LAST GENERATION: ZA
CHAPTER 21DIONE
"Talaga?" manghang tanong ni Kelra kay Saturn dahil sa kwento nito.
"Ay uto uto." bulong ko na mukhang narinig naman ng katabi ko kaya napa react ito.
"Selos yarn?" pangaasar sakin ni Yahiko at ngumiti pa na parang tanga.
Selos daw? Anong pinagsasabi neto.
"How are you, Yahiko?" tanong bigla ni Brian na kakarating lang.
Umupo ito malapit sa amin at may dala dala pa itong inumin na mukhang para samin.
"Wala bang pagkain diyan?" anas ni Saturn habang naghahanap ng pagkain mula sa dala dala ni Brian.
Partida kumakain pa ng cracker yan.
Umismid naman si Yahiko, at biglang nagmukhang seryoso.
"Good." maikiling sagot niya.
"Ay, bagong buhay yarn?" pangaasar ko kay Yahiko na sinamaan lang ako ng tingin.
Pansin ko ang pag iiba ng mood ni Yahiko dahil sa mga bago naming kasama ngayon.
Balita ko rin kasi ex daw ni Yahiko yung lalaki kanina, yung Gio raw ang pangalan.
Tapos yung babaeng parang ahas kung makapulupot, yung kala mo naman aagawin yung boyfriend, yun yung bagong girlfriend.
Ayun pala yung minsang nabanggit niya samin, na nanloko raw sa kanya at pinagpalit siya sa mukhang labubu.
At eto namang Brian, Kelra at Enzo, ay kaibigan nung ex ni Yahiko.
"Ang tagal narin nung huli tayong magkita ah. Nagbago kana? Hindi ka naba dalahira." biro pa nung Brian.
Ay nako! Kung alam mo lang boi.
Hindi nito pinansin ang lalaking nagsalita bagkus ay hinila pa ang pinsan kong nanahimik lang sa tabi.
"Samahan mo nga ako!" asik ni Yahiko at hinila sa kung saan si Axel.
Agad akong tumingin kay Brian nang makalayo ang dalawa mula sa pwesto namin, at inusisa ito na para bang isa itong kriminal at may ginawang matinding krimen.
Bahagya pa nitong itinaas ang dalawang kamay na para bang sumusuko sa mga pulis, nang mapansin nitong nakatingin ako sa kanya.
"What?" aniya.
Itinaas ko nang bahagya ang isang kilay ko.
"May kasalanan ba kayo kay Yahiko?" tanong ko rito na parang isang imbestigador.
YAHIKO
Buwisit!
Ganun nalang? Biglang feeling close?
Titigas ng mukha. Pag katapos nilang pagtakpan yung punggok nilang kaibigan, bigla nalang parang walang ginawa.
Oo ilang taon na ang nakalipas. Naka move on na ako, pero yung betrayal na ginawa nila, yun ang diko kayang palagpasin.
Tinuring ko rin silang kaibigan. Tapos ganun lang. Mga punyeta.
"Malayo na," biglang saad ni Axel.
Agad naman akong bumitaw sa pagkakahawak ko rito.
Kingina! Bakit ko ba naisipang hilain to?
"Di ka paba nakakamove on?" biglang tanong ni Axel.
Napaangat naman ako ng tingin sa seryosong mukha nito. Pinagsasabi neto?
"Tanga kaba?" bigla kong saad.
Dumadagdag pa siya sa pagkabadtrip ko e.
"Hindi kapa ata nakakamove on." saad pa nito at pinagkrus pa ang mga braso niya at bahagyang sumandal sa pader.
Tangina, trip ba ako neto? Kung oo, wag ngayon, wala ako sa mood buwisit siya.
Umupo ako sa bench ng foodcourt at sinubukang pakalmahin ang sarili ko, badtrip na nga ako kala Brian dadagdag pa ang gunggong na 'to.
"Matagal na akong naka move on." diretsa at seryoso kong sagot sakanya.
"Then why you're acting like that?"
Agad akong napatingin sa kanya nang itanong niya iyon.
Pansin kong halata rin sa itsura niya ang pagkairita.
Sino ba siya para kwestyunin ako?
Diretsa siyang nakatingin sa akin, at tila ba hinihintay ang sagot ko. "Wala kang pakialam."
"Ano yan love quarrel?" sulpot bigla ni Enzo at nakangiti pa na parang gago.
Pag minamalas nga naman talaga. Dumating pa itong isang 'to.
Agad akong umalis nang mapansin kong papalapit siya saamin.
Bahala sila riyan! Mga punyeta.
"Oh, anyare ron?" rinig ko pang tanong nito.
AXEL
Mabilis na umalis si Yahiko sa kinauupuan niya nang makitang papalapit na si Enzo samin.
"Oh, anyare ron?"
Sinundan ko ng tingin si Yahiko na lumakad papalayo sa amin.
Nang mawala ito sa paningin ko agad kong binalingan ang isang 'to.
"Can we talk?" anas ko rito at taimtim na tiningnan.
"Yeah.... sure?" kibit balikat nitong sagot.
Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang galit ni Yahiko sa mga ito.
At yun ang gusto kong malaman.
Simula kasi nang dumating kami rito, palagi nalang badtrip ang isang 'yon at hindi na masiyadong nakibo.
Parang hindi si Yahiko na nakilala namin, at kilala namin.
Teka, bakit ba ako masiyadong concern? Iritang irita pa ako kanina habang tinatanong siya ng mga bagay na hindi ko gustong marinig ang sagot.
Napailing nalang ako sa mga iniisip ko.
Umupo ako sa bench at ganun din ang ginawa ni Enzo, kung kaninang naka ngiti ito, ngayon naman ay seryoso na.
Hindi niya na akong hinintay na magtanong dahil mukhang alam niya na ang itatanong ko.
Nag simula na rin siyang mag kuwento sakin, simula nung naging magkaibigan sila ni Yahiko, hanggang sa naging boyfriend nga ni Yahiko si Gio at hanggang sa naghiwalay sila.
Kaya naman pala ganun ganun nalang umakto si Yahiko.
Gusto kong iyukom ang kamao ko pero ayaw kong ipahalata yun kay Enzo.
"Hindi naman talaga namin alam na niloko siya ni Gio para lang kay Rena. Buong akala niya ay pinagtatakpan namin si Gio sa kanya. Kaya simula nun, pati kami ni Brian nilayuan niya na," seryosong kwento pa nito.
Gago naman pala yung Gio na 'yon. Tapos kung makatingin pa siya kanina kay Yahiko parang hindi niya katabi yung girlfriend niya.
Tsk.
"Parang anlaki na nga ng pinagbago niya e. Napakaseryoso, parang dati lang halos mabasag pa eardrum namin sa pagiging dalahira niya." saad nito at naiiling pa at mahinang natawa.
'Yun ang akala mo' saad ko sa isip ko.
Sadyang badtrip lang kasi talaga sa kanila si Yahiko kaya siguro hindi nito mailabas ang kulit niya.
Tapos nasa teritoryo pa nila kami.
Pero teka, ang pagkakaalam ko bago kami pumunta rito ay walang tao rito.
Kaya paanong nandito sila?

BINABASA MO ANG
Last Generation: Zombie Apocalypse (COMPLETE)
Teen Fiction"There is life after survival." But would you survive? |UNDER MAJOR EDITING|