LAST GENERATION: ZA
CHAPTER 26YAHIKO
Sige, sige, dali! Sabunutan mo ako, para ihagis ka ni Thalia sa mga zombie.
Agad akong nakaramdam ng dismaya nang hindi nito ituloy ang gagawin niya sakin dahil sa sinabi ni Thalia.
Ay sayang!
"What the hell is happening? Guys?" napalingon kaming lahat sa nagsalita mula sa likuran ni Rena.
Si Enzo.
Nasa tabi nito ang naglalakad na si Gio na medyo naka kunot ang noo.
Pero teka? Nasan naman si Axel? Hindi kaya may nangyari na roon sa mabahong yun?
Agad akong nakaramdam ng kaba dahil sa naisip ko.
"Omy god baby!" maarteng tawag ni Rena kay Gio nang makita ito at agad itong nilapitan.
Arte namputa. Kakabwiset.
Gusto ko pa sana silang ibash sa utak ko, pero hindi kona ginawa dahil hindi ko maiwasang mag aalala kay Axel. Bakit ba hindi nila kasama ito?
"Wala bro. Buti nakabalik na kayo. What happened?" baling naman ni Brian sa kanila.
"Medyo napalaban." ngiwing saad ni Enzo nang makalapit sila sa amin.
"Nasaan si Axel?" agad kong tanong nang hindi ko ito makita.
Parang gusto ko nalang sapakin ang bibig ko nang mauna pa akong magtanong sa pinsan nitong si Dione.
"Oo nga, bakit hindi niyo kasama si Axel?" tanong ni Dione.
"Uh...." parang nag aalangan pang sagot ni Enzo at bahagyang lumingon sa likod.
"Oh, ayun na pala."
Agad na dumako ang tingin namin kay Axel mula sa likuran nila, at may akay akay pa itong babae.
Hindi ko alam pero parang awtomatikong nagsalubong ang kilay ko sa nakita.
Punyeta! Nag alala pa ako, nang chicks lang pala ang gago.
"Kaklase natin yan ah." rinig kong turan ni Owen.
Mukhang tinutukoy niya yung babaeng akay akay ni Axel.
Oo nga, kaklase nga namin to. Pero isa siya sa iniwan namin noon sa classroom 2 years ago, dahil ayaw nilang sumama.
Bakit mag isa nalang 'to?
"Anong nangyari.... sa inyo?" tanong ni Thalia nang makalapit sila samin.
Bahagyang lumingon si Axel sa akay akay niya at walang ekspresyon na tumingin sa amin.
"Nakita namin sa kotse na pinagkukumpulan ng zombie." saad niya.
Pagkatapos nila mag tanungan ay pumwesto na sila sa labas ng tent namin para makapag pahinga habang nag uusap usap.
Pero ako sumunod nalang kay Thalia sa isang stall kung saan siya nagluluto, pinapanood ko lang siya sa ginagawa niya.
Inabot sakin ni Thalia ang isang baso na may lamang kape, kaya nagtataka naman akong tumingin sa kanya.
"Ano 'to?"
"Alam mo namang nagtatae ako sa kape. Bakit bibigyan mo ako nito?" saad ko pa.
Bahagya naman ako nitong pinitik sa noo.
"Alam ko. Hindi naman para sayo yan, ibigay mo yan doon." aniya sabay nguso kay Axel na katabi ang classmate namin.
Agad akong umiling para tumanggi sa tinuran nito. Puta, bakit ako?
"Ikaw na," saad ko pero agad ako nitong pinandilatan ng mata.
"Ako na pala." sabay bawi ko sa sinabi.
Kainis talaga! Dapat pala hindi nalang ako pumwesto dun sa stall at pinanood si Thalia na magtimpla ng kape. Nautusan pa tuloy, tsk.
"Oh!" anang ko nang makalapit kila Axel at inabot sa kanya ang kape.
"Sakin?" parang di makapaniwalang tanong pa nito.
"Hindi, sa zombie." sagot ko.
Nagtatanong pa, obvious naman.
Pagkakuha niya ng kape ay agad akong tumabi kay Dione na katabi si Saturn. Lagi nalang magkasama 'tong dalawang to.
Pinagbalingan ko nalang ng atensyon ang sapatos ko hanggang sa may narinig akong nagsalita kaya napaangat ako ng tingin.
"Ex niya yan." rinig kong bulong saakin ni Dione.
"Sino?" pabulong ko ring tanong sa kanya.
"Ayan si Axel, ex niya yang katabi niya, si Alice." tukoy niya sa katabi ni Axel, yung kaklase namin.
"Hindi ko tinatanong." inis kong saad.
Pakialam ko naman dyan kung ex niya yan.
"Hindi raw, e kakatanong mo nga lang kung sino." saad pa nito pero tinarayan ko lang.
"Ah, so magkakilala pala kayo?" tanong naman ni Sac na tinanguan ni Axel.
"Actually, hindi lang kami basta magkakilala. We used to be lovers." maarteng saad nito at umakto pang parang nahihiya.
"Alice, you don't need to tell them that. It's not their business." turan naman ni Axel dito.
Kita naman sa mukha na Alice na hindi nagustuhan ang sinaad ni Axel dahil parang napahiya siya.
Bakit kasi kailangang sabihin niya pa yon? Ibo-brodcast niya pang naging sila. Wala namang may paki.
"Saan punta mo Thalia?" biglang tanong ni Enzo nang dumaan si Thalia malapit samin.
"Aze." simpleng sagot nito na nag pasimangot kay Enzo.
"Anyway, nasaan na nga pala yung iba nating classmate? Bakit hindi mo sila kasama?" tanong naman ni Owen kay Alice kaya napunta ulit ang atensyon namin dito.
Oo nga. Nasaan na napunta yung mga yon? Bakit hindi na sila magkakasama? Kala koba hindi sila aalis sa room na yon.
Si Alice pa nga ang isa sa mga nagmamatigas noon, isa siya sa nagsabi hindi raw sila lalabas.
"W-wala na," anya nito.
"K-kinain na sila ng mga zombie nung lumabas kami sa room." dagdag pa niyang saad.
Feeling ko may mali. Para kasi siyang ewan sumagot. O baka judgemental lang talaga ako.
"Bakit kayo ganyan makatingin?" biglang bulyaw nito sa amin.
"Wala akong kinalaman kung bakit nakain sila. Kasalanan nila yon dahil mga tanga sila!"

BINABASA MO ANG
Last Generation: Zombie Apocalypse (COMPLETE)
Teen Fiction"There is life after survival." But would you survive? |UNDER MAJOR EDITING|