LAST GENERATION: ZA
CHAPTER 40YAHIKO
"Mygod! How on earth did those ghastly creatures get in?"
Maka those ghastly creature siya wagas kamukha niya naman yung mga yun. Akala ko pa nga kapamilya niya yung mga zombie na papalapit samin kanina.
Nasulyapan ko ang pag tingin sa akin nila Thalia, maliban nalang kila Gio at Rena na nakatulala sa hangin.
"Ano?" patay malisya kong tanong.
Ako na naman ang natripan ng mga to.
Wala naman akong kinalaman kung bakit may nakapasok na zombie rito, dapat ang pinagbabalingan nila ay yung mag shotang tanga.
Naalala ko tuloy yung kanina.
Ang bilis ng mga pangyayari, 14 kami lahat dito at ngayon 12 nalang dahil nalagasan kami ng dalawa.
At dahil yun sa baliw na babaeng yun. Si Rena, punyeta siya!
"Mukhang hindi magsasalita tong dalawa," saad ni Enzo na tinutukoy si Gio at Rena.
"Kaya ikaw na, Diba nandun ka? Nakita mo naman siguro ang lahat ng nangyari, Bakudan."
Hindi naman umimik ang iba at parang sumasang ayon sila sa sinabi ni Enzo at hihintay ang sagot ko.
Puta bat parang 'i owe an explanation' ang drama ko rito.
"Please tell us, anong nangyari?" tanong ni Owen.
Sasagot na sana ako nang biglang tumayo si Rena at galit na galit na lumapit sa akin.
"You know what? Kasalanan mo 'to e! This is your fault–"
"Ano ba Rena! Hindi ka pa rin ba titigil!" biglang sigaw sa kanya ni Gio.
"What? Totoo naman! Kasalanan niya to! Maayos naman tayo rito nung wala yan! Kasalanan niya kung bakit nangyari to!"
Agad na napakunot ang noo ko sa pinagsasabi nito.
Tangina, kailan ko pa naging kasalanan yung ginawa niya?
"Eh tarantado ka pala e!" hindi ko napigilang saad at tumayo rin sa harapan niya.
Ano ba kala niya lagi ko palalagpasin mga ginagawa niya?
Okay lang na isisi niya sakin yung nawalan kami ng pagkain. Pero yung ginawa niya? Yung dahilan kung bakit nalagasan kami? Gago pala siya.
"Bakit mo sakin sinisisi yan? Diba kayo riyan ang tangang nag aaway malapit sa entrance?"
"And it's because of you!"
Parang gusto tuloy umusok ng bunbunan ko dahil sa lokaret na to.
Kahit siya na ang may kasalanan at gumawa ng bagay na yon, nakuha niya pa talaga na ibaling sakin ang sisi.
"Teka nga! Ano ba talagang nangyari?" naguguluhang tanong ni Sac.
"For sure naman na ang Yahiko na yan ang may kasalanan." sabat ni Alice at nag cross arms pa.
"Stop it, Alice," saad ni Axel. "Hindi natin alam ang buong nangyari, at silang tatlo lang ang nakakaalam. Kaya wag kanang makisali."
Siraulo rin pala tong babaeng to e. Edi sana pala tinulak ko nalang siya kanina, bwiset siya.
"Puwede ba? Hanggang dito ba naman? Sabihin niyo nalang ang totoo. We lost two people," saad ni Thalia at napahawak sa ulo. "Two lives are gone...."
Huminga ako nang malamim upang pigilin ang inis, atsaka nagsimulang mag salita.

BINABASA MO ANG
Last Generation: Zombie Apocalypse (COMPLETE)
Teen Fiction"There is life after survival." But would you survive? |UNDER MAJOR EDITING|