tanaw namin ang zombie sa baba mula rito sa kinauupuan namin.
Pansin kong hawak niya ang family picture nila at marahan niyang tinititigan ito.
"Siguradong namimiss kana rin nila." saad ko at tumingin sa kawalan.
"Sa tingin mo magiging ayos paba ang lahat?" tanong niya na ikinalingon ko.
Pansin ko sa mukha niya ang pag aalala at takot, pati narin ang lungkot.
"Sana."
Yun na lamang ang tangi kong naisagot at tumingin ulit sa labas.
Gusto kong pagaangin ang loob niya, pero ayaw ko rin naman na bigyan siya ng false hope. Kaya yung mga posibleng bagay nalang ang mga sinasabi ko.
Rinig ko ang paghikbi niya kaya muli akong napalingon dito.
Nakayuko ito, at tanginang pag yugyog lang ng balikat ang nakikita ko. Nahaharangan din kasi ng buhok niya ang mukha niya.
"Shit! Umiiyak kaba?" nag aalala kong tanong sa kanya.
"H-hindi ah." pagdedeny nito.
Magdedeny pa, para namang hindi ko siya kilala.
Dahan dahan ko itong hinila papalapit sa akin atsaka niyakap.
Hindi kasi ako magaling sa mga salita, kaya siguro ipapadama ko nalang na nandito lang ako para sa kanya.
Randam ko ang pagkabasa ng tee shirt ko at ang mahinang paghagulgol niya.
Hinayaan ko lang siya umiyak nang umiyak habang hinihimas ang likod niya, hanggang sa siya na mismo ang humiwalay sa akin.
"Thank you." saad niya at suminghot pa.
"Anong thank you? Ginawa ko lang yun kasi baka akalain ng makakita satin dito pinapaiyak kita." biro kong saad sa kanya.
Mahina naman akong pinalo nito sa braso at napatawa. "Gago!"
"Pero ikaw? Hindi mo ba namimiss parents mo?" tanong niya naman sakin.
"Namimiss." diretsa kong sagot sa kanya.
Ilang taon ko na rin kasing hindi sila nakikita at nakakasama. Wala pa tong zombie apocalypse na 'to, malayo na ako sa pamilya ko.
Nasa ibang bansa narin sila at ako lang ang nagpaiwan dito, kaya nakatira ako sa tita ko. Pero nung pinagawa namin ang hideout, lumipat na agad ako sa hideout.
Mabait naman ang tita ko, pati ang asawa niya. Sa tutuusin nga ayaw nila akong paalisin sa kanila, dahil tinuring na nila akong parang anak nila.
Kaya lang ay may hiya rin naman akong tinatago sa katawan.
Kaya ayun.
Nag aalala rin ako sa tita ko at tito ko na 'yon. Naiisip ko nga minsan, kung nakaligtas kaya sila? E yung mga magulang ko kaya, ligtas kaya sila sa ibang bansa?
Sa totoo lang ayoko nang isipin ang bagay na yan. Dahil pati ako at ang mga kaibigan ko ay kailangan ko rin naman isipin.
Oo ligtas kami. Pero hanggang kailan?
Tumahimik nalang kami pareho at pinagmasdan ang langit.
Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nakatitig ni Owen dito, at pinagmamasdan lang ito.
Napalingon ako sakanya upang ayain na sana ito sa baba.
Pero sandali akong napahinto at napatitig kay Owen na nakatingin sa kawalan.
Para akong tangang tinititigan ang mukha niya, at para bang may kung ano sakin na hindi ko malaman.
Basta ang tangi ko lang naririnig ang mabilis na pag tibok ng puso ko.
Eto na naman. Sa tuwing magkasama kami, o kaming dalawa lang, ay ganito nalang lagi ang nararamdaman ko.
Para akong nabibingi at tanging tibok lang ng puso ko ang naririnig ko.
"Baka matunaw,"
Pareho kaming napalingon ni Owen mula sa nag salita.
Si Yahiko, nakatingin ito sa akin at nakangisi pa.
"Kala ko matutunaw na e." saad pa niya.
Siraulo talaga to.
"Ginagawa mo rito?" tanong ni Owen sa kaniya at tumayo, kaya tumayo na rin ako.
"Sorry sa pag udlot ko ng love story niyo ha, pero hapunan na." saad pa nito at muli na namang tumingin sa akin na parang inuusisa ako.
"Sira!" anas sa kanya na Owen at napailing iling pa dahil sa sinabi ni Yahiko.
"Tara na." aya ni Owen at nauna nang maglakad.
Susunod na sana ako pero bigla nalang ako napatigil nang hawakan ako ni Yahiko sa braso.
"May gusto kaba kay Owen?"

BINABASA MO ANG
Last Generation: Zombie Apocalypse (COMPLETE)
Teen Fiction"There is life after survival." But would you survive? |UNDER MAJOR EDITING|