LAST GENERATION: ZA
CHAPTER 25ELOWEN
"Pwede bang umupo ka, kami ang nahihilo sa ginagawa mo." saad ni Thalia kay Dione na pabalik balik sa pwesto niya at nakakagat pa sa kuko nito.
Paano, mag gagabi na kasi pero hanggang ngayon wala pa rin yung tatlo.
Ano na nga kayang nangyari sa mga yun?
Nakapag imbak naman na kami ng tubig. Nagkaroon na kasi ng tulo sa gripo kanina, senyales na nakapunta sila nang maayos sa water district.
Nandito kami ngayon sa labas ng mga tent namin. Kaming magkakaibigan ang magkakalapit ng tinutulugan, habang ang yung isang grupo naman nasa kabilang banda pero hindi masyadong kalayuan.
"Umupo kana. Babalik din yon." saad ko pa.
Gusto lang naman namin siya pakalmahin at bigyan ng assurance na makakabalik pa ang pinsan niya.
Kahit walang kasiguraduhan.
"Talaga! Dapat lang na bumalik siya. May utang pa sakin yung gago na yon." asik nito at umupo.
Nahawa na ata tong si Dione kay Yahiko.
"Utang? Mahalaga paba ang pera ngayon?" saad naman ni Sac.
Oo nga. Wala namang silbi ang pera sa lagay na ito.
"Utang niya yon 2 years ago. Sabi niya kahapon babayaran niya ako pag tapos na 'tong zombie nato. Patong patong na kaya utang niya." inis na saad pa nito.
Napailing nalang kami sa tinuran nito. Puro kalokohan talaga.
Alam naman namin na hindi talaga ayun ang ibig sabihin niya, alam naming nag aalala siya sa pinsan niya, ayaw niya lang ipahalata at ayaw niya rin sigurong mag alala kami.
"Baka nag swimming lang sila dun. Natagalan siguro sa pagkuskos, kasi ang kapal na ng libag." ngising saad pa ni Yahiko.
Nga pala, wala si Saturn dito ngayon. Kasama ni Brian, at vibes daw sila. Dahil parehong IT expert.
"Kasalanan mo 'to!"
Nagulat kami sa pagsigaw ni Rena nang makalapit ito sa pwesto namin, pare-pareho kaming napalingon sa kanya at nagtatakang tumingin.
Masama itong nakatingin kay Yahiko na bakas ang pagtataka sa mukha.
"Pinagsasabi nito." rinig kong bulong ni Dione.
"This is all your fault!" ani nito at tumingin nang masama sa amin isa isa. "You, you, you and you!" panduduro niya sa amin.
"Huminahon ka muna miss." saad ni Sac kay Rena.
Ano kayang pinagpuputok ng butse ng isang to?
"Huminahon?" ani nito at pekeng tumawa.
"Sino ba kayo para sabihin sa akin yan? Kung hindi kayo pumunta rito edi sana hindi kami kukulangin sa tubig at sana hindi na nila kakailanganin na lumabas. Dapat hindi nalang kayo pumunta rito, lalo kana!" galit na saad pa nito at masamang tumingin kay Yahiko.
"Hoy babaeng chipmunk! Kung alam lang namin na nandito kayo hindi kami pupunta sa lugar na 'to. Isa pa, hindi na namin kasalanan kung tanga tanga yung mga gagong yon at dina makabalik dito." saad naman ni Yahiko pabalik.
"Woooh! Live showing! Ex vs. bago na mukhang luma." pagccheer ni Dione.
Ibig ko sanang matawa dahil sa sinambit ni Dione. Ang babaeng 'to, kahit kailan talaga! Kakadikit niya yan kay Yahiko e.
Sinamaan naman siya ng tingin ni Thalia na nagpatigil sa kanya.
Salamat nalang talaga siya at di siya katabi nito kundi makakatanggap talaga siya ng kurot.
Hindi naman makapaniwala si Rena dahil sa sinabi ni Yahiko.
"Ako? Babaeng chipmunk? Ang kapal naman ng mukha mong sabihin sakin yan. Sino kaba sa palagay mo—"
"Rena, tama na." pigil ni Kelra kay Rena at hinawakan ang braso nito pero tinabig lang nito ang kamay niya.
"Tumigil ka nga! Isa kapa! Wala ka namang kwenta sa grupo namin, pasama sama kapa. Dapat sayo ipakain sa zombie!" bulyaw ni Rena kay Kelra.
Aba! Ang sama naman pala talaga ng ugali nito.
"Bakit ikaw? Sa tingin mo may kwenta ka?" sarkastikong saad naman sa kanya ni Yahiko.
Hindi naman ito nakasagot agad, at bahagya pang pumadyak dahil sa sobrang inis.
"Humanda kalang! Pag hindi nakabalik si Gio dito humanda kang babae ka!" inis na bulyaw nito.
"Anong nangyayari rito?" takang tanong ni Brian na kakarating lang.
Kasama niya si Saturn na may hawak na isang laptop.
"Yung aso niyo nagwawala, ilayo mo na yan at baka makasakmal pa rito." seryosong turan ni Yahiko.
"What? Anong sabi mo?! Humanda ka sakin kakalbuhin kita!" galit na sigaw nito.
Galit itong lumakad papunta sa puwesto ni Yahiko, akma na sana niyang sasabunutan si Yahiko nang mag salita si Thalia.
"Sige subukan mo. Subukan mong idikit yang marumi mong kamay kay Yahiko, at ikaw ang ipapalapa ko sa mga zombie." seryosong turan ni Thalia.
Mukha namang natakot ito dahil sa sinambit ni Thalia kaya't bahagya itong napaatras.
Seryosong seryoso kasi ngayon si Thalia at napatayo na rin.
Miski ako ay matatakot sa isang to. Kaya huwag niya na subukan si Thalia.
"What the hell is happening? Guys?" napalingon kaming lahat sa likuran ni Rena nang biglang may mag salita.

BINABASA MO ANG
Last Generation: Zombie Apocalypse (COMPLETE)
Teen Fiction"There is life after survival." But would you survive? |UNDER MAJOR EDITING|