抖阴社区

CHAPTER 39

147 6 0
                                    

LAST GENERATION: ZA
CHAPTER 39

YAHIKO

Agad na tumakbo sila Sac patungo sa escalator at sinundan naman ng mga iba pa naming kasama ang mga ito.

Sumunod na rin kami agad ni Aze sa kanila nang mapansin ang mga zombie sa hindi kalayuan na papalapit na samin.

Shit! Ang pangit puta.

Nang matanaw namin ang escalator ay agad agad kaming pumwesto sa bandang paibaba. Natunugan na namin ang plano ni Aze kaya hindi na kami nagtanong rito.

Alam niya na susundan kami ng mga zombie kaya naman sa pababa niya kami pinapapwesto, at siya naman ang magpapahuli pa paganahin ito.

At once na gumana iyon at masundan kami ng mga zombie sa parteng iyon ay kailangan na tumalon kami patungo sa kabilang bahagi ng escalator, kung saan ang pataas.

"Fuck you!" agad akong napalingon kay Aze nang mag mura ito.

Bumaba ako nang kaunti para tingnan ang minumura niya.

Puta! Hindi niya ma on ang switch sa baba dahil kinakalawang na ito.

"Ako nga." saad ko sa kanya at walang sabi na tumabi ito habang lumilingon.

Patuloy ko lang na dinidiinan ang pag pindot pero ayaw talaga, agad akong napalingon sa kanan ko dahil biglang mabilis na gumalaw si Aze.

"GRRRRRR!" rinig kong angil ng zombie na nakalapit.

Dali dali kong pinag pipindot and button at kulang nalang ay sapakin ko na iyon dahil kung ano anong klaseng pindot ang ginawa ko para lang gumana iyon.

"Tangina mo makisama ka!"

Punyeta! Nakakabanas, kung kailan kailangang kailangan namin ayaw makisama.

"Yahiko!" tawag sakin ni Aze.

"Get up there, now! I'll hold them off." agad na napakunot ang noo ko sa sinabi nito.

Tangina, gunggong ba to? Baka gusto niyang sipain ako ni Thalia pababa pag nakataas na ako ron na wala siya.

"Now!"

Agad agad akong napatayo dahil sa sigaw nito, at wala sa sariling humakbang pataas habang nakatingin sa kanya.

Bahagya pa siyang lumingon sa likuran niya, at nang makita na mas marami pang zombie ang papalapit ay walang anu-ano na tinapakan nito ang button ng escalator.

"Shit! Tangina kang escalator ka," saad ko nang umandar nito.

"Dalian mo Aze." saad ko at naunang humakbang nang mabilis pataas.

Nakita ko ang pag sampa ni Axel at tumalon ito sa kabilang bahagi ng escalator.

"Dali!" saad nito kay Alice.

"No!"

Bahagya pa itong napahilamos sa mukha at kunot noong tumingin kay Alice.

"Hindi ito ang panahon para mag inarte ka, go take my hand at aalalayan kita." saad nito at inabot ang kamay kay Alice na umiiling.

"Baka malaglag ako."

Bahagya akong lumingon kay Aze nang makita na may isang zombie na na nakasunod sa amin, at may kasunod pa ito.

Agad niya na hinampas ng palakol ang ulo ng zombie kaya natumba agad iyon pero pagkatapos nun ay may sumunod agad, at bigla nalang may palaso na tumama sa ulo nun.

Bahagya kong inilipat ang tingin ng nasa unahan ko at parang gusto ng umusok ng bunbunan ko nang makitang umiiling iling pa rin ito.

Hindi kami makakakilos dito sa baba kung patuloy siyang gaganyan.

"No, natatakot ako, baka malaglag ako."

Punyeta! Malalaglag talaga siya pag itinulak ko siya pababa rito.

"Wag kanang maarte punyeta!" inis na sigaw ko rito.

Bahagya pa itong lumingon sakin at tinignan ako ng masama, at agad ulit na lumingon kay Axel, pero bago pa mangyari yun ay nadapa pa ito.

"Shit! Alice!" rinig kong anas ni Axel.

"Kingina." bulong ko.

Punyeta! Wala nakong ibang naiisip na paraan, baka kaming tatlo ang mamatay nito rito kung hindi ko pa gagawin to.

Delikado pa naman at nasa pababa kami. Kung hindi kami makakatakbo agad pataas at makalipat sa kabilang bahagi ay isa lang ang pwedeng kahantungan namin.

Kamatayan.

Buong lakas kong hinatak patayo si Alice at walang anu-ano na hinila ito paangat, agad naman itong hinawakan ni Axel para hilain sa kabilang side, itinulak ko pa ang pwet nito at paa para mabilis na mahila ni Axel.

Agad akong lumingon kay Aze at parang gusto nalang humiwalay ng panga ko dahil sa dami ng zombie na nakasunod samin.

"Run!" sigaw nito sakin na tinanguan ko kaya naman tumakbo na ako pataas.

Balak ko na sanang sumampa para tumalon sa kabilang bahagi ng may makita akong kamay na nakalahad sakin.

"Ano pang ginagawa mo riyan?" kunot noong tanong ko kay Axel.

Humahakbang pa ito pababa dahil sa pagtaas ng escalator sa pwesto niya. At mukhang pinauna na nito si Alice sa taas.

"Tara na, hawakan mo kamay ko."

Punyeta, anong akala ng mabahong to ako si Alice.

"Kaya ko na!" saad ko rito.

Bago pa ito magsalita ay naunahan na ito ni Aze na nakatalon na pala sa kabilang bahagi at pataas na.

"You can argue later, let's go!"

Agad na akong sumampa patungo sa kabilang side kung nasaan sila dahil sa sinabi nito, at hindi na pinansin si Axel. Pero kahit ganon inalalayan pa rin ako nito.

ISAAC

"Dito!"

Agad na saad ko nang makahanap ng isang room na may tagong emergency exit na may hagdan.

"Let's go, sabihin na agad natin sa kanila." aya sakin ni Thalia na tinanguan ko.

Tumakbo na agad kami patungo kung nasaan sila Owen.

Shit. Ano bang nangyari kanina sa kanila sa baba at bigla nalang nag wala ang mga zombie papasok dito?

"Nakahanap na kami ng pwede nating puntahan." saad ko nang makarating kami sa puwesto nila.

Sabay sabay na kaming tumakbo nang makita namin na nakaangat narin ang mga zombie. Para itong mga takam na takam sa laman namin at galit na galit.

Nang makarating kami sa nakita kong room kanina ay agad kong isinara ang pinto at nilock ito, pero biglang may kumalabog at kinatok ito nang malakas kaya bahagya akong napaatras.

"Kami to!"

"Boses ni Enzo yan!" biglang saad ni Yahiko kaya dali dali kong binuksan ang pinto.

Mabilis itong pumasok at medyo nagulat pa nga kami dahil kasunuran niya si Gio at Rena.

Nang makapasok ang mga ito ay agad ko na ulit na isinara ang pinto at nilock.

Tahimik lang kami lahat at ni walang makapag salita samin, hanggang sa may bumasag ng katahimikan.

"Mygod! How on earth did those ghastly creatures get in?" saad ni Alice at nanghihinang umupo.

Last Generation: Zombie Apocalypse (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon