LAST GENERATION: ZA
CHAPTER 43DIONE
Nang bumukas ulit ang elevator ay pumasok na kami roon.
Nauna kaming pumasok nila Thalia at Owen, tapos sumunod na rin si Yahiko na naka pwesto sa harap namin.
Habang yung dalawang bruha naman nasa kabilang gilid niya.
Si Alice na ang pumindot ng button dahil mas malapit siya roon.
"Let's check the 5th floor muna, then mag kanya kanya tayo para maghanap ng pagkain then magkita kita nalang tayo sa door ng rooftop." seryosong saad ni Thalia.
Akala ko pa nga walang sasagot pero biglang lumingon sa amin si Rena at tumaas pa ang kilay nito.
"Baliw kaba? Paano kung may zombie ron?"
Hindi naman siya inurungan ni Thalia at tinaasan din ng kilay. "Ayusin mo yang kilay mo, hindi moko madadaan sa pataas taas mo ng kilay," aniya.
"And one more thing. Kung totoong may utak ka, gamitin mo." mataray na saad niya.
Pumalakpak naman ako nang mahina dahil sa sinabi ni Thalia, okay 1 point, 1 over 0.
Kaya nga i-checheck muna bago maghiwa-hiwalay, ewan ko ba riyan sa babaeng yan, inuna pa mag react bago mag isip.
Kaya hindi nako magtataka kung bakit ganun siya sinagot ni Thalia eh, malamang napupuno na siguro.
Kung timba nga napupuno tao pa kaya.
"What? What do you mean?" saad pa ni Rena at mukhang uusok pa ang ilong.
"Wag ka raw bobo." turan naman ni Yahiko nang hindi lumilingon.
Gusto ko tuloy tumawa dahil sa mga naririnig ko, hays ang saya neto!
"What?! Anong sinabi mo?" akmang sasampalin niya na sana si Yahiko nang pigilan siya ni Alice na nasa tabi niya.
"Don't mind them, let me handle this." saad ni Alice at sumilay ang isang ngisi sa labi nito.
Wow, magkakampi yarn?
Agad na tumunog ang elevator hudyat na nasa mataas na floor na kami ng mall.
Lalabas na sana si Rena nang pigilan ito ni Alice, kaya naman si Yahiko na ang nag check, at dahan dahan na sumilip.
Kalahating katawan palang ang nakalabas kay Yahiko at akmang babalik na ito dahil sa nakita.
"May zombi—"
Mabilis siyang itinulak ni Alice kaya napasalampak siya sa sahig. At mabilis nitong pinindot ang button, kaya hindi kami nakapag react agad.
"Tangina!" mura ko nang sumara agad ang elevator.
"What the fuck— Yahiko!" react ni Owen.
"Yahiko!" gulat na sigaw ni Thalia.
Bumaling ang tingin ko sa taas ng elevator at napaawang ang labi nang makitang nasa 4th floor palang kami.
Hindi kaya— ayun yung sinasabi ni Alice kanina?
Shit tangina talaga ng Alice galis na 'to.
Una palang talaga hindi ko na gusto ang ugali niyan, lalo na nung sila pa ni Axel. Pota siya!
Narinig namin ang mahinang pag tawa ng dalawa kaya naman bumaling ang tingin namin sa kanila.
Putangina mga baliw na ata to.
"Tangina nababaliw kana ba!" gigil na saad ni Owen.
Matalim na tumingin si Thalia kay Alice at agad na kwinelyuhan ito at idikit sa pinto ng elevator.

BINABASA MO ANG
Last Generation: Zombie Apocalypse (COMPLETE)
Teen Fiction"There is life after survival." But would you survive? |UNDER MAJOR EDITING|