抖阴社区

CHAPTER 31

182 8 0
                                    

LAST GENERATION: ZA
CHAPTER 31

AXEL

"Ayoko na." saad ni Alice sakin sabay abot ng lalagyan ng pagkain niya na halos puno pa ang laman.

Hindi ko naman talaga gustong kasama to si Alice kaya lang hindi ko maiwan dahil masakit pa raw ang injury niya sa dahil sa pagkakadapa.

Nakita namin siya nung pauwi na kami galing water district kaya kasama namin siyang bumalik dito sa mall.

Siya rin ang dahilan kung bakit natagalan kami sa pagbalik.

Narinig kasi namin ang sigaw niya, at nakitang nasa loob siya ng isang sa kotse na napapalibutan ng zombie. Kaya napalaban kami sa zombie.

Kamuntikan pa nga kami dahil sa kaingayan niya at pagpapanic.

"Ubusin mo yan." seryosong turan ko sa kanya.

Hindi ko pinansin ang pag aabot nito sa akin ng plato niya. Dahil alam ko namang nag iinarte lang ito.

Ganyan na ganyan din kasi siya noong magkarelasyon pa kami.

Ang kinaibahan lang ngayon ay hindi niya na magagawang mag inarte sakin pag hindi niya makuha ang gusto niya.

Ibinaling ko nalang ulit ang atensyon ko sa pagkain ko, pero bago yun nadako ang tingin ko kay Yahiko.

Pero bigla nalang ako tinarayan ng isang to nang magtama ang mata namin.

Problema nun?

"Marami pa yan ah? Sasayangin mo lang? Ubusin mo yan kung gusto mong makakain pa sa susunod." mataray na turan sa kanya ni Thalia nang mapansin ito.

"Wala na ngang makain nag iinarte pa." rinig kong bulong ni Dione.

Kilala ni Dione si Alice at ayaw na ayaw niya rito, lalo na nung kami pa ni Alice.

Hindi ko naman siya masisisi dahil totoong may kakaiba sa ugali nito.

"Tss." rinig kong usal ni Alice.

Wala na rin naman siyang nagawa at kinain nalang ang pagkain niya.

Sama sama kaming kumakain ngayon maliban kay Rena at Gio na nasa hindi masyadong kalayuan.

Napailing tuloy ako bigla nang maalala ko yung eksena nila nung nakaraang araw, parang tanga lang.

Lumipas ang buong maghapon na si Alice lang ang kasama ko.

Gusto ko na muna sana siyang iwan, kaso sa tuwing aalis ako sa tabi nito ay sinunundan agad nito ng pag iinarte. Masakit daw yung injury niya.

Hindi tuloy ako makatulong sa pag aayos ng mga weapons saka harang, kahit gusto kong tumulong sa iba pa naming kasama.

ELOWEN

"Saan ang punta mo?" agad kong tanong kay Thalia nang makita itong papaalis.

"Magpapatulong lang ulit ako kay Enzo para sa mga stock nating pagkain." sagot niya na siyang tinanguan ko.

"Tutulong ako." ani ko at tatayo na sana nang pigilan niya ako.

"Huwag na. Hindi ba sabi mo kanina masakit ang ulo mo? Magpahinga kana muna saglit diyan, at inumin mo yung gamot na binigay ko." maawtoridad na turan nito.

Bumalik nalang ulit ako sa pwesto ko at nagbuntong hininga.

Hindi nalang ako umalma sa sinabi ni Thalia, alam ko naman na kasi ang susunod na mangyayari kung magmamatigas ako rito.

Paniguradong hindi rin ako mananalo sa kanya lalo na pag pinandilatan ako ng mata nito.

Nakakatakot kaya si Thalia.

At isa pa ayokong makurot katulad nila Yahiko no.

Nagpaalam na itong umalis at pumunta na kung nasaan si Enzo.

Gusto ko sanang tumulong kaya lang masakit talaga ang ulo ko.

Nandito ako sa labas ng tent at kasama ko sila Yahiko na nakatingin ngayon kay Axel na kasama si Alice at parang hinuhusgahan ito.

"Anong tingin yan?" natatawa kong tanong kay Yahiko.

Bumaling naman ito sakin at parang nagulat pa sa tanong ko.

Siguro iniisip nito kung siya ba ang tinatanong ko, at kung bakit tinatanong ko siya nyan.

"Nagseselos ata." mapang asar na saad ni Dione na agad na nilingunan ni Yahiko.

"Ako?" saad pa nito ang itinuro ang sarili.

Tumawa pa siya bago sumagot kay Dione. Hala, naloka na ata?

"Iba ang nandidiri sa nagseselos. At sa lagay ko, nandidiri ako." dipensa ni Yahiko at umakto pang parang naduduwal.

"Sus, pero ilang araw kana ngang nakatitig nang masama riyan kay Axel at Alice." pangaasar ni Dione na sinamahan pa ng ngisi.

"Ang sakit kasi nila sa mata. Saka wag ka nga! Hindi ko gusto yang pinsang mong mabaho!" anas ni Yahiko sa kanya.

Pero mas lalo lang ngumisi si Dione at lumawak ang ngiti na may halong pangaasar.

"Wala naman akong sinabi na gusto mo ah,"

Napapailing nalang ako habang pinapanood silang dalawa.

"Ikaw ahh." panunukso pa ni Dione.

Agad namang tumayo si Yahiko sa kinauupuan niya.

"Ewan ko sayo, abnormal." Anya nito at umalis.

Agad akong lumingon kay Dione nang mawala sa paningin namin ni Yahiko, nakangisi pa talaga ang gaga.

"Halata siya no?" saad niya pa.

Last Generation: Zombie Apocalypse (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon