LAST GENERATION: ZA
CHAPTER 44NATHALIA
"Don't worry, she just needs a little space." nagbitaw ako ng isang malalim na pag buntong hininga at lumingon kay Aze.
"Lapitan na natin, she needs us." saad ko at muling tumingin kay Yahiko.
Nasa gitnang banda kasi kami ng rooftop, at si Yahiko naman nasa dulo sa kanan banda dahil gusto nitong mapag isa.
Habang sila Gio, Rena at Alice ay nasa kaliwang banda.
Hindi ko alam ang buong nangyari sa kanila kahapon sa 4th floor, basta pag dating nila rito ay bagsak ang mga mukha nila, lalo na si Yahiko.
At saka ko lang naintindihan kung bakit, dahil pala wala na si Enzo. Nalagasan na naman kami.
Hindi ko naiwasan na iyukom ang kamao ko nang maalala ang nangyari kahapon, kung paano tinulak ni Alice si Yahiko palabas sa 4th floor.
Paano kung pati si Yahiko nawala? Tangina!
Hindi ko alam sa sarili ko at parang nag kusa ang mga paa kong maglakad paalis at pumunta sa puwesto nila Alice.
Ako ang madalas na umaawat sa kanila sa mga ganitong pag kakataon, pero ngayon napupuno na ako.
"Where are you going?" tanong ni Aze pero hindi ko ito pinansin.
"Let her." saad ni Owen sa kanila dahil mukhang alam nito ang gagawin ko.
"Saan pupunta si Thalia?" rinig kong tanong ni Saturn.
Alam kong nakasunod sila sa akin ngayon dahil rinig na rinig ko ang mga ito.
"Basta!" saad ni Dione sa kanya.
Tumayo ako sa harap ni Alice at Rena at parang nagulat pa ang mga ito.
"What?" mataray na tanong ni Alice.
"Doon nga kayo!" pagtataboy samin ni Rena pero hindi ko pinansin ito.
Agad kong sinampal si Alice at halos lahat sila ay napasinghap sa ginawa ko. "Ouch!"
"What the heck bitch—"
Hindi na natuloy ang sasabihin ni Rena ng bigyan ko rin ng sampal ito.
"Thalia..." akma sana akong hahawakan ni Aze pero pinigil ko ito, at muling ibinaling ang atensyon ko sa dalawa.
Una kong tinignan si Rena na masama ang tingin sa akin at nakahawak sa pisngi niya.
"What? I'm a bitch? Ipapakita ko ngayon sa inyong dalawa ang totoong bitch! Unang una ikaw!" sigaw ko kay Rena at binigyan ulit ito ng malakas na sampal.
"Para yan sa pang aagaw mo noon," at binigyan ulit siya ng isa pang sampal sa kaliwang mukha. "Para yan kay Brian at kay Kelra, bitch!"
Akma pa sana itong gaganti sakin ng hawakan ito ni Gio pero maski si Gio ay nagulat ng bigyan ko siya ng isang sampal.
"Gago ka!" sigaw ko, at mukha namang gets niya na yun dahil umiwas lang ito ng tingin.
"Wala kang karapatan—" sinampal ko ulit si Rena at napaupo ito dahil sa lakas noon at kita ko na napaiyak siya. "Wala kang karapatan mag salita bwiset ka." saad ko rito.
"What a bitch!" rinig kong saad ni Alice.
Agad kong ibinaling ang tingin ko kay Alice na masama ang tingin sa akin ngayon.
Aawatin na sana ako ni Axel dahil nakita niya na mukhang si Alice na ang isusunod ko, pero tinabig ko ang kamay nito.
"What? Tama lang sa kanya yon, malandi siya, sayang nga e—"

BINABASA MO ANG
Last Generation: Zombie Apocalypse (COMPLETE)
Teen Fiction"There is life after survival." But would you survive? |UNDER MAJOR EDITING|